"Ang haba ng sinabi mo. Tinanong ko lang naman kung binili niya ba ang cupcakes para sa akin."

Bumalik sa kitchecn table si Kendric at binuksan ang box. Kumuha siya ng isang cupcake at mula sa aking kinatatayuan ay nakikita ko ang icing na kulay puti na may makukulay na sprinkles.

"Ang ganda diba?" Nakangiting sabi ni Kendric.

"Talagang namangha ka? Ano ka bata?"

Lumapit si Kendric sa akin bitbit ang cupcake na nasa kanan niyang kamay.

"Tingnan mo. Sabi niya nagsasanay palang siyang gumawa pero ang ganda na." Sabi niya.

"Paano naman ang lasa?"

Kumagat si Kendric sa hawak na cupcake pagkatapos ay sinabi ang "Masarap naman."

Muntik na akong matawa dahil may dumikit na icing sa kanyang ilong pero pinigilan ko lang habang sinasabi ang "Punasan mo kaya iyang ilong mo. Para kang bata kung kumain. Ang kalat."

Pinunasan ni Kendric ang icing na nasa kanyang ilong gamit ang likurang bahagi ng kanyang kaliwang kamay tapos ay iniabot ang cupcake sa akin sabay sabi ng "Tikman mo. Masarap."

"Ayaw ko! Nakagatan mo nayan eh."

"Ang arte!"

Hinila ako ni Kendric palapit sa table kung nasaan ang box ng cupcakes.

"Ayan kumuha ka ng walang kagat."

Tiningnan ko ang mga cupcakes at aaminin kong nakakatempt silang kainin. Kumuha ako ng isa at kinagat. Naramdaman ko nalang na may icing na dumikit sa aking ilong.

"Para kadin palang bata kung kumain. Makalat din." Tumatawang sabi ni Kendric.

"Ang saya-saya mo ha." Sabi ko sabay punas ng icing sa aking ilong.

"Masarap diba?"

"Masarap naman. Pwede na."

Napatingin ako kay Kendric at napansing natatawa parin siya sa akin. Ewan ko kung anong pumasok sa aking isip pero bigla ko nalang inilapit ang cupcake sa kanyang mukha at pinunas ang icing.

"Gusto mo ng ganito ha?" Sabi ni Kendric.

"Ops! Hindi ko sinasadya."

Papahiran din sana ni Kendric ng icing ang aking mukha pero nakailag ako at tumakbo. Palibot-libot kami sa sala at sa kitchen hanggang sa nakapasok ako sa aking kwarto at sinara ang pinto.

"Ang daya! Lumabas ka dito!" Narinig kong pasigaw na sabi ni Kendric.

"Tama na. Ayaw ko na! Mag-aaral na ako."

__________________________________________

KINABUKASAN – Naglalakad ako sa loob ng university ng makasalubong si Charlene. May kasama siyang mga babae na siguro ay mga kaibigan niya.

"Hi Charley." Nakangiti niyang greet sa akin sabay hinto sa paglalakad.

"Hello." Maikli kong tugon at huminto din.

"Natikman mo ba ang cupcakes na pinadala ko kay Kendric kagabi?" Halos pabulong na tanong ni Charlene sa akin. Para siguro hindi marinig ng kanyang mga kasama.

"Yes natikman ko at masarap."

"Really? Ang saya ko dahil nasarapan ka.?" Nakangiting sabi niya.

"Hmmm... Sige tuloy na ako. May class pa kasi."

"Ahhh sure. See you around."

Iniwan ko si Charlene at ang kanyang mga kasama. Naglalakad ako ng mapadaan sa track and field stadium. May mga athletes na nagpapractise kaya huminto ako para pagmasdan sila.

"Hindi mo ba namimiss?" Narinig kong tanong mula sa aking likuran. Hindi ko paman nakikita ang mukha pero sa boses palang ay kilala ko kung sino ang nagsasalita – si coach Bobby. Ang coach ng track and field.

"Namimiss ang alin?"

Tumayo sa aking tabi si coach Bobby. Nakatingin siya sa kanyang mga atleta habang sinasabi ang "Ang pagtakbo. Wala kapa bang planong bumalik?"

"Wala pa o baka hindi na talaga."

"Sayang naman. Isa ka pa naman sa pinakamabilis tumakbo sa team dati."

Tiningnan ko si coach Bobby at binigyan ng kaunting ngiti bago ako tumalikod at naglakad. Ilang hakbang palang ay narinig ko siya na sinabi ang "Dahil parin ba ito sa kanya kaya ayaw mong bumalik? Bakit? Naaalala mo siya kapag tumatakbo ka? Nalulungkot ka?"

Nagkunwari nalang ako na walang narinig at nagpatuloy nalang sa paglakad.

A THIN LINE BETWEEN LOVE AND HATEWhere stories live. Discover now