Season 1: Episode 8

Start from the beginning
                                    

Tila bang nabaligtad ang mga pangyayari sa isang iglap lang. Ngayon ay sakal-sakal na ni Maru ang multo. Kumikislap ang kanyang singsing. Isang hudyat na nahuli na niya sa kanyang mga kamay ang galit na multo.

"Who are you?!" Full of angst, Maru yelled at the ghost.

Sa puntong iyon ay tumayo na sa tabi ko si Codi. May punto pang hinawakan ako ng gago sa braso. Nasiko ko nga.

"Marunong palang mag-english ang mga multo? Maiintindihan nila 'yung english na tanong ni Maru?" He asked.

I scowled at him while catching my breath. "Shut up."

"Si Franco!" Mangiyak-ngiyak na sambit ng multo. Ngayon ay nagliliyab ang kanyang leeg mula sa pagkakasakal ni Maru. Iba talaga ang kapangyarihang dulot ng kanyang mahiwagang singsing.

"Franco Balagtas! Iyong hinahanap ninyo—putangina! Ibaba mo ako! Parang awa mo na!" Pagpapatuloy ng multo. Nagpupumiglas siya pero tila ba unti-unting tinatanggap ng singsing ni Maru ang kanyang lakas.

"Maru, tapusin mo na 'yan! He is a fucking poltergeist! He is dangerous!" I yelled at them.

That moment, I know that it's now or never. That it's a do or die. Kapag pinatagal pa ito ni Maru ay tiyak na baka mabaligtad pa ang sitwasyon namin. Mabuti nang habang maaga pa ay tapusin na agad ang galit na kaluluwa na iyon.

Doon ay sumentro ang tingin ni Franco sa akin. Mula sa poot na nakita namin sa mga mata niya kanina ay napalitan ito ng labis na lungkot. "H'wag! Parang awa niyo na! H'wag!"

Nagsimula na siyang humagulgol nang itaas na ni Maru ang kanyang kamao. Kumislap nang malakas ang kanyang singsing.

"Gusto ko lang namang umuwi! Parang awa niyo na! Gusto ko lang umuwi!" Pagpapatuloy ng multo.

At doon, natigilan si Maru.

My jaw almost dropped to the floor when after a few seconds, nanatili lang siya sa ganoong pwesto.

"What the hell are you doing, bro? Just end him!" I pressured Maru. Pero patuloy lang siyang natigilan nang magpatuloy ang multo.

"Gusto ko lang namang umuwi para sa Graduation namin. Gusto ko lang naman makasama ang pamilya ko sa pinakamasaya kong araw," his voice is echoing the sadness within his heart. Natigilan na rin ako.

"Gusto ko lang namang i-celebrate ang Graduation ko bukas, parang awa niyo na. Pauwin niyo na ako . . ." Pagmamakaawa ng multo sa pagitan ng tila bang nakakamatay na kirot.

Doon ay para bang bigla akong nawalan ng balanse. Kamuntikan na akong matumba, mabuti na lang at nagawa kong maka-recover agad. Dito na bumigat ang pakiramdam ko. Nagsimula akong maramdaman ang hinagpis ng ligaw na kaluluwa. Namalayan ko na lang na tumutulo na pala ang luha sa mga mata ko.

Hanggang sa . . .

Wala akong makita. Hindi ako makagalaw. Ang sikip sa pakiramdam. Ngayon ay dama kong nakabaluktot ako. Parang nasa isang sako ako.

Lumakas ang pagtibok ng puso ko nang may bigla akong narinig.

"Magkita na lang tayo sa impyerno, Franco."

Bigla, naramdaman ko na para ba akong nahulog. Hanggang sa magsimula akong mahirapang huminga. Nadama ko ang tubig. Sobrang lamig nito.

Doon ay nagsimula akong mag-panic. Napasigaw na lang ako. "Tulong! Tulong! Putangina, tulungan niyo ako!"

Ngunit nag-echo lang ang boses ko sa lugar kung saan ako itinapon. Tila bang nasa lugar ako kung saan kulob. Kung saan sarili ko lang ang makakarinig sa akin.

Hindi na ako makahinga nang ayos. Nagpumiglas ako pero mahigpit ang pagkakakulong ko sa tila bang sako na ito.

Nanlaki na lang ang mga mata ko sa kilabot. Hanggang sa unti-unti nang nanghimasok sa ilong at bibig ko ang tubig. Ang mainit na kirot na gumuguhit sa aking dibdib ay hindi ko makayanan.

Putangina, malulunod ako—

"Hey, Jether?" Codi poked me. "What happened?"

Doon ay nagising ako sa realidad.

Hingal na hingal, pinukol ko lang ang pansin ay Franco. Napalunok ako habang hinahabol ang hininga.

Now, I know . . .

Naliligaw pa rin si Franco sa mismong araw na namatay siya. Hindi niya pa rin matanggap ang nangyari sa kanya . . . pero ang gusto niya lang talagang gawin magmula nang mamatay siya ay ang umuwi at makita ang kanyang pamilya.

Doon ay nagsimula akong humagulgol. Tila bang sa mga minutong iyon, kaisa ako ng kaluluwa ni Franco. Bagay na laging nangyayari sa tuwing may nakakasalubong akong kaluluwang hindi matanggap ang kanilang sinapit.

"Oh, bakit ka naman umiiyak, dahil?" Codi quizzically said, minabuti kong h'wag na lang siyang sagutin.

Pinunasan ko ang mga luha gamit ang likod ng mga palad ko. Para akong bata kung makahagulgol. "Maru . . . We have to help him reach his home."

I wiped my effin tears off. This is so gay.

"Let's help him see his loved ones before he finally rest in peace . . ."

When Maru pointed his gaze at me. He gave me an approving smile, "alright."

Project Ghost HotlineWhere stories live. Discover now