Chapter 9

37 5 0
                                    

"Anong gagawin natin dito?" Inis kong tanong habang sinusundan sya sa paglalakad.

Masama ang tingin ko sa kanya. Hindi man nya kita, umaasa ako na nararamdaman nya ito. Gusto ko syang sipain o kaya naman ay barilin dahil sa pagpapahiya nya sa akin kanina. Hanggang ngayon ay mainit pa rin ang mukha ko. Hindi ko magawang makalimutan ang muntik naming paghahalikan. Magpapakamatay talaga ako kapag nangyari 'yun.

"Can we start already para makabalik na tayo sa Manila?" Dagdag ko pa dahil hindi sya sumagot.

Tumigil sya sa paglalakad pero hindi para sagutin ako, kundi para halikan sa pisngi ang isang babae. Kumunot ang noo ko nang bigla silang maghalikan. Bigla naman akong kinilabutan nang maisip na ako ang hinahalikan ni Trace. Naduwal ako dahil sa ideya at agad na tumalikod para matigil na ang kahibangan na naiisip ko. Hindi na tama itong naiisip at nararamdaman ko. Is this a sign para magsimba na ako?

"Hoy babae." Napapitlag ako dahil sa pagtawag ni Trace.

Nilingon ko sya at hindi ko na napigilan ang pagngiwi nang makita ang pagpulupot ng kamay ng babae sa bewang nya na para bang nakasalalay kay Trace ang buhay nya. I scanned her from head to toe and she looks like a Kardashian. No wonder dinayo pa sya dito ni Trace. Mga ganito ang tipo nyang babae e.

"Don't be too insecure, young girl. You'll grow yours too, soon." She faked a smile at me so I did the same.

"No, thanks. I don't want to go under the knife too."

She gasped and before she can answer, Trace hissed so we both looked at him. He looks so bored so I rolled my eyes.

"Give her the address." Hinarap nya ang babae.

May kinuha naman sya sa bag nya pagkatapos ay inabot ito sa akin. Kinuha ko ang maliit na papel pagkatapos ay tinignan ang laman nito.

"Go there and make Pablo submit to us." Napatingin ako kay Trace dahil sa sinabi nya.

"More context, please." Sarkastik kong sabi dahil hindi ko naiintindihan ang nangyayari.

"Really, baby? Sa kanya mo ipapaubaya ang plano natin?" Sabi ng babae kay Trace bago nya ako disgustong tinignan. Kung wala lang kami sa pampublikong lugar, kanina ko pa sya sinuntok sa mukha nang mawala lahat ng retoke dito.

"Pablo is mob boss here in Cebu. Malakas ang impluwensya nya kaya hindi makapasok ang baby ko dito." Paliwanag ng babae. Inirapan ko naman sya.

"Alam na alam naman pala nya, bakit hindi mo sa kanya ipagawa?" Tanong ko kay Trace.

He kept his head held high before glancing at me. "You're my right hand." Simpleng sagot nya na nakapagpatahimik sa akin.

Nakalimutan ko na naman na boss ko na nga pala sya ngayon. At sa tuwing naaalala ko iyon ay gusto kong saksakin ang sarili ko nang paulit-ulit.

"Make him submit to us whatever happens. I don't want him dead, woman. I want him alive with all his body parts complete and functioning." Seryosong sabi ni Trace.

"Killing him is easier. You're the most powerful mafia here in the country. Kilala pa kayo internationally. Kayang-kaya mong makuha ang Cebu kahit wala sya. Anong ikinatatakot mo?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sumagot. Kung si Sir Sebastian lang ang kausap ko, mas mabilis matatapos ang usapan.

Umigting na naman ang panga nya. Bahagya nyang tinulak ang babae dahilan para matapilok sya. Napangisi ako dahil dito pagkatapos ay nilingon si Trace. Humakbang sya palapit sa akin pero nanatili akong nakatayo sa pwesto ko.

"I'll do it my way, woman. I am your boss so ako ang masusunod. Don't you dare question me." He said through gritted teeth.

"And I don't fear anyone. I can kill him instantly with my bare hands. I just need him alive to get something from him so do your f*ck*ng job properly." Dagdag pa nya.

VANITY | SDS Present (ON-HOLD)Where stories live. Discover now