5.2: At His House(The Hunt)

24 13 0
                                    

Shaniqua's POV,

"Oh, so the enigma club's here,"sabi niya habang nakangisi pa din. Inemphasize pa niya ang salitang "enigma club".

Kung ano mang pinaplano ng lalaking to, sisiguraduhin kong hindi siya magtatagumpay.

"Zayden, you should've changed!Look, your schoolmates are here!What will the school say?!" tarantang sabi ni Mrs. Harris.

"It's fine mom. They already know me so I bet they won't tell anyone about this, right?" tanong niya saka tumingin sa amin, specifically, sa akin.

I mockingly smiled at him and turned my gaze to Mrs. Harris. "Can you tell us what happened para naman po alam namin ang gagawin,"

"Ganito iyon, ilang linggo na ang nakakalipas nang una kaming makarinig ng bata na tumatawa. We already knew that its strange lalo na at si Zayden lang naman ang pinakabata sa bahay. Palaging may ganon sa garden kaya naman nagtataka na kami," kwento ni Mrs. Harris.

"Ms. Pres," bulong sa akin ni Xzoria saka tinuro ang nass likuran ni Mrs. Harris. Isang batang babae ang may hawak na bola. Napansin niya na nakatitig ako sa kanya kaya naman bigla siyang ngumiti at kumaway.

"May nakatira po bang batang babae dito noon?" tanong ko na ikinagulat ni Mrs. Harris pati ni ssg president.

"P-Pano mo nalaman?" tanong ni Mrs. Harris.

"Hindi po ba kayo matatakot pag sinabi ko na nandito siya sa loob?" narinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa paligid namin.

"Opo!Nasa likod niyo po siya, ang cute nga e!" saad naman ni Ophi kaya dali daling lumingon si Mrs. Harris sa likod niya pero wala siyang nakita.

"Isang middle class ghost ang batang iyon pero mukhang mahina rin siya kaya naman tanging tunog ang maririnig sa kanya," saad naman ni Jovian.

"At kung susubukan natin siyang kausapin para sumanib baka hindi kayanin ng kaluluwa niya," dugtong ni Valent.

"Pres, pano natin patutunayan na totoo ang batang babae?"tanong ni Xzoria. Ayos lang naman sa iba dahil mukhang naniniwala na sila. Pero si Zayden. Nilingon ko siya at saktong nagtama ang mga mata namin. Awkward pero hindi ko naalis ang pagkakatitig ko sa kanya.

Kailangan kong patunayan na totoo ang lahat sa kanya. Mukhang kulang pa ang nangyari sa office niya e.

Kinawayan ko ang bata kaya kumaway siya pabalik. "Pwede ka bang tumabi sa akin?" tanong ko kaya mabilis siyang tumango at tumakbo papunta sa akin. Biglang humangin ang paligid kaya napayakap sila sa mga sarili naman. Kami naman ay hindi na dahil sanay na kami sa mga ganito.

Umupo ang bata sa tabi ko. "Hello po ate!Ang saya ko kasi nakikita niyo ako," masiglang sabi nito.

"Ako rin. Pwede mo bang ikwento sa akin ang nangyari?Bakit ka nandito?"

"Ako po si Ziannara Shantelle Harris. I died when I was 7 years old po. I chased my ball po and I didn't notice the car coming and that's how I died,"she said then looked down.

"Is that true, Mrs. Harris?" I asked and she suddenly looked at me.

"What?"

"You had a daughter named Ziannara Shantelle Harris and she died when she was seven years old because of a car accident?" tanong ko and her jaw dropped. Even Zayden.

"H-How did you know?"maluluha nang tanong ni Mrs. Harris.

"Kinuwento niya sa akin,"saad ko saka muling bumaling kay Ziannara. "May gusto ka bang sabihin sa mommy mo kaya nagpaparamdam ka?" I asked.

She nodded. "Pati kay kuya, ate. Pakisabi kay mommy na mahal na mahal ko siya and please don't blame herself for my death po. I am sad everytime she cries in her room and blames herself because of what happened. Pakisabi din kay nana flora na thank you dahil inalagaan niya ako. Sana bumalik na siya sa dati at hindi na malungkot lagi. Saka ate...pwede ba akong magfavor?"

"Ano ba iyon?"

"Can Kuya come with you?I want kuya to help you on beating bad ghosts. I'll open his third eye po and I'll tell him that," nakangiting sabi niya.

"Teka pres, papayag ka?" tanong ni Jovian.

"Why not?"nakangising sabi ko saka sumulyap kay Zayden na nakatingin ng masama sa akin. Pagkatapos binaling ko ang tingin kay Mrs. Harris para sabihin ang sinabi ni Ziannara sa akin.

Matapos niyon, napuno ng iyakan ang paligid, maging si Ziannara ay umiyak din. Si Zayden?Hindi. Pero kita ko ang lungkot sa mata niya. Sa isang iglap, nagbago ang tingin ko sa kanya. Akala ko walang puso na ang taong ito, meron pa din pala.

Matapos niyon, niyaya kami ni Mrs. Harris na magdinner sa kanila pero tumanggi na kami kaya nagpasya na kaming umalis na. Pero nang nasa pinto na kami natigil ako bigla dahil sa sinabi ni Zayden.

"Zian..."

"You can see her, Zayden?!" gulat na sabi ni Mrs. Harris pero parang walang narinig si Zayden at nanatiling gulat sa pangyayari.

"Hi Kuya!"

"Zian..."

And this time, Zayden cried hard.

----

Enigma's Secret Files[COMPLETED]Where stories live. Discover now