Unfolding the world of imagination...

140 4 0
                                    

"Pinapatawag ka ni boss." Ngumisi sa akin si Sparrow kaya inis akong bumuntong-hininga bago padabog na tumayo mula sa pagkakahiga ko.

"Patulog na 'yung tao, e!" Iritado kong sabi kaya bahagyang tumawa si Sparrow bago kami sabay lumabas ng kwarto ko.

"Sabihin mo kay boss 'yan." Panunukso nya. Inikot ko na lang ang mga mata ko.

Umakyat na ako sa 2nd floor at pumunta sa opisina ni boss. Iniwan na ako ni Sparrow dahil may inuutos din daw sa kanya ang nocturnal naming boss. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay sa kanya. He always prefers working at night. Hindi naman kami kagaya nya na hobby ang pagpupuyat. Iba pa rin kasi ang tulog sa gabi. Mas nakakaginhawa ng pakiramdam pero sya, kabaligtaran ata ang nararamdaman nya.

Kumatok muna ako bago pumasok. Hindi sya nag-angat ng tingin kaya lumapit na ako sa lamesa nya at doon pa lang nya ako tinignan. Ngumiti sya nang malapad, na syang madalas nyang reaksyon kapag nakikita nya ako.

Palibhasa ikaw ang paborito nya. Naalala ko ang sinabi ni Sparrow kaya bahagya akong napa-iling.

"Good evening, Phoenix." Muntik na akong ngumiwi dahil sa sinabi nya.

Midnight na kaya. Gusto ko sanang isagot pero hindi ko na lang tinuloy at baka hindi na ako makalabas ng buhay dito.

Binati ko na lang sya pabalik at maliit na ngumiti. May kinuha sya mula sa drawer sa lamesa pagkatapos ay nilapag iyon sa harapan ko. Based on the color of the folder, I already know what he wants me to do.

"Get it done before the sun rises." Seryoso nyang sabi kaya tumango na lang pagkatapos ay lumabas na.

Habang naglalakad pabalik sa kwarto ko ay tinignan ko ang laman ng folder. Mukhang personal na naman ang rason ni boss kaya gusto nyang ipaligpit ang taong ito. Wala naman kasing espesyal sa kanya bukod sa pagiging owner ng isang car rental shop. Mukhang sinumpong na naman ng topak si boss, kagaya ng anak nyang santo.

"Ay tangina naman, o!" Mabilis kong pinulot ang laman ng folder bago sinamaan ng tingin ang taong bumangga sa akin. Speaking of the greatest devil of all.

"Keep glaring at me and your eyes will explode which will be an exciting sight to see so just go on." Walang emosyon nyang sabi. Tinasaan lang nya ako ng kilay nang hindi ako tumigil.

"I'm still waiting for your apology." He scoffed before he casually put his hands in the pockets of his shorts.

"Ikaw dapat ang mag-sorry sa akin dahil binangga mo ako."

Lalong nagdikit ang mga kilay ko at konti na lang ay aatakihin ako sa puso dahil sa sobrang inis. Kahit kailan talaga ay hindi alam ng lalaking ito ang salitang 'sorry'. Parang mamamatay sya kung iisipin pa lang nya ang salitang iyon.

"Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo kaya nabangga mo ako." Paliwanag pa nya as if binibigyan nya ako ng rason para humingi ng tawad.

"Bobo ka ba? Edi sana umiwas ka!" Hindi ko na napigilan na magtaas ng boses.

Tumaas ang dalawang kilay nya dahil sa sinabi ko. Hindi naman ako nagsisi dahil sa pang-iinsulto ko sa kanya. Walang kaluluwa ang lalaking ito kaya siguradong wala lang sa kanya iyon.

"Hoy, babae!" Tinulak nya ang noo ko sa pamamagitan ng hintuturo nya kaya napaatras ako nang kaunti. Lalo namang sumama ang tingin ko sa kanya.

"This is my house. I can walk in whatever part I want to so don't tell me to walk away just so you can walk freely. Ano ka sineswerte?" Seryoso nyang sabi kaya lalo lang akong nainis. "Ikaw ang bobo." Dagdag pa nya bago nya ako linagpasan.

Binangga pa nya ako sa balikat ko kaya inis akong napa-ungol. Gusto kong ibato sa kanya ang folder na hawak ko pero pinigilan ko ang sarili ko. Kunsintidor pa naman na tatay si boss kaya kung sasaktan ko ang nag-iisa nyang anak, baka ako hindi sikatan ng araw.

VANITY | SDS Present (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon