Chapter Seven

23 1 0
                                    


"May assignment kami, pero hindi ko ginawa."

"Nice, same."

Agad kaming nakatanggap ng pitik sa noo ni Rhianne mula kay Aya. Ang lakas!

"Aray ko! Ang sakit nun, naalog yata utak ko." Reklamo ni Rhianne habang hinihimas ang nasaktang noo, kagaya ko. Masakit talaga, namumula na siguro ang noo ko.

Hindi na siya naawa sa maganda!

"Ah, talaga may utak ka?"

Napanganga ako sa naging sagot ni Aya. That's overkill! "Oh my gosh ka Aya!" Tuluyan na akong natawa ng nagkibit-balikat lang siya.

"Grabe ka, Aya, mas masakit pa 'yan sa pitik mo." Napasimangot si Rhianne.

"Masakit kasi totoo."

Mas natawa ako ng malakas dahil sa sagot niya, napatingin tuloy sa amin ang iilang tao na nandito sa field.

"Ang savage mo ngayon, Aya." Hindi naman siya ganito usually, unless stress siya. I think she's venting out her stress by being savage, most specially kay Rhianne.

"Ang dami kasing ginagawang preparation for foundation week. Ang sakit sa ulo, kaliwa't kanan ang mga nagpapatulong sa mga orgs ang clubs."

Napaismid ako, stress nga siya. "Masyado ka kasing mabait, Aya. Hindi ka naman part ng kahit anong organizations and clubs pero lagi kang involved. You should learn to say no sometimes to prioritize your well-being."

"Tama, ang hirap mong ma-stress pati dignidad ko tinatapakan mo." Nakangusong saad ni Rhianne. Hindi ko siya masisisi kasi siya naman talaga lagi ang biktima ng pagiging stress ni Aya.

"Ang hirap kayang tumanggi, saka alam ko naman na kailangan talaga nila ng tulong, kawawa naman sila kung tatangihan ko lang."

I rolled my eyes at her kaya napangiwi na lang siya, si Rhianne naman naka-face palm at bumubulong-bulong sa sarili. Siguro nag-r-ritual na siya, tinatawag lahat ng anime characters na kilala niya para matulungan siyang magplano kung paano mababawasan ang pagiging mabait ng best friend niya.

Hindi ko pagdududahan kung may taong magsasabi na sobrang bait ni Aya, kasi totoo.

Aya has never been a part of any school organizations and clubs pero sobrang busy niya kapag may events kasi ang dami niyang ina-assist na iba't ibang orgs saka clubs. Hindi ko alam kung paano niya nahahati ang oras niya sa pagtulong sa iba at pag-aaral kasi kahit na ang busy niya her grades remains the highest out of us all. She's not the type who studies all the time, she still finds a way to do her hobbies, like reading novels and writing. It's amazing how she managed her time without having to sacrifice one thing over the other.

Honestly, it's not the work that's stressing her out but the people she's working with. Iba't ibang tao ang nakakasalamuha niya every time na may tinutulungan siya, for sure iba-iba din ang ugali ng mga yun at hindi na mawawala dyan ang mga kupal at nagmamagaling kahit hindi naman magaling.

I respect the amount of patience Aya has in dealing with those type of people because I could never. Sigurado ako na kung ako ang nasa position ni Aya nakatanggap na sa akin ng kaltok sa noo ang mga yun. Mabait lang ako sa taong mabait, kung hindi, then talk to my fist. I will not tolerate ill behavior.

"Kailan ba ang foundation week?" Tanong ko, hindi naman kasi ako updated kahit sabihin na tambay ako sa social media.

"Next week na. Bakit hindi mo alam samantalang mag-p-perform kayo dun?" Natatawang sagot ni Aya, may point naman siya.

"Oo nga 'no? Hindi ako na-inform pero nag-p-practice naman kami araw-araw."

"Anong klaseng captain ka? Ikaw pa yung walang alam sa mga event."

When Straight BendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon