13

0 0 0
                                    

Natitigilan at nanlaki ang mata ni Ade pagkasabi ko noon. Halos hindi naman ako makahinga ng maayos sa nangyari at kaniyang titig ngayon kaya agad kong iniwas ang tingin.

"Panalo ang grupo ni Miss Celeste!"

"Yes!"

Naglakad na ako palayo roon pero bago pa man makalayo ay niyakap na ako noong babae sa grupo ko sa laro.

"Thank you, Ate! Thank you!"

Halos maiyak silang grupo sa saya. I smiled at them. "Your welcome. Congratulations."

Rinig ko ay premyo ng mananalo ay posters bawat isa sa grupo at iilang photo cards ni Ade.

"Tara, Ate Celeste?" iyong isa. "Papicture tayo roon, dali!" Tatangi sana ako ngunit hinila na nila ako papuntang mini stage.

Tinanggap nila ang kanilang mga prizes bago ako hinila ulit sa gitna para makapagpapicture. Nandito ako ngayon sa gitna ng grupo katabi si Ade. Halos pigilan ko ang paghinga habang nagpapapicture roon.

"Compress pa kayo, para kita lahat," sabi ng magpipicture sa baba ng stage.

Nag-usugan ang lahat. Hindi ako gumalaw kaya naitulak ako papunta pa lalo kay Ade. Hinawakan ako ni Ade sa balikat para hindi matumba and to stay still para hindi na magulo at madamay ang sa kabilang banda.

Pinilit kong ngumiti ng tunay ngunit alam kong pagkailang ang lumalabas sa labi ko. Iilang picture pa roon bago natapos.

Tiningnan ko ang nakahawak at akbay pa rin na kamay ni Ade sa akin bago tumikhim. Napansin niya iyon kaya bumitaw na.

"Congrats," sabi niya.

Tumango ko. "Thank you," akmang aalis na ng magsalita ulit siya.

"Here, your prize." Tatlong photo cards iyon. Tinanggap ko nalang kahit hindi naman na kailangan ng premyo.

"Salamat," bumaba na ako ng stage at pumunta sa puwesto.

Nagpasalamat ulit ang grupong iyon sa akin kaya nginitian ko nalang. They are so happy.

"Congrats, Miss!" Bati ni Shana.

I chuckled. "Salamat, Shan,"

"It's time to eat and rest muna." Announce ng emcee.

"Kain na muna kayo." Sabi ko kina Shana kaya lumakad na ito.

Napatingin ako sa hawak na talong photo cards kung saan ang selca pictures ni Ade. He looked so fresh and naturally handsome at those photos. Nang natingnan ang likod nito ay napansin kong may nakasulat.

C is the best of the beautiful

C is undeniably beautiful

The moon is beautiful, isn't it?

Iyon ang mga nakasulat sa tatlong photo cards. Napakagat labi ako at napangiti ng wala sa sarili. I understand the first two but the third one, the last is kind of confusing to me. Alam ko na maganda ang moon pero hindi ba dapat sinabi iyon kapag may moon kang nakikita ngayon? Eh tanghali ngayon, eh!

Ah, baka nagagandahan lang talaga siya sa moon tapos share niya lang.

Hindi ko nalang iyon inintindi at pumunta sa mga ka-team para makakain na rin. I think it's a kind of idiomatic or poetic? I don't know! As well as the meaning is beyond me.

Magtatapos ang event na ito sa oras na 2 pm kaya nang matapos kumain ang lahat ay chill nalang ang ganap. Nag-sign nalang si Ade ng mga album, poster o ano pa man. Sabi rin, pagkatapos ay kakanta si Ade.

Umupo kami roon sa may bakanteng lamesa at upuan ng iba kong mga kasamahan. The event will almost end.

Tumugtog ang mga instrumento. Nakinig at pinanood lang naman namin ang nasa harapan.

Ace Of The Heart Where stories live. Discover now