10.2: THICDL(Pedro)

20 10 0
                                    

Shaniqua's POV,

"Let's go,"yaya ko saka naunang pumasok sa casa. I opened the door and it made a creaking sound that echoed through the house. Isang malakas na ihip ng hangin ang sumalubong sa amin nang maibukas iyon. Galing sa loob ng bahay. Pinapaalala na hindi kami inaanyaya sa pagpasok rito.

Pero determinado akong malaman ano ang misteryo na nakapalibot sa casa kaya tumuloy ako. Sa bawat pagtapak sa kahoy na sahig, nageecho ang tunog nito. Medyo marupok na rin ito pero sa tingin ko kakayanin naman kami. Inikot ko ang paningin sa loob ng bahay. May napakalaking hagdanan papunta sa mga kwarto sa taas. Ang ilang gamit ay natatabunan na ng tela pero may ilang mga litrato na nakasabit pa rin. Litrato ng mga tao. Siguro sila ang may ari ng casa noon.

May litrato ng isang pamilya. Dalawang batang babae, isang mga nasa dose na ang edad at isang mga nasa apat na taon pa lamang,isang batang lalaki na tingin ko'y nasa walong taong gulang pa lang, isang babae at isang lalaki na tingin ko naman ay magulang nila.

Lahat sila ay nakangiti maliban sa lalaki. Mukhang seryoso ito pero hindi naman halatang galit.

Sunod kong tiningnan ang litrato ng mag-asawa. Kaakbay ng lalaki ang babae habang nakangiti sila pareho. Mukhang hindi talaga sanay sa pagngiti ang lalaki dahil tipid lang iyon sa litrato. Samantala, ang ngiti ng babae ang nagbibigay buhay rito kahit pa black and white lang ang picture.

Sila marahil ang unang may-ari ng casa. Nakakalungkot dahil parang dating masaya at may buhay ang lugar na ito pero wala akong ibang maramdaman ngayon kundi lungkot...at galit.

Halos mapatalon ang mga kasamahan ko nang biglang marahas na sumara ang pintuan. Dumilim ang paligid pero may sumisilip pa rin na liwanag galing sa bintana. Nagdikit dikit kami kaya rinig ko ang pintig ng puso nila.

Takot ang nakakapagpasaya sa mga tulad namin. Ilang beses ko nang naranasan ang pakikipagtunggali sa aking sarili sa mga sitwasyong ganito. Kailangan kong pigilan ang sarili ko.

Kahit pa kasi sinabi ko na nagbago na ako, ang lahi ng pagiging aswang ay nasa akin pa rin. Kaya hindi ko maiwasan na minsan ay matakam sa dugo o sa pagsugod sa tao, at ang lihim na saya sa bawat takot na nararamdaman ng iba.

Pero pinipigilan ko, ilang beses ko nang sinusubukang pigilan ang pagiging aswang ko. Nung una, mahirap. Pero habang tumatagal, mas nagtatagumpay ako sa pagpigil.

Kaya kung may paraan lang, gusto kong maging tao na. Mas masaya ako sa piling nila, kaysa sa sarili kong mga kalahi. Hindi ko tanggap ang ginagawa nila dahil mali iyon sa kinagisnan kong mundo. Alam kong mali ang pagtrayduran namin sila, pero sa piling ng mga kaibigan ko at ni inay, alam ko ring tama ang pinili kong desisyon.

Umihip ang malakas na hangin at isang malakas na kalabog ang narinig namin. Galing sa taas. Maglalakad na sana ako nang maggalawan ang mga litratong nakasabit kanina. Napakalakas ng paggalaw nito na akala mo ay may lindol na nagaganap pero wala.

"He's upstairs,"bulong ni Xzoria. She's acting tough but I know that she's scared inside. Palagi siyang ganon. Siya yung substitute kapag wala ako. Siya nga dapat ang vice president ko at hindi si Valent na sumusunod lang din sa amin.

