(Nov 2022)
Minsan, may nagtanong sa'kin,
Ano ba iyong mga bagay na gusto kong sabihin sa'yo
Ang sagot ko?Una, mahal kita
Pangalawa, mahalaga ka
Pangatlo, ikaw lang kailangan ko
Pang-apat, huwag mong isiping hindi ka sapat
Pang-lima, hindi ako nagsusugal pero sa'yo ako ay tatayaPang-anim, ang bawat ngiti ko ay pag-amin
Pang-pito, paano ito, ikaw na lang nasa isip ko
Pang-walo, teka, ikaw pa rin talaga
Pang-siyam, alam mo bang ngayon lang ako nagka-gan'to?
Pang-sampu, masaya akong sa'yo ibinigay ang aking pusoIka-labing isa, sa aking mundo ikaw ay nag-iisa
Ika-labing dalawa, bakit mahal kita? kasi iba ka
Ika-labing tatlo, ilang beses man akong magtampo, ikaw pa rin ang iniibig ko
Ika-labing apat, wala man sa'yo ang lahat, pero ako na ang pinakamaswerteng babae kapag minahal mo
Ika-labing lima, huwag kang mag-alala, sa lahat ng laban mo, nandito lang akoIka-labing anim, salamat sa pagmamahal mo sa'kin
Ika-labing pito, patapos na ang pagbibilang ko
Ika-labing walo, pero di ko pa rin nasasabi ang mensahe ng tulang ito
Ika-labing siyam, alam ko namang hinihintay mo,
Dalawampu, heto na at sasabihin ko,Dalawampu't-isa, eto nga at kasunod na
Dalawampu-t dalawa, maligayang kaarawan sa pinakamagandang biyayang dumating sa buhay ko
![](https://img.wattpad.com/cover/227354678-288-k209697.jpg)
YOU ARE READING
Thoughts turned into Poetries
PoetryWelcome to my poetry world! These are random thoughts, and sometimes memories that makes me just wanna write. -- 5.31.2020