5: At His House

32 13 0
                                    

Shaniqua's POV,

"No cases again, boooring," nakakalumbabang saad ni Xzoria habang nakatingin sa kawalan. Simula kasi nang mabalik sa amin ang club room, wala pa din kaming cases na natatanggap.

Kakadismiss lang ng klase kaya dito kami sa club tumatambay. Hindi naman nag-aalala ang parents namin since sa dorm nakatira sila Xzoria, Jovian at Valent. Umuuwi minsan si Ophi pero may kwarto din siya sa dorm kaya pag di siya umuuwi, iyon ang idinadahilan niya.

Alam din naman nila inay kung bakit hindi ako umuuwi. Sinabi ko kasi sa kanila ang ginagawa ko sa club kaya gusto nilang ipagpatuloy ko ito. Isa pa, alam din naman nilang kaya kong ipagtanggol ang aking sarili.

Hapon pa kaya may ilang estudyanteng napapadaan sa club namin. Umaasa pa din kaming baka isa sa mga ito ang pumasok sa club room para magreport ng isang "unusual case".

Ngunit naubos nalang ang lahat, wala pa ding pumupunta.

"You can't beat me in this game for the 50th time!You're seriously cheating!" inis na sabi ni Jovian kay Xzoria. Kanina pa sila naglalaro ng baraha and yes, its their 50th game.

"Aminin mo nalang Jov, no one can beat mighty Xzoria," may pagmamayabang na sabi ni Xzoria saka kinuha lahat ng cards para balasahin.

"Pustahan talo ulit yan si Jovian sa next game," saad ko.

"I bet no," saad naman ni Valent kaya nagkatinginan kaming dalawa. Bigla siyang ngumisi.

"Wanna bet?" he asked.

"The one who loses will clean the club room for one month. Siya at ang kasama niya," sabi ko saka lahad ng kamay ko. Mabilis naman siyang nakipagkamay.

Napatingin ako bigla kila Xzoria at Jovian na nakakuha na ng cards. Speaking of, bet game din ang nilalaro nila at simple lang naman ang bet. Ang matalo, papahiran ng lipstick sa mukha at dahil puno na kay Jovian, sa leeg at braso na nakalagay ang iba.

Kakaibang ngisi ang mapapansin sa dalawa, mukhang magandang baraha ang nakuha nila pareho. Hindi ako ganon kagaling sa paglalaro ng baraha pero may alam naman ako kahit papaano.

"Go Xzorii!" sigaw ko kaya tinitigan ako ni Xzoria saka nakangiting tumango.

"You won't beat Jovian this time, Xzoria," sabi naman ni Valent kaya ngumiti si Jovian.

"Hell yeah!" saad niya habang nakatingin sa card.

"Go go!Sa inyong dalawa!" cheer naman ni Ophi na nagala-cheerleader pa.

Pagkatapos, napuno na ng katahimikan ang paligid.

"Since may bet naman na si pres at vice, I'll go stick to it. Sama mo na pati cr ng club!" sabi ni Jovian habang bumubungisngis. Kinabahan tuloy ako bigla, medyo mahirap kasi ang bet ni Jovian, parang matatalo talaga.

"Game!Sama mo na dorm rooms namin!" saad naman ni Xzoria.

"Reveal na kasi!" pangungumbinsi naman ni Ophi at gaya ng kanina, natahimik ang lahat.

"Places!" sigaw ni Jov saka ibinaba ang card niyang puro hearts.

Nanatili ang ngisi ni Xzoria habang inilalapag ang cards niya. "Special!" sigaw niya kaya napatayo bigla si Jov.

"Impossible!"

"Well Mr. Too confident, time to do the bets!Pakilaba na din ng laundry ko thanks," nakangiting sabi ni Xzoria kaya napa-frown si Jovian.

"Good job!" sabi ko saka nakipaghigh-five kay Xzoria.

