Prologue

31 0 0
                                    

"TERIMA kasih telah melakukan pekerjaan yang hebat untuk hari ini semua orang," pagpapasalamat niya sa mga staff ng Thai Restaurant na mina-manage niya.

[Thank you for doing a great job for today everyone,]

"Pemilik membayar kami untuk melakukan pekerjaan kami, itu sebabnya kami selalu mencoba yang terbaik," nakangiting sagot naman ng team leader nila.

[The owner pays us to do our job, that's why we always try our best,]

"Oke, kau bisa pulang sekarang, aku masih punya beberapa dokumen untuk diselesaikan setelah ini aku akan pulang juga," paalam niya sa mga ito.

[Okay, you can go home now, I still have some paperwork to finish after this I'll be home too,]

"Selamat tinggal Nona Mary! Sampai jumpa besok," paalam naman ng mga ito sa kanya.

[Goodbye Miss Mary! See you tomorrow,]

Nang matapos niya ang kanyang mga ginagawa ay isinarado na niya ang restaurant bago dumiretso sa ospital kung nasaan ang kanyang ina.

"Ma!!" bungad niya sa kanyang ina. "How are you?" tanong niya.

"Never okay, but still fighting," mahinang sagot ng ina.

"Ma," malungkot na tawag niya rito. Alam niyang hindi umaayos ang lagay ng inang may ovarian cancer.

"I've been here for three years anak. Hindi na nga tayo umuuwi sa bahay natin, ikaw? Dito ka na rin umuuwi pagkatapos ng trabaho mo. Ito na 'yong naging bahay natin pagkatapos mong grumaduate ng college," anang ina, tahimik lang siyang nakikinig habang binabalatan niya ang orange na ipapakain niya rito.

"Ma, I'm fine, wag tayong mawalan ng pag-asa. Kaya nga tayo nandito sa ospital diba?"

"Anak, alam nating pareho na nabibilang na lang ang araw ko dito sa mundo. I'm still fighting kasi inaalala kita, sino na lang ang makakasama mo pagwala na ako? Kahit nahihirapan ako anak, pinilitin kong lumaban." Napakagat-labi siya upang pigilan ang unti-unting pamumuo ng kanyang luha.

"Are you tired fighting?" mahina niya tanong rito, nanahimik sandali ang ina bago sumagot.

"I'm not tired of fighting, but my body is slowly betraying me. I don't want to lose hope but I'm afraid my body is slowly losing its will to live." Pagtapos sabihin iyon ng ina ay unti-unti itong pumikit.

Medyo natataranta pa niyang tinignan ang heartrate monitor nito at nakahinga siya ng maluwag ng makitang maayos pa naman ang heartrate ng kanyang ina. Ang orange na sana ay ipapakain niya rito ay inilagay niya na lang sa mini fridge ng hospital room nila.

Nilapitan niya ang ina at hinawakan ang kamay nito.

"Ma, if you are tired of all your pains. It's okay, I'll be fine here. I'm not going to hold you anymore; I will not ask you to fight for more." Pinahid niya ang luhang nag-uunahan sa pisngi niya at bahagyang pinisil pa ang kamay ng ina. "Kung pagod ka na okay Ma, okay lang talaga." Pinipigilan niya ang hikbi upang hindi niya ito magising.

Ilang minuto rin siya sa ganong posisyon bago niya naisipang humiga na sa sofa kung saan siya natutulog ng tatlong taon.

~

Ilang araw ang nakalipas ay ganon pa rin ang routine niya, papasok siya sa Restaurant tapos after shift niya, pupuntahan nito ang ina sa ospital. Tuwing day-off niya ay saka lang siya uuwi sa bahay nila para makapaglaba ng mga gamit nila.

"Diah! Satu pesanan tambahan Kaeng som kung di atas meja 19, satu pesanan Phanaeng curry dan dua pesanan Khao niao mamuang di atas meja 4," tinutulongan na niya ang staff niya sa pagkuha ng order dahil pick hour.

[Diah! One additional order of Kaeng som kung on Table 19, one order of Phanaeng curry, and two orders of khao niao mamuang on Table 4,]

Nang matapos ang pagdagsa ng mga tao ay nakahinga ng maluwag ang mga staff niya. Habang siya ay pumasok sa manager's office para imonitor ang sale sa mga nagdaang oras, dahil patapos na ang shift niya dumating na rin ang karilyebo niyang manager.

"Bagaimana shift Anda hari ini Mary?" tanong sa kanya ni Irene ang manager na papalit sa shift niya. Bago pa nito sagutin ang taong nito ay tumunog ang telepono niya.

[How's your shift today, Mary?]

Kumunot ang noo niya ng makitang ang doktor ng ina ang tumatawag, kaya agad niya itong sinagot.

"Hello Doc?" bungad niya.

"Good day this is the intern nurse, Doc ask me to call you using his phone. It's an emergency miss, your mom needs you here as soon as possible," anito to bahagya pa siya natigilan ngunit agad din namang nagmamadaling iniligpit gamit niya.

"Maaf, Irene aku harus mengakhiri shiftku lebih awal, ibuku membutuhkanku," nagmamadaling anito at hindi na hinintay pang sumagot si Irene.

[Sorry, Irene I have to end my shift early, my mom needs me,]

Pagkarating niya ng ospital room ng ina ay halos mawalan siya ng balance ng makitang nirerevive ang ina niya. Agad siya tumakbo palapit sa kama ng ina, hinayaan rin naman siya ng mga tao roon.

"Ma! Ma!" paulit-ulit niyang tawag, maya-maya pa ay iminulat kaunti ng ina ang kanyang mata.

"A..aaannak, I-i.. I'm s-sor-rry, I cc-an't f..fig..ht a-any..more." tumango-tango siya bilang sagot, tumutulo ang luha niya pero paulit-ulit siyang tumatango.

"It's okay ma, I'll be fine, don't worry about me," kagat-labi niyang sabi. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ng ina ganon din ito. Ngunit maya-maya pa ay lumuwag na ang hawak ng ina, siya na lang ang nakahawak ng mahigpit sa kamay nito.

"Ma, I'll be fine here, rest," halos ipaulit-ulit niya ang mga katagang iyon.

"Time of death, 2:14 PM," announce ng doktor.

Nang sambitin 'yon ng doktor ay halos mawalan siya ng lakas kung hindi lang siya hawak ng nurse sa tabi niya malamang ay nasa sahig na siya nakaupo.

A/N: 'yong mga naka [Italicize] ganto,translation po 'yon ng mga sinasabing hindi na iintidihan like that.

The Businessman's FallWhere stories live. Discover now