14: Attacks

12 5 0
                                    

Shaniqua's POV,

"Hi Father Darius!" Ophi greeted the priest that looks like mid-50s. Father smiled and then approached us.

"Kamusta mga bata?Kamusta ang pagpuksa sa masasamang elemento?Sino itong bago niyong kasama?" sunod sunod niyang tanong. Kakilala namin si father dahil noon pa man ay tumutulong na siya sa amin lalo na pag nahihirapan kami sa kalaban at kailangan ng gabay ng simbahan. Aaminin ko sa sarili ko, hindi ako komportable sa lugar na ito pero para sa mga kaibigan ko, at para kay inay gagawin ko ito.

"I-I'm Zayden po." magalang na saad ni Zayden.

"Nabalitaan niyo po ba ang tungkol sa paglakas ng kapangyarihan ng mga demonyo, father?" Xzoria asked. Kaibigan ng pamilya ni Xzoria si father, as what she said to us. Sa katunayan siya nga ang nagpakilala sa amin kay father. Para na rin namin siyang tatay.

Nawala ang ngiti ni father at napalitan ng pagkabahala. "Sa totoo nga ay palagi kaming nakakatanggap ng tawag. Busy kami nitong mga nakaraang araw dahil diyan. Mukhang may nangyayaring gulo sa ibang mundo na nadadamay tayo. Pero alam naman nating walang magandang dulot ang mga ito sa lugar natin kaya kailangan nilang bumalik sa kung san nila nararapat." paliwanag ni father.

"Ramdam ko ang paglakas ng masasamang pwersa kaya mag-iingat kayo. Hindi na basta basta ang iba sa kanila."dagdag pa ni father.

"Salamat father, we'll keep that in mind." saad ko saka ngumiti sa kanya just to assure that we can handle ourselves. He smiled back, telling he trusts us. "And father, nasabi ko na." isa si father sa mga nakakaalam ng sikreto ko bago ang mga kaibigan ko. Napansin kasi niya ang pagiging kabado ko sa pagpasok sa simbahan. Maging ang paghawak sa bote ng holy water ay nagdadalawang isip pa ako noon kaya personal niya akong kinausap nung araw na iyon. Doon ay umamin ako sa kanya pero sinabi na huwag sasabihin sa mga kaibigan ko ang nalaman niya.

Mas lumapad ang ngiti ng pari. "Masaya ako para sa'yo, Tanya."

"Kinausap na namin ang obispo tungkol sa mga kaganapan at sinabi niyang gagawin niya ang lahat para matulungan tayo. Nga pala, nakalimutan kong sabihan si Greg pero tingin ko alam na rin nila ang nangyayari. Baka may dagdag silang impormasyon na makakatulong." saad ni father na tinanguan namin.

"We'll need supplies, father." Valent coldly said in which he nodded. Mabilis siyang umalis at nang bumalik may dala dala na siyang mga krus, holy water, at bibliya. Binigay niya ito kina Xzoria.

"Mag-iingat kayo mga bata. Nawa ay gabayan kayo ng Diyos."

"Salamat father, kita kits!" Jovian said and then we all left.

We all went inside Zayden's car and then he turned on the radio.

"Limang tao ang nakitang walang buhay sa ibat ibang lokasyon ngunit sa bayan lamang ng ****. Ayon sa mga tao doon, karumal dumal daw ang sinapit ng mga ito dahil sa mga tinamong pinsala. Halos hindi na makilala dahil sa wasak na mukha. Wakwak rin ang tiyan ng mga ito at para bang tinanggalan ng lamang loob."

"What the fuck?" Zayden muttered.

"Shh, kakagaling lang natin ng simbahan." Xzoria said while covering Ophi's ear.

"Hinala nila na ang gumawa nito ay mga aswang pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang pruweba. Sa kabilang balita naman–sandali, kararating lang na balita, sa lugar naman ng ******, ay siyam na tao ang tumalon sa gilid ng bangin. Natagpuan ng isang hiker ang bangkay ng mga ito sa ibaba at hindi na mahitsura. Wala silang alam kung ano ang dahilan nito pero ayon sa ilang kaanak, wala raw silang alam na motibo ng mga ito. Pero ayon din sa kanila, ilang araw bago ang trahedya ay kakaiba ang kilos ng mga ito. Animo'y sinasapian daw. Kinilala ang mga biktima bilang sina–"

"Kailangan na nating magmadali."saad ko. Rinig na rinig ko ang pintig ng puso ko sa sobrang kaba. Hindi ko akalaing mangyayari to. Na sabay sabay silang aatake.

Binilisan pa ni Valent ang pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa bahay nila  Kuya Gregg. Naabutan namin siyang kakarating lang ng hq nila kasama ang team niya. Pero balak na namang umalis.

"Kuya Gregg! Sandali!" sigaw ko. Saktong pagtigil ni Valent ay bumaba na ako agad. Sumunod naman ang mga kasama ko.

Mabuti nalang at napansin ako nila Kuya. "Tanya?Bakit nandito kayo?"

"Narinig namin ang balita kuya. Gusto naming malinawan. May oras ba kayo?" tanong ko. Tiningnan niya ang mga kasama niya.

"Kami na ang bahala, Gregg." saad ni Ate Alex na tinanguan ni Kuya.

"Mag-iingat kayo." sabi ni Kuya bago umalis ang team niya na wala siya. Muli niyang ibinaling ang tingin sa amin.

"Tara sa loob."

----

"Kailangan ko rin ng tulong niyo, Tanya." saad niya saka umupo. Umupo na rin kami sa tapat niya.

"Narinig niyo ang mga nangyari di ba?Kahit kami ay stressed at pagod na. One work after the other, halos wala na kaming pahinga pero parang hindi pa rin natatapos ang lahat at lumalala pa." nag-aalalang sabi ni Kuya. Kuya Gregg is a paranormal expert na tumutulong sa mga multo na hindi makaakyat agad, o kaya sa pagtaboy sa masasamang nilalang. Katulad namin. Pero mas malaki ang sakop nila, hindi katulad namin na sa loob lang ng campus o sa mga lugar katabi ng campus.

"Anong maitutulong namin?" Xzoria asked.

"Bukod sa ginagawa niyo na, gusto kong malaman kung ano ang kinalaman niyo sa pag-atake ng mga aswang."

"Anong–" hindi naituloy ni Jovian ang sasabihin ng may tumunog na cellphone. Nalaman naming kay Ophi iyon. Agad naman niya iting sinagot at niloudspeaker.

"Mommy, may ginagawa pa kami–"

"Ophelia, go home right now. Have you heard the news?It's dangerous outside. Go home."

"Pero mommy!"

"Shush. Tell me where you are, ipapahatid na kita."and then the call ended. Ophi looked at us, worried.

"We'll be fine Ophi. You have to go home." saad ko.

"Okay..."

"What do you mean, anong kinalaman namin Kuya?Inaakusahan mo ba kami?" Jovian asked furiously.

"No Jovian. Pero ang pattern ng pag atake nila ay ang mga lugar kung nasaan kayo. Natatakot akong alam nila ang tungkol sa inyo at maaari kayong mapahamak."

"Please elaborate, kuya. Hindi ko maintindihan."Xzoria said.

"Three people died sa neighborhood nila Tanya. The three corpses are identified and you and your mother are missing. Next is in Xzoria and Jovian's neighborhood, two died. Next is inside the campus, where ten students died. Last yung ngayon, which is odd because it's near Tagaytay. Iyon lang ang naiiba. All have the same manner of death, lahat hindi na makilala ang mukha, wakwak ang tiyan at kinuhanan ng lamang loob. Alam naming aswang iyon pero ang pattern ng mga atake."

"They're following us." Valent said which gave me chills. No way. What if nakasunod sila sa amin ngayon?

"Nasa Tagaytay kami kahapon kuya."Ophi answered after she's done texting.

"Tama nga ang hinala ko. Pero bakit?"

"Hindi ko alam pero nasa kanila si inay. At kailangan namin siyang iligtas."

"I'll give you a call once we heard another attack. Okay?"

"My ride's here guys. Mag-iingat kayo ha?"

----

Enigma's Secret Files[COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora