3:The Visit

31 14 0
                                    

Shaniqua's POV,

Maaga akong nagising ngayong araw para maghanda sa pagpunta sa office ng ssg president na sumira sa pangalan ng club namin. Baka kasi pagpunta ko doon at matagalan ang pag-uusap namin, malate na ako sa klase ko.

"Oh anak, di ka na mag-aalmusal?"sabi ni inay habang nakaupo sa upuan. Lumapit ako sa mesa saka kumuha ng dalawang hiwa ng tinapay.

"Di na po inay,salamat," saka dumire diretso na ako sa paglakad. Habang naglalakad ng mabilis doon ako ngumunguya ng tinapay. Multitasking nga ika nila.

"Pres!" napalingon ako sa itim na sasakyang tumigil sa gilid ko. Pagbaba ng salamin, nakita ko si Ophi nakaupo sa likurang bahagi ng sasakyan.

"Sabay ka na sa amin!" sabi niya kaya di na ako nagdalawang isip pa. Umikot ako saka binukas ang pintuan sa kabilang bahagi at tumabi kay Ophi. Kinawayan ako ng driver pagkaupo ko kaya kinawayan ko siya pabalik saka isinara na ang pintuan ng kotse.

"Ang aga mo ngayon pres!" masiglang sabi ni Ophi. Tipid lang akong ngumiti.

"Oo, may kakausapin kasi ako," sagot ko.

"Sino?Secret admirer?" usisa nis. Mabilis naman akong umiling.

"Basta,"

---

Tatlong minuto lang ang itinagal bago kami makarating sa school. Iba din talaga pag lakad saka pagsakay. Pero mabuti na din at nakalibre ngayon. Nakalibre na nga, nakapahinga pa kahit papaano.

Napaaga tuloy yata ng sobra ang pagpunta ko sa school. Hindi naman kasi ako early bird at hindi rin naman latecomer. Ako yung mga nasa gitna lang. Yung halos sakto dumating. Nahuhuli ng konti minsan, minsan naman nauuna ng konti.

Okay lang si Ophi kasi maaga talaga siyang pumasok. Siya nga daw ang tagahawak ng susi nung grade 4 hanggang grade 6 siya dahil sa aga niya pumasok.

Yung iba ko namang kasama sa club, nasa gitna din ang sched. Yung mga tama lang ang dating.

"Aantayin ko lang sila Valent. Pres, ingat ka," sabi niya nang makarating kami sa garden. Tinanguan ko siya saka nagsimula nang maglakad paakyat sa office ng ssg president.

Mabilis ko namang nahanap ang office niya dahil sa pagtatanong tanong ko sa mga tao sa paligid. Nakasulat sa taas ang "Office of the ssg president". Oo, sa school namin may sarili ding office yan, mas maliit lang kumpara sa principal's office pero swerte pa din.

Itinaas ko ang kamay ko para sana kumatok kaso nagalangan ako kaya nagisip ako ng paraan para makapasok.

----

Zayden Shiloah's POV, (Kat's Note: Shiloah is pronounced as Shay-lo-ah)

"Why are you calling me again?" I asked the moment I answered the phone.

["The work's done sir,"]

A smile crept up on my lips. "Good. Our university needs cleaning after all. We don't need freaks showing themselves on. Nakakainis yung ibinabalandra pa nila ang katangahan nila di ba?"

["Yes sir,"] akala ko hindi na talaga siya sasagot. Subukan niya lang at baka magrequest ako ng suspension para sa kanya.

"Go back to class now. And don't disturb me again," sabi ko pa bago tuluyang patayin ang tawag. Inilapag ko ang phone sa mesa saka halos mapatalon sa gulat nang makita ang isang babae na nakatayo sa harapan ko.

"Pano ka nakapasok rito?"agad kong tanong saka umayos sa pagkakaupo.

"Anong karapatan mong kunin ang club sa amin?" Ah,kala ko kung sino. Malamang isa lang ito sa mga club members ng mga club na dinissolve ko. Sa dami nila hindi ko alam saan siya galing.

"We're opening rooms for new clubs," maikling sagot ko. At lagi kong sagot sa mga pumupunta rito.

"How about spreading rumors against us?!" Rumors?Oh, she's got to be from that pathetic club.

"Hindi ba totoo?" sabi ko saka tumawa.

Nakita ko ang pagdilim ng ekspresiyon ng mukha niya kasabay ng pagdilim ng kalangitan. "Bring back the enigma club," sabi niya saka humangin ng napakalakas.

What the fuck?!

"What if ayaw ko?"pagmamatigas ko.

She smirked which made me have goosebumps. Her demeanor changed into more horrifying. Her teeth had grown too big and pointy. Sobrang tulis na didikit lang ako rito ay parang masusugat na yata ako. Her nails become pointy too and lastly, her wings have grown behind her.

Owshit.

Napatayo ako sa kinauupuan saka napaatras hanggang sa sumandal ako sa pader. I thought I was safe farther than her but she's so fast and in the blink of an eye, sge was beside me.

I screamed, I cursed while trying to shoo her away but her smirking tells me otherwise.

"President, are you okay?" biglang pumasok ang nerd na si Chester, at vice president ko. I panted while looking at the girl, who now turned to normal. If I tell Chester that this girl just transformed into a monster, he'll definitely laugh so I can't tell him.

Then what am I suppose to tell?!

"Sorry, may ipis kasi. Lumilipad pa nga e. Takot pala si pres doon pero no worries under control na ang sitwasyon," saad ng babae na may matamis pang ngiti. Parang kanina lang...

"Uhm s-sige," nalilitong sabi ni Chester saka umalis at sinara ang pinto. Bumaling sa akin ang babae saka ngumiti. Pero kahit gaano pa kainosente ang hitsura niya ngayon, yung kanina pa din ang naalala ko.

"Babalik ang enigma club di ba?" she asked and I nodded as a response. Gusto ko na talaga siyang lumabas mula sa office ko.

"Thanks Mr..." tiningnan niya ang name plate na nasa mesa. "Zayden Shiloah Harris. Hope to meet you again!" saka umalis na din siya.

I glared at the door.

Hope not to.

----

Enigma's Secret Files[COMPLETED]Where stories live. Discover now