Chapter Eleven

25 1 0
                                    


"Hoy, saan si Zeira?"

"Hoy ka din, hindi ba siya nagtext sayo?"

Umupo ako sa pagitan nila ni Aya. Nandito kami sa garden, break time namin sa cheerdance kaya naisipan kong guluhin sila. I was expecting to see Zeira, but no shot.

"Hindi, actually its been a week since we last talk."

Binalingan ako ni Aya pagkatapos isara ang binabasa niyang libro. "Break na kayo?"

I scoffed. "Anong break? Hindi naman kami."

Aya shrugged while plastering a playful smile. Naglevel up na ang pagiging yuri shipper niya kahit na alam naman niya na straight ako.

"Why don't you text her instead?" Asked Rhianne.

"She told me last time that she's working on her manuscript. I don't wanna be a bother to her, that's why." Everytime na may submission siya for her manga hindi ko siya ginugulo. Hindi lang naman ito ang unang beses na hindi ko siya nakausap or nakita man lang sa loob ng isang linggo or more.

Nasanay na din ako na siya ang unang magttext kapag nakatapos na siya ng manuscript. But I dunno, lately I'm missing her presence. Maybe because she makes me feel at ease whenever she's around especially when cheerdance practice is being too much.

Tapos na ang final exam namin for first semester last week, pumapasok na lang kami para magsubmit ng ibang requirements. Pero since cheerdance competition is around the corner our practice time doubled. Wala na din namang klase kaya halos buong oras ko sa school ginugugol ko lang sa practice. Nakakapagod kaya tapos pag-uwi ko kakain lang at matutulog tapos ganun ulit kinabukasan.

I wanna relax and here I am, looking for the person who constantly giving it to me.

"Parehas kayo ng mindset." Sabi ni Rhianne.

Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"

"Supposedly, academic scholars have meeting today because of the upcoming quiz bee competition, so they are not allowed to be absent. But Zeira texted me saying that she couldn't make it and asked me to attend in her place."

"Pero nag-volunteer na ako kasi wala siyang maasahan kay Rhianne if ever. I'm sure matutulog lang 'to sa meeting." Sabi ni Aya at alam kong hindi siya nagkakamali dun.

Napangiwi si Rhianne pero hindi tumanggi, kasi proven and tested na yung katamaran niya. "Anyway, tinanong ko siya kung bakit hindi ikaw ang tinext niya, she answered that she don't wanna be a bother to you. So okay lang kung ako yung guluhin niya ganun?"

"Alam lang niya na wala kang ginagawang matino sa buhay kaya siya na ang nagbigay ng pwede mong gawin. Be thankful, at least may pakinabang ka na ngayon." Umismid si Rhianne at inirapan ako, si Aya naman ay tumatawa lang sa gilid ko.

Nagsasabi lang naman ako ng totoo.

I'm glad to hear from Zeira although I still want to see her. May part sa akin na mapapanatag lang once na nakita at narinig ko siya. I guess I'll give her a visit after the practice.

I badly need a dose of Zeira.

"Thank you, kuya Mac. Huwag niyo na po ako sunduin mamaya. Makikitulog ako dito."

Ngumiti si kuya at tumango. "Areglado, ma'am."

Hindi na siya nagtagal at umalis din agad. Ako naman ay naglakad na papasok ng condominium. Dumiretso ako sa elevator at pinindot ang floor ni Zeira. Wala akong kasabay at wala ding sumakay sa ibang floors kaya nakarating ako agad.

When Straight BendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon