Chapter 13

36 2 0
                                    

I have never been this nervous in my life. I faced this devil for countless times already yet here I am, my hands are sweating and my heart's trembling. I gulped before giving Sir Sebastian a small smile.

"What's with the smile, Phoenix? You're scaring me." Tanong nya nang hindi man lang nakatingin sa akin. Nagpatuloy lang sya sa pagpupunas ng mga chess pieces.

"May pabor ako." Seryoso kong sabi na dahilan para tumigil sya sa ginagawa nya. Dahan-dahan syang nag-angat ng tingin kaya naman lalo akong kinabahan.

I transferred my sister in a secluded place in case something bad will happen but I'm still restless. Sir Sebastian can hunt her down if things go south after this conversation of ours. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nilalagay ko ang sarili ko at ang kapatid ko sa alanganin para sa lalaking iyon. Kung hindi lang maganda ang deal namin, hindi ko sya tutulungan. Sa ngayon, sya lang ang tyansa ko para makaalis kami ni Ara sa magulong mundong ito.

"I want to serve your son." I spent the whole night thinking of how to tell him this yet I can't find the perfect words.

Tumaas ang kilay ni Sir Sebastian, kasabay nito ang pagbilis din ng tibok ng puso ko.

"Why?" Sumandal sya sa upuan nya.

Pinanatili kong kalmado ang sarili ko. Blanko ko lang syang tinignan para hindi nya mabakas ang kaba ko.

"He'll be my future boss once you retire. Ngayon pa lang, gusto ko nang magkasundo kami para wala kaming maging problema." Kalmado kong paliwanag.

"Despite what he has done the last time?" Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. Hindi pa rin ako tuluyang magaling. Bakas pa rin sa katawan ko ang pinagdaanan kong torture kina Pablo.

"I set aside my grudge. Naisip ko rin na baka kapag pagsisilbihan ko sya, tatratuhin na nya ako ng tama."

Nanatiling nakatitig sa akin si Sir Sebastian. Sa bawat segundong dumadaan ay lumalala ang takot ko na baka mabuking nya ako. Papatayin ko naman talaga si Trace kapag nagkataon na nalagay ako o ang kapatid ko sa alanganin.

"Fine." Bumalik na sya sa paglilinis ng mga chess pieces. "Mabuti nga 'yang naisip mo. Gusto ko ng smooth transition kapag si Trace na ang head ng empire." Dagdag pa nya bago nya ako tinignan. "Very good thinking, Phoenix." Ngumiti sya sa akin pero hindi ko sya magawang ngitian pabalik sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"In return, makipaglaro ka sa akin ng chess from time to time." Sabi pa nya kaya naman napasimangot ako dahilan para tumawa sya nang malakas.

Wala na akong nagawa kundi um-oo na lang at baka bawiin nya ang pagpayag nya.

"Phoenix!" Natigilan ako sa pag-akyat sa hagdan dahil sa pagtawag sa pangalan ko.

Naglalakad palapit sa akin si Sparrow na may nag-aalalang ekspresyon.

"Bakit naglalakad ka na? Kapag ikaw, nabinat---"

"I'm good." Hinawakan ko ang balikat nya para i-assure sya.

Akmang may sasabihin pa sya pero hindi na lang nya tinuloy. Nginitian ko na lang sya bago nagpaalam. Sakto namang pagdating ko sa 2nd floor ay syang paglabas ni Trace sa hallway.

"It's done. Mukhang hindi naman sya nagsuspetsa." Pagbibigay-alam ko sa kanya. Tumango naman sya bago inabot sa akin ang isang envelope.

"Those are the files that Pablo's father have about Josefino."

Kinuha ko ito bago sya seryosong tinignan. "Make sure you do your end of the bargain."

Tumaas ang isang kilay nya. "Do yours and I'll do mine." Sabi nya bago ako nilagpasan.

VANITY | SDS Present (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon