Chapter 6

52 5 0
                                    

Napamura ako nang maramdaman ang pagkirot ng buong katawan ko. Ilang araw na rin mula noong nadischarge ako pero hindi ko pa rin nababawi ang lakas ko. Kahit nanghihina ay tumayo pa rin ako para magbanyo. Walang tutulong sa akin bukod sa sarili ko.

Nang matapos maligo ay uminom na ako ng pain killers kahit hindi pa nag-aalmusal. Ayokong mas mastress sa tuwing kumikirot ang mga sugat ko.

Ang sabi ng doktor ay maswerte ako dahil sa kabila ng mga tinamo kong tama at pagkawala ng maraming dugo ay nabuhay pa rin ako. Ako yata ang tropa ni Lucifer at hindi ang lalaking 'yun. Kaya na rin siguro hindi ako mamatay-matay ay dahil hindi ko pa natuturuan ng leksyon ang aroganteng lalaking 'yun.

Napakasama talaga ng ugali nya. Ni katiting na pagmamalasakit ay wala sya sa katawan nya. Palibhasa puro hangin ang laman nun. He just left me that night at kung hindi pa dumating sina Sparrow para ligpitin ang katawan ni Graham, baka sabay na kaming nilibing noong gabing 'yun.

Ewan ko ba bakit umasa akong ililigtas nya ako. Wala iyon sa bokabularyo nya dahil sarili lang nya ang iniisip nya. Ako ang mali dahil inisip kong may natitira pa syang kabaitan.

"Speaking of the devil." Sabi ko sa sarili nang makitang papalapit sa akin si Trace.

He's walking as if he owns the world, proud and confident. Seryoso ko lang syang tinignan para ipakitang hindi ako apektado ng presensya nya.

"Mukhang totoong babalik ka na sa trabaho." Sabi nya nang tumigil sya sa harapan ko. Gaya ng dati, tiningala ko sya para samaan ng tingin.

"Kung walang magandang salita ang lalabas dyan sa bunganga mong puno ng asido, 'wag mo na lang akong kausapin. Baka hindi ako makapagtimpi at isunod kita kay Graham doon sa hukay." I hissed before walking past him. Umaga pa lang pero sira na ang araw ko.

"Even if it's about Ara?"

Otomatiko akong tumigil dahil sa sinabi nya. Nakuyom ko ang mga palad ko bago sya hinarap. Nakatingin sya sa akin na para bang nanalo sya sa isang pustahan.

"How dare you say that name." May gigil kong sabi pero mas ngumisi lang ang loko.

"I have a deal for you."

Lumapit ako sa kanya at akmang susuntukin sya pero pinigilan nya ang kamay ko. He blocked my punch using his palm and since I am still weak, I moaned in pain when he slightly twisted my hand. Or he's just really strong.

"Makinig ka muna, babae." Ngayon ay seryoso na syang nakatingin sa akin.

Bahagya naman akong naalarma dahil dito kaya seryoso ko rin syang tinignan.

"Let's talk somewhere private." Tinalikuran na nya ako at naglakad papunta sa kwarto ko.

Kahit iritado ay sinundan ko pa rin sya. He just triggered my memories of my sister.

"In fairness, your room is clean and it smells nice." Ito ang una nyang sinabi pagkapasok ko.

Matutuwa na sana ako kung hindi lang nang-iinsulto ang tono nya. Isang beses pang naglibot ang mga mata nya sa kwarto ko bago ito tumigil sa akin. Humalukipkip naman ako at tinaasan sya ng kilay. Pinili ko na lang 'wag pansinin ang sinabi nya dahil mas masstress lang ako.

"Kapag ito walang kwenta, tototohanin ko ang sinabi ko kanina."

Ngumisi sya bago sumeryoso. Kinuha nya ang cellphone nya at ilang beses na pumindot bago pinakita sa akin ang screen. Dahil medyo malayo sya sa akin, lumapit pa ako sa kanya para malinaw na makita ang nasa screen. Kumunot ang noo ko nang makita ang litrato ng isang babae.

"Alam kong hindi ka ganoon ka-bobo para hindi malaman kung sino ang nasa picture." Sabi nya sabay tago sa cellphone nya.

Sinamaan ko naman sya ng tingin pero kumakabog ang dibdib ko. Walong taon na ang lumipas at kahit dalaga na ang nasa picture, alam kong sya pa rin ang kapatid ko. Paano nya nahanap si Ara?

VANITY | SDS Present (ON-HOLD)Where stories live. Discover now