Speaking of him, si Valent ang pinakahindi natatakot sa kanila. I can feel slight fear, but its too little that you need to concentrate to feel it.

I don't know what Valent's past is, actually, wala pang nakakaalam sa amin, pero sigurado ako na its worth an ear since he's not that talkative. Matagal na naming kasama si Valent pero kung ano yung pinapakita niya araw araw, iyon lang ang kilala namin. Tingin ko doon, nagkakatulad kami.

Si Jovian naman, natatakot din pero he's overwhelmed with excitement. He loves thrill but he's kinda afraid of what might happen. But he'll do it anyway. Ganon ang Jovian na kilala naming lahat. Yung mga action scenes talaga yung favorite niya na minsan, siya yung mas nauuna pa sa amin.

Baby Ophi is the most scared on us all. She's trembling and she's always on our backs. Dati nasa tabi lang namin siya, but me and Xzoria being so overprotective of her, sinasabi namin na sa likod lang siya. Still, don't take for granted our Ophi, she helps a lot on some of our cases.

"Then let's go,"seryosong sabi ni Jovian saka nauna na sa paglakad. Seryoso man, hindi nakaligtas sa akin ang ngiti na pinipilit niyang ikaila. He's excited pero ayaw niyang ipakita sa amin dahil sasabihan siya ni Xzoria na "weird".

Sumunod naman kami sa kanya, hawak ko sa braso si Ophi samantalang siya naman ay nakakapit sa damit ko. Dahan dahan kaming umakyat sa hagdan hanggang sa narating ang ikalawang palapag.

Limang kwarto. Anong meron sa—

"Where's Jovian?"napalingon ako sa tanong ni Ophi. Mukhang natatakot pa rin siya.

"As usual, nauna na naman siguro—Where's Valent din?"my eyes widened as I realize what is happening. Theyre taking us one by one. Akala ko iisa lang ang nandito. Kaya siguro malakas, dahil nandito silang lahat.

"Xzorii!"Ophi cried.

"Ophi, I know you're strong. Be strong okay. They're fine. I'm fine. We will be fine."sabi ko. She nodded and darkness envelop us both. Nang mawala ang kadiliman, nawala na rin si Ophi, at natagpuan ko ang sarili sa isang malaking kwarto.

"Kumusta?"tumingala ang lalaki sa akin at nakilala ko ang mukha nito kahit sunog ang kalahating bahagi nito.

"Ikaw ang lalaki sa litrato,"seryosong sabi ko.

"Hindi ka ordinaryo. Hindi ka kagaya nila,"napaawang ang bibig ko nang sabihin niya iyon. Kakaunti lang ang nakakaalam ng tungkol doon agad kaya sigurado akong hindi rin siya ordinaryong multo.

"Anong pangalan mo?"

"Peter. Peter De Lavagne. But you can call me Pedro, just like what village people call me,"

Hindi agad ako nakapagsalita. Hindi ko rin kasi alam ang sasabihin.

"You entered even though you're not welcome."

Hindi pa rin ako nagsalita. "Are you planning to annihilate us all?"

Hindi ako sumagot. I saw in his eyes that he's enraged. "This is our house!"

"You're dead—"

"And I don't give a damn!Dito kami nakatira. Nandito lahat ng masayang ala ala ng aming pamilya. And you, just because you're all alive, wants us to leave?"galit na galit siya at hindi ko siya masisisi rito.

"You need to let go. You need peace. And I can feel that this house doesn't give you one."

"And I can live with it,"

"You're living with regret Peter. You're staying here because you feel like everything's your fault,"

He covered his ears. "Stop!You dont know anything!'

"Maybe no. But you can tell me,"sabi ko kaya napatingin siya sa akin. Tumingin rin ako pabalik. I wanted him to trust me. I wanted him to tell me everything. So that I know how could I help him.

He sighed then open his mouth.

-----

Enigma's Secret Files[COMPLETED]Where stories live. Discover now