Chapter ONE

12 0 0
                                    

HINDI na pinatagal pa ni Mary ang burol ng ina dahil wala naman siya halos kakilalang pamilya kaya naman karamihan ng dumalo sa libing ay pawang mga naging kaibigan at katrabaho niya at ng ina.

"Apakah kamu baik-baik saja di sini?" Tanong ng isang katrabaho niya.

[Are you okay here?]

"Ya, terima kasih sudah berada di sini hari ini," pagpapasalamat niya rito.

[Yes, thank you for being here today,]

"Sekali lagi belasungkawa kami Miss Mary." Tumango lang siya bilang tugon at umalis na rin ang mga ito.

[Once again, our condolences Miss Mary.]

Nang makaalis ang mga taong dumalo sa libing at siya na lamang ang naiwan ay umupo siya sa harap ng puntod ng ina. Dahil kalilibing lang nito ay hindi pa patag ang lupa kaya mukhang na tambakan lang ito.

"Ma, what will I do now?" bumuntong hininga siya at kinagat ang kanyang labi upang pigilan ang nagbabadyang luha na hindi niya pinakawalan ng tatlong araw. "Ako na lang mag-isa, hindi ko alam kung paano babangon ulit. Hindi ko alam kung paano magpapatuloy sa buhay."

Tumayo siya at lumipat sa gilid na bahagi ng puntod. Humiga siya't tumitig sa kalangitan ng maaliwalas, imagining her mom smiling at her from above.

"I know I told you I'll be fine, pero hindi ko alam na ganto pala kahirap hanapin ang simula ng mag-isa." Ipinikit niya ang mga mata at hinayaan na niyang tumulo ang mga luhang hindi niya ipinakita kanino man.

~

"Mary, anda tidak perlu bekerja hari ini. Anda bisa beristirahat sebentar." Sinalubong siya ng kapwa niya maganer nang papasok na siya ng manager's office ng pinagtratrabahuhang restaurant.

[Mary, you don't have to work today. You can rest for a while.]

"Tidak. Tidak apa-apa, aku harus bekerja. Ini akan menjernihkan pikiranku," sagot niya dito sabay lapag ng gamit sa locker room ng opisina. Inumpisahan na siyang ayosin ang mga naiwang trabaho.

[No. It's okay, I have to work. It's going to clear my mind.]

"Oke itu terserah anda." Napabuntong hininga na lang si Irene dahil doon at lumabas na ng opisina dahil kailangan na siya ng isang staff.

[Okay it's up to you.]

Iginugol ni Mary ang kanyang buong araw sa pagtratrabaho. Nang oras na para umuwi ay hindi niya namalayang dinala na pala siya ng kanyang mga paa sa harap ng hospital kung saan ang naging bahay nila ng ina sa halos tatlong tao, ang ospital kung saan din binawian ng buhay ang kanyang ina.

Nakatitig siya sa ospital na nasa harap niya at bumuntong hininga. Ikinalma niya ang sarili bago nagsimulang maglakad upang pumara ng sasakyan pauwi.

Nang makarating sa bahay ay agad siyang pumasok sa kwarto ng ina. Hindi pa niya ito ginagalaw mula ng mamatay ito ang mga gamit ay nasa dating ayos pa rin. Humiga siya sa kama at inilibot ang paningin sa paligid.

"Same old room, but it feels different," mahinang sambit niya.

Napagdesisyonan niyang iligpit na ang mga gamit ng ina, her first step to let go. Habang inaayos niya ang gamit ng ina ay may nahulog na plastic envelope mula sa karton na nasa itaas ng cabinet ng ina.

"What is this?" salubong ang kilay niyang tanong sa sarili.

Nang buksan niya ito ay puro papel ang laman isa-isa niya itong binuksan at huminto siya nang

makita ang isang sulat na nasa loob nito.

'Anak, sa oras na mabasa mo ito posibleng wala na ako sa mundo. I'm writing this as my last will, I don't have any luxury to pass on you but please know that I love you. The day your father left me is the day I discovered about you, from that day until my last breath I gave all my love to you. I have my last wish, but I don't know if I can still fulfill it, I want to find my half-sister, your Lolo's firstborn, your aunt. She lives in the Philippines where your lolo and his first wife lived. They don't know about me, about us, because your lolo never had the courage to tell them about me. He never had the courage to say to them that after his first wife died, he had a second wife here in Indonesia which is your lola. Dad left me his last will; I didn't want to cause trouble that's why I choose not to tell them. But recently when I learned about my cancer, I wanted to find her; I'm not into money but I want to at least do what Dad never did, to tell ate that she had a sister, that Dad had a family here, but I don't think I can still make it. If I didn't find her before the day you are reading this. Please, find her for me, and tell her about me and how much I love her even if we never met. Take good care of yourself anak, mahal na mahal ka ni mama. Until we meet again.'

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 12, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Businessman's FallWhere stories live. Discover now