2

0 0 0
                                    

"Miss Celeste, if pwede ka raw po sa main arena."

"Why?" Tanong ko sa secretary ng star ng lumapit ito isang araw habang ako ay nag-iikot at nagtatrabaho.

Napakamot ito sa ulo niya. "Need daw po ng audience?" Pati siya ay hindi sigurado. "May mga tinawag rin po roon na ka-team niyo," she informed.

Inisip ko pa ang trabaho pero ng mapagtantong wala naman talagang maraming pang tatrabahuin ngayong araw ay sumunod nalang ako sa secretary.

Marami ngang tao roon sa baba lang ng stage.

"Anong meron?" Tanong ko kay Shana na ka-team ko.

Nagkibit-balikat ito. "Need daw ng audience, Miss. Magpa-practice sila. Baka gustong makakuha ng opinion ng iba."

Napabaling kami sa star at sa kaniyang manager ng sila ay lumapit.

"I'm sorry to disturb you, but can we ask for favor? Kailangan lang namin ng audience ngayon for opinions kung may mali pa ba o anong pwedeng magandang gawin para mas maganda ang presentation. I know our team can do that but we want other people to judge it." Aniya ng manager. "Miss Cortez? Pwede ba?"

Nag-ingay ang iba, lalo na ang mga fan ng star.

Tumango nalang ako. Hindi naman talaga ata magiging isturbo ito sa aming mga trabaho? Ang magla-lunch time na mamaya lang. They need rest too.

"Thank you. You can sit sa mga upuan while watching if you want." At tinapik nito ang balikat ng katabing si Ade na nakatingin lang sa akin. "Let's start, Ade." Aya nito sa alaga.

Umupo naman kami doon sa mga upuan, sa unahan ako umupo, katabi ko si Shana at ang secretary ni Ade. Pinagkrus ko ang aking braso sa dibdib habang nakaupo roon.

Pumuwesto sila para magsimula na ng practice. They played many songs. He sang many songs. Kataka-taka lang kung ganyan ba dapat siya timingin sa audience kapag magpe-perform. Parang isa o ilan lang tinitingnan niya sa amin, madalas pa ay sa 'kin nakatingin ito. I'm in the center pero hindi ata maganda iyon lalo na at madami ang audiences mo tapos sa isa ka lang titingin in whole performance?

Pagkatapos nila ay pumalakpak ang mga tao roon. I also clapped my hands for acknowledging that they did great. Pero may mga dapat lang ayusin. There's no problem in his sing but there's thing needed to fix like what I said awhile ago.

"Ang galing mo talaga, Ade!" Sigaw ng mga staff na fans niya roon kahit ang hindi ata mga fans ay bilib.

"Okay na ba?" Pumasok sa stage ang manager niya at tumabi kay Ade. Nag-agree ang karamihan, tahimik lang ako roon.

"How was it?" Tumahimik ang lugar ng magsalita si Ade at nakatingin lang ito sa akin, ako ata ang kausap. Pinatay niya ang microphone kasi hindi pa iyon naka-off pagkatapos niyang magsalita. Narinig tuloy ng lahat ang tanong niya because of microphone

Tumango-tango ako. Tumaas ang kilay niya kaya tinaasan ko rin siya ng kilay.

"Your sing and voice... even the songs are great. But there's something I noticed about the performance,"

He signed me to continue when I paused.

"I'll just suggest na while you were performing, you need to walk all around the stage. The venue is huge right?" Lahat ay nakikinig lang sa akin. "You need to do that, I guess to accompany the whole crowd. Make them feel they all giving attention."

Tumango-tango ito. "I'll take note of that. But there's part I need to just stay in one part of the stage." I nodded, I understand that. "Anything else?" Tumaas ulit kilay niya.

"Oh! Speaking about the making them feel they all having the same attention, I suggest if you look around the place? Or is that part of your performance na tumitingin ka lang sa isa o ilan lang na audience? Is that a part?" Natigilan siya. "Pansin ko kasi kanina ng nagpe-perform ka iilan lang ang tinitingnan mo. I guess that shouldn't like that, right? Hindi dapat sa whole performance ay iilan lang binabalingan mo ng tingin. You always look at same people and little amount of people... audience only kagaya kanina... You always look at me. That shouldn't be, right?" I am also curious to ask that.

Ace Of The Heart Where stories live. Discover now