Chapter 15

24 2 0
                                    

"Good morning!" Masayang bati ko sa mga kasama ko bago umupo sa tabi ni Sparrow.

Binati naman nila ako pabalik pagkatapos ay bumalik na sila sa pag-kain. Naglapag ng plato ni Sparrow sa harapan ko at binigyan ng pagkain kaya tinaasan ko sya ng kilay. Tumikhim naman ang iba naming mga kasama.

"May bayad 'yan." Sabi nya bago pa man ako makapagsalita.

"Bayad mo mukha mo." Bulong ko bago nagsimulang kumain.

"May misyon ba kayo ngayon? Sama nyo naman ako." Hinarap ko si Raven pero umiling lang sya sa akin kaya naman sumimangot ako.

"Tsaka kahit meron, hindi ka namin isasama. Iba na ang boss mo, diba?" Sagot nya dahilan para lalong malukot ang mukha ko. Pinaalala pa nya.

"Sama ka na lang sa'kin." Sabay-sabay kaming lumingon kay Sparrow dahil sa sinabi nya. "May misyon ako." Dagdag pa nya kaya napangiti ako.

"May misyon ka?" Tanong ni Falcon.

"Anong misyon mo?" Dagdag naman ni Condor.

"Secret mission." Walang emosyong sagot ni Sparrow.

Makahuluguan namang nagtinginan ang dalawa pero hindi na sila sumagot pa kay Sparrow.

"Secret pala. 'Wag mo ng isama si Phoenix." Sabi ni Raven dahilan para dumilim ang ekspresyon ni Sparrow.

"Oo nga, Sparrow. Sa susunod na lang siguro." Nilingon nya ako at mabilis syang umiling kaya naman bahagya akong nagtaka sa reaksyon nya.

"Actually, kailangan ko ng tulong mo."

"Tulungan ka na namin." Sabat ni Falcon pero sinamaan lang sya ng tingin ni Sparrow.

"Tama na 'yan." Sita ko sa kanila dahil mukhang napipikon na si Sparrow. Hinawakan ko sya sa balikat para kumalma sya. Nilingon naman nya ako at nakita ko kung paano dahan-dahan na kumalma ang ekspresyon nya.

"Sasamahan kita." Doon pa lang sumilay ang ngiti sa mga labi nya.

Magandang oportunidad na rin ito para bumawi sa kanya. Simula kasi noong nagtrabaho ako sa demonyong Trace na 'yun ay hindi ko na nakakasama si Sparrow o kahit sino sa kanila. Nagkikita man kami dito sa mansyon ay hanggang doon lang. Hindi na kami nag-uusap o nagkekwentuhan man lang kaya mabuti na lang dahil naabutan ko sila ngayong almusal.

Ilang araw ding magiging payapa ang buhay ko dahil wala si Trace. Hindi ko alam kung bumalik ba sa totoong tahanan nya o kung nakidnap na ba sya at sinalvage. Nakita ko lang syang umalis kahapon at hanggang ngayon ay hindi pa sya bumabalik. Sana lang ay hindi na talaga sya bumalik para naman gumanda na ang buhay ko kahit paano.

Pagkatapos mag-almusal ay agad din kaming umalis ni Sparrow. Hindi na nya ako pinag-motor at pumayag naman ako dahil baka mabisto pa sya dahil sa akin. Tahimik lang ang byahe namin. Gusto ko syang tanungin tungkol sa misyon nya pero may kakaiba sa aura nya. Masyado syang seryoso kaya naman naninibago ako. Hindi ko alam kung dahil ba matagal na noong huli ko syang nakasama o talagang nagbago na sya.

"Pasensya ka na kung sinama kita." Ito ang una nyang sinabi pagkababa namin ng sasakyan.

"Ayos lang. Wala naman si Trace kaya okay lang na sumama ako sayo." Bahagya akong ngumiti para gumaan ang atmosphere. Mukhang may gusto pa syang sabihin pero hindi na nya tinuloy. Hindi ko na lang ito pinansin at baka mas maging awkward pa ang sitwasyon namin.

"Ano palang gagawin natin dito?" Nilibot ko ang mga mata ko sa malawak na park. May lawa pa hindi kalayuan kung saan may iilang nagbabangka rito.

"May mamatyagan lang ako." Nilingon ko si Sparrow at nahuli ko syang nakatingin sa akin.

VANITY | SDS Present (ON-HOLD)Where stories live. Discover now