"Dapat simulan ngayon–" hindi na naituloy ni Ophi ang sinasabi niya nang biglang tumunog ang telepono ng club.

"Ako nang sasagot!" sabi ni Ophi saka kinuha ang telepono.

"Hello?...Opo kami po...talaga po?...Ah sige po papunta na agad kami... Kaya po yan!...Sige, welcome po!"saka binaba niya na ang tawag.

"Sino daw?" tanong ko.

"Case na ba yan?" Jovian asked and Ophi happily nodded.

"Yay!Ang saya talaga ng gabi na to!" tuwang tuwa na sabi ni Xzoria.

"Let's get going!Saan ba?" Jovian asked.

"Sa bahay ni ssg pres,"

-----

*ding dong*

"Hi po, sino po sila?" tanong ng isang maid pagkabukas na pagkabukas ng gate.

"Ito po ba ang Harris' residence?" tanong ko.

"Ito nga. Ano pong kailangan ninyo?"tanong niya muli.

"Tinawagan po kami ni Mrs. Zenaira Harris dahil sa kakaibang pangyayari sa bahay na ito," sagot kong muli.

Her face lit up. "Kayo pala iyon!Pasok!" sabi niya saka mas binuksan pa ang gate ng bahay. Hindi nga yata bahay dahil mukhang mansion. Yayamanin talaga ang ssg pres na iyon.

Pumasok naman kami agad at habang naglalakad nagsalita muli ang maid. "Ako mismo nakarinig ng kakaibang tunog sa garden. Parang may batang naglalaro. Nakakatakot nga dahil wala namang bata sa bahay. Nag-iisang anak kasi si Zayden," kwento niya.

"Bago lang po kayo rito?" tanong ni Ophi.

"Maglilimang taon na rin ako sa bahay na ito. Kung meron mang nagtagal, si Manang Flor iyon. Sampung taon na iyon dito!" saad niya bago kami nakarating sa pintuan. Binukas niya ito saka unang pumasok.

"Ma'am, andito na po sila,"sambit ng maid bago umalis kaya pumasok na kami sa loob. Sumalubong sa amin ang isang babseng nasa mid-40s na pero halata pa rin ang ganda kahit na may edad na. Habulin siguro siya ng lalaki noon dahil kahit na medyo kulubot na ang balat niya, halata pa rin ang ganda niya. Nakasuot din siya ng mamahaling bestida at mga alahas. Ito na siguro ang may-ari ng bahay.

"Welcome, welcome!Sa wakas at nakarating na rin kayo!" masayang sabi niya saka nakipagbeso beso sa amin. Medyo nahiya pa ako pero ang mga kasama ko, mukhang sanay na.

"Upo muna kayo habang pinag-uusapan natin ang aking problema,"sambit pa niya kaya agad agad kaming umupo habang kinausap naman ni Mrs. Harris ang isa sa mga katulong.

"Ipaghanda mo kami ng makakain at maiinom. And please, call Zayden. Tell him that if he won't come down, I'll freeze his bank accounts," saad nito bago tuluyang umupo.

"I'm Mrs. Zenaira Harris, in case you haven't know yet and I discover your club because of my son. Nasabi ko kasi sa kanya ang problema ko at inirekomenda niya kayo kaya agad ko kayong tinawagan!" pag-uumpisa niya. Inirekomenda kami?Talaga lang ah. Kala ko ba may galit sa amin ang lalaking iyon?Tapos irerekomenda niya kami sa nanay niya?Ano na namang plano niya?

"This is very urgent lalo na at ilan sa aking mga maids ay nagresign na. Maging ako ay nakaexperience ng paranormal stuffs kaya–Zayden!Come here!" awtomatiko akong lumingon nang marinig ang pangalang iyon. Naabutan ko si Zayden, magulo ang buhok, naka sando at boxers at may kakaibang ngisi sa mukha.

Agad nagsalubong ang kilay ko. May plano ang lalaking to.

At aalamin ko iyon.

----

Enigma's Secret Files[COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz