Prologue

5 0 0
                                    

"Magiging busy talaga ang baranggay!"

"Excited na nga ang mga taong nakakaalam," narinig kong nagsalita si Mama sa sala dito sa kusina.

"Sikat naman kasi ang singer na iyon," sumabat rin si Papa.

"Sinabi mo pa, pare!" Halakhak ni Kap, ang kapitan ng baranggay namin.

"Heto po Kap, ang juice niyo," ngiti ko at lagay sa mesa sa harapan nila.

"Naku, salamat Celeste!" I just smiled at him. "Mabuti't nandito ka na magfi-fiesta sa atin!"

Tumango ako. "Oo nga, kap. Namiss ko rin ang fiesta rito. Mamimiesta ako," I chuckled. They also chuckled of what I said.

"Naku! Siguradong mag-e-enjoy ka sa darating na fiesta rito! May mga special guest pa naman!"

"Marami bang pasabog, Kap?" Ngisi ko.

"Sinabi mo pa!" He chuckled.

"Ikaw pa, Kap! Lodi ka kaya!" Nagtawanan kami roon.

"Good afternoon, Kap!"

"Oh, Good afternoon rin sa inyo Krissa!"

Pumasok ang mga pinsan ko sa bahay, isa na doon si Ate Krissa.

"Kap! Ano na iyong special guest? Oh my goodness! Excited na ako Kap!" Parang mahihimatay si Ate sa kilig.

Tumaas ang kilay ko. "Bakit? Sino ba 'yan? 'Di kayo nagkukwento huh!" Umakto pa akong nagtatampo.

Kap chuckled. "Oo! Special talaga iyon! Isa sa mga sikat na singer sa bansa!" Pati si Kap ay excited sa kinukuwento.

Namilog naman ang mata ko. "Talaga, Kap?"

"Oo! Celeste! Kaya pumunta kayo sa plaza huh? Pagmagpe-perform na siya! Siguradong matutuwa kayo."

"Paano mo naman napapayag iyon Kap? Taga rito ba?"

Umiling si Kap. "Hindi. Kaibigan ko kasi ang mga magulang niya! May bahay sila rito kaso hindi naman talaga sila nakatira rito dahil sa metro manila sila namamalagi. Kung baga, kapag bumibisita lang sila dito."

Tumango-tango ako. Kaya pala. Mahirap kaya mapapayag ang ibang mga artista na dumalo lang sa isang fiesta ng baranggay? 'Di bale nalang kung for show o bibisitahin ng sadya ang lugar, or may connection ka talaga.

"Sino?" Kanina pa akong taka. Sino ba 'yan?

"Si Ade Chavez! Kilala mo? Naku! Ang laki na ng naabot ng batang iyon! Sikat na!"

I got froze by the mention of that. I gulped. Bigla na rin akong napatulala habang nakatingin kay Kap na mukhang tuwang-tuwa sa nakikitang reaksyon ko ngayon.

"Oh 'diba? Pati ikaw ay nagulat! Siguradong hindi mo iyon palalagpasin!" Tawa niya.

Kinagat ko ang aking pangibabang-labi.

"Sa totoo ay, ang sadya ko rin talaga rito kaya pumunta ako dito sa inyo dahil manghihingi sana ako ng pabor." Sumeryoso si Kap at tumingin sa akin matapos tumingin sa mga magulang ko. "Lalo na sa iyo, Celeste. Hindi ba ay planner ka? So, pwede bang patulong na mas pagplanuhan at mas mapaayos ang pagpe-perform ni Ade sa oras ng fiesta? Gusto ko kasi na mas ma-excite pa ang mga manonood na ating kababayan." Ang ngiti niya ay umaasa.

Napababa ang tingin ko.

"Pwede bang humingi ng pabor, Celeste? Nahihiya nga ako pero may isa pa akong gusto sanang hingin. Magiging busy kasi ang mga opisyalis ng baranggay dahil sigurado akong madaming taong dadating, bigating tao iyon. Kukulangin kami sa mga tauhan. Karamihan ng tanod ay magbabantay sa paligid ng plaza para hindi magkagulo. Ang iba naman ay magiging abala sa pagkain ng mga bisita. At kulang ang mag-a-asikaso sa kung sa artista man, tinatawag na backstage. Sa baranggay hall lang naman iyon. Pag break time ay iaassist lang si Ade ng naroroon. Pwede ba kayo ng mga pinsan niyo?"

Ace Of The Heart Where stories live. Discover now