CHAPTER 53: Wedding Booth

En başından başla
                                    

Syempre di ko naman afford yung mga mamahalin na pagkain kasi magkano lang naman allowance ko papasok ng school at tsaka namamasahe pa ako.

"Smile!" biglang sabi Joseph habang naka hawak nang camera kaya naman nag pose kami ni Jessica

Hindi namin napansin na dumating si Joseph dito sa student lounge dahil sa busy ako sa pagsuyo dito sa bestfriend ko na daig pa ang jowa kung mag tampo.

"Now she's smiling" sabi ni Joseph habang naka tingin sa may camera kaya naman biglang nag salubong yung kilay ni Jessica

"Beastmode jowa mo!" sabi ko naman kay Joseph kaya siya tumawa

"Tumulong naman ako pero galit na galit pa rin siya sakin" pag defend ni Joseph sa sarili niya kaya naman siya inirapan ni Jessica

"At anong itinulong mo?" sarcastic na tanong ni Jessica sa kanya

"Gumawa kaya ako ng listahan" sagot ni Joseph na siya namang ipinagtaka ko

"Listahan?" nagtatakang tanong ko sa kanya kaya naman siya tumango

"Listahan na pangalan lang ni Ysabel at Kyle ang laman!" naiiritang sabi naman ni Jessica kaya tumango si Joseph habang naka ngiti

Kahit kailan talaga pasaway itong si Joseph!

"Yung tatlong oras nating binuo yung booth, I mean, binuo ko lang pala since hindi naman kayo tumulong!" naiinis na sabi ni Jessica

"Ang kapal rin ng mukha mo na ipagmalaki sakin yang ginawa mong listahan na wala naman ibang laman kundi pangalan ng bestfriend namin at nung pinuno niyo" sabi ulit ni Jessica

"Syempre para kanina ba yung booth natin?" tanong naman ni Joseph

"Tsaka ang ganda kaya ng idea ko!" masayang sabi ni Joseph kaya naman nag seryoso ang mukha naming dalawa ni Jessica

"Wedding Booth!" tuwang tuwang na sabi ni Joseph saming dalawa

Ibinigay kasi ni Ysabel yung responsibility kay Jessica sa pag asikaso nung class booth namin ay napag desisyonan naman nitong mag jowa na 'wedding booth' yung theme and approve naman agad kay Ysabel since wala siyang idea sa kung para saan talaga yung purpose kung bakit yun ang theme.

"Di ba ang romantic pakinggam! Malay mo may magkabalikan after!" natatawang sabi ulit ni Joseph kaya naman binato siya ni Jessica nung plastic bottle na nasa harapan niya

"Baka may mag away kamo! Nakalimutan mo ata na andun sa booth si Lei! Baka mamaya manabunot na naman nang wala sa oras" sagot naman ni Jessica

"Edi mas lalong magiging masaya bukas!" excited sabi ni Joseph kaya naman biglang tumayo si Jessica tsaka niya binatukan yung jowa niya

"Kung ikaw kaya sabunutan ko ngayon!" nang gigigil na sabi ni Jessica at akmang sasabunutan si Joseph pero naka ilag naman ito agad

Kahit kailan talaga kaligayahan ni Joseph ang mga nag aaway.

"Baka kasi mamaya biglang sumugod si Lei sa booth kapag nakita niya yung dalawa" sabi ko naman sa kanila kaya ngumiti naman si Joseph

"Don't worry about Lei!" naka ngiting sabi ni Joseph na siyang ipinagtaka namin ni Jessica

"Nakalimutan mo na ata kung anong klaseng babae yung girlfriend ng pinuno niyo" naiinis na sagot ni Jessica sa kanya

"Ako na nga ang bahala kay Lei!" naka ngiting sagot naman ni Joseph then Jessica suddenly crossed her arm

"I'm sorry to say this but I'm more worried because you're the one who will handle her" seryosong sabi ni Jessica

"Grabe ka naman! Wala ka na bang tiwala sa boyfriend mo?" nasaktan na sagot ni Joseph sa kanya kaya naman siya tumango

Secretly Married to the Campus Prince 2 (ON GOING)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin