Chapter Fifteen

7 0 0
                                    


"Is she okay?" Ate Zxyrielle whispered after introducing herself to ate Miles.

Kasi naman, hindi na binitawan ni ate Miles yung kamay niya nang mag-shake hands sila at kasalukuyan pa din nitong pinagmamasdan si ate Zxyrielle.

She's definitely smitten.

"Kriscia!" Napalingon kami sa bagong dating na si Iris, kung makasigaw naman kasi parang nakalulon ng megaphone. Psh.

Pero dahil din doon kaya natauhan si ate Miles. Babatukan ko na sana siya kanina eh.

"Girl! Muntik na ko maligaw sa lupain niyo, hindi mo man lang ako sinundo sa gate." First time niyang makarating dito sa bahay, sila Aya at Rhianne lang naman ang tumatambay dito kapag trip nilang mambulabog.

"Nakarating ka naman ng matiwasay nagrereklamo ka pa."

Ngumuso siya at inirapan pa ako. "Ang pangit mo."

Umismid ako. "Kung pangit ako, wala ng maganda sa Pilipinas."

"Ang kapal din ng mukha mo."

"Kung makapal ang mukha ko paano pa 'yang sayo?"

I smirked when she gave me a death glare.

Nabaling ang atensyon niya kay ate Miles, na nakatulala pa din kay ate Zxyrielle although she's no longer holding her hands.

"Ate insan, bakit nandito ka?" Tanong ni Iris nang makalapit kay ate Miles. Ngayon ko lang nalaman na magpinsan sila.

Kumurap ng ilang beses si ate Miles bago lumingon kay Iris. "I was invited. Are you invited too?"

Tumango si Iris at tinuro ako. "We're friends, magkakilala pala kayo."

"Suki sa clinic 'yan eh."

"Sabagay, lapitin nga pala ng disgrasya itong babae na 'to." Pagsang-ayon ni Iris, na ikinangiwi ko. Aminado naman ako dun.

Napunta sa akin ang atensyon ni ate Zxyrielle na nakakunot-noo na ngayon. "What happened to you, Kriscia Crishelle?"

Napalunok ako. Normal na ang pagiging seryoso and firm ng boses ni ate Zxyrielle, kaya nagagawa ko pa din makipagbiruan sa kanya, pero ibang usapan na kapag tinawag niya ako with full name.

She's scary when she's actually serious.

"Umm...ano..hmm.." Saktong nahagip ng paningin ko si Zeira na kakalabas lang ng comfort room. "I'll tell you later, ate, bye!" Kumaripas ako ng takbo papalayo, mahirap na baka mahablot pa ako nito.

"Kriscia Crishelle, come back here!"

"Hoy bruha, huwag mo kong iwan dito!" Sigaw ni Iris.

Hindi ko sila pinakinggan hanggang sa makalapit ako kay Zeira. She was taken aback when I grabbed her hand and intertwined it with mine.

"Kriscia? What's wrong?" She asked as she squeezed my hand.

Ngumiti ako at hinila siya paakyat sa second floor. "Let's go check on everyone at game room."

Dumadami na ang bisita ng magulang ko, kaya dapat lang na magtago na ako. Nastuck lang naman ako doon kasi pinakilala ako nila mommy sa bago nilang business partners pagkabalik namin nila ate Zxyrielle at Zeira sa bahay. Nangalay na lang ako kakangiti hindi pa din natatapos ang pagpapakilala nila sa akin. Ang dami nilang bagong partners and investors, nakakaloka! Mabuti na nga lang dumating si ate Miles kaya nagkaroon ako ng excuse para umalis.

Pagbukas ko ng pinto ng game room katahimikan ang bumungad sa amin. Hindi na sila naglalaro ng video games, they are now playing board game, chess in particular.

When Straight BendsWhere stories live. Discover now