7

0 0 0
                                    

"The flowers should put at their right place. Huwag niyong ipakalat-kalat. We should finish our things here now. Tomorrow is the wedding day."

"Yes, Miss!"

"Continue the work. Thank you."

The work goes on.

"Let's begin again! Limia, your entrance!" Palakpak ng baklang nagtuturo sa mga kasali sa kasal, the procession. Last rehearsal nila ngayon.

Paminsan-minsan ay nanonood ako sa kanila, pagbakante. They're good. Hindi ko maiwasan ang ngumiti dahil sa tuwa at saya na pinapakita ng mga tao. They are really happy for the upcoming event. Especially the two celebrants. I can see it in their eyes. In love with each other.

"Where is the groom's best man?" anang trainor. Tinapik naman ito ni Jansi sa balikat na nasa harapan ng altar.

"He is on his way. He's coming... no matter what. I'm sure with that."

I smiled back to Jansi when he glanced at me me and smirked.

Nagpatuloy ang trabaho as well as their rehearsal.

"Yes, that's right. Ilagay mo nalang dito." Turo ko sa paglalagyan noong kailangan sa kasal. "Josh, iyong pinapakuha ko? Kinukuha na ba?"

"Yes Miss Celeste. Maya-maya siguro nandito na iyon." I nodded. "Ay! Nandoon na pala,"

Nang mapabaling sa tinuro niya. Naintindihan ko agad bakit humina ang boses ni Josh sa dulo. Maski ako ay nagulat.

"Ade!"

Nagsitakbuhan ang aking team para daluhan sina Ade na binubuhat ang isang karton na hula ko ay ang pinapakuha ko kay Josh. Nagmadali rin akong lumapit roon.

"Naku, sir Ade! Kami na po diyan. Nakakahiya po! Pasensya na!" Paumanhin agad ni Josh pagkalapit roon at inako ang karton na box, nagpatulong rin siya sa iba namin na ka-team.

"Pasensya na po Sir. Pasensya na. Kasalanan ko po," namumutla na ang may katandaang hula ko ay ang magdedeliver sana sa amin noong box.

"Tay, it's not your fault. I insisted. Don't worry." Bumaling ito kay Josh na hindi na ngayon buhat ang box, binigay niya na ito sa isa naming kasama at pinalagay sa dapat lalagyan. "Wala siyang kasalanan. I insisted."

"Uhm..." tumingin si Josh sa akin, humihingi ng sagot. Bumuntong hininga ako.

"Everyone, continue your work now. I'll take this." Tango ko. Sumunod naman sila na kahit alam kong gusto pa nilang manatili roon. "Sige na, Josh. Lead your group."

"Sige, Miss."

"Sorry po, Ma'am," nakayuko na ngayon iyong tingin ko ay nag-deliver ng box.

"C..."

Hindi ko inintindi si Ade. "It's okay po. Sana po sumama kayo ng inyong kasama para may makatulong sa'yo. Sa iyo po ba inatas ang trabaho?" he nodded so do I. "Dapat pinasamahan po kayo ng head niyo. Mabigat pa naman iyon. Okay lang po ba kayo?" marahan kong tanong.

"Opo! Opo, Ma'am! Salamat!" Kita ko ang kaginhawaan at tuwa sa kaniyang mukha, halos mangilid pa ang mga luha nito.

Bahagyang kumirot ang aking dibdib. "Bakit nagtatrabaho pa po kayo? Wala po ba kayong anak para sila nalang ang magtrabaho para sa iyo?" maingat ko iyong tinanong.

"Kailangan po Ma'am kahit mahirap, eh. May apat po akong anak. Ang isa-bunso, pinapaaral pa po naming mag-asawa. Ang panganay naman po namin ay may pamilya ng inaasikaso. Ang dalawa ay walang trabaho at ni ayaw kumilos kaya wala po talagang choice,"

Nabahag naman ako sa sitwasyon niya. I admired him.

"Pilitin niyo po iyong dalawa?" stupid question, I know. Nagbabakasakali lang, ngunit umiling ito.

Ace Of The Heart Where stories live. Discover now