AV 18

6 2 0
                                    

Vrai POV

Pagkarating namin sa sinasabing isla  Ariel. Mabilis naman kaming nagtago para Hindi makita ng mga kalaban.



Maya-maya pa ay dumating na Ang mga awtoridad kaya mabilis kaming sumugod sa Kuta nila. Napadapa nalang ako ng makarinig ako ng putukan ng mga pusil at kalaban.


"Hon!" Sigaw ni Ariel at hinila ako patago.


Hinihingal na napaupo at pasilip-silip sa mga nag babarilan. "Hon, stay here. I promise, ililigtas ko Ang anak natin" wika ni Ariel kaya napalingon ako sa kanya at mabilis na umiling.




"Hindi, sasama ako" pagpupumilit ko.




"Hindi pwede, mashadong delikado. Dito ka nalang" tangi nito at aalis na Sana ng hinawakan ko Ang kamay niya.





"Mag-iingat ka please" nasabi ko nalang habang umiiyak, tumango naman Siya at mabilis na tumakbo papalayo sa pwesto ko.




Lord please help us.





Patuloy parin Ang putukan nila habang ako naman ay nakatago parin sa pwesto ko habang nagdadasal sa kaligtasan ng mag-ama ko at ng mga Kasama namin. Hindi ko nga alam kung nasaan Ang mga kaibigan namin dahil nagkahiwa-hiwalay kami kanina.



Napalingon ako dahil tumigil na Ang putukan kaya dahan-dahan akong lumabas sa pinagtataguan ko. Bumungad sa akin Ang maraming bangkay. Mula sa kabilang panig at Ang iba naman ay sa amin. Napatakip nalang ako ng bibig dahil sa raming dugong nagkalat, isama mo pa ang malansang Amoy sa paligid dahil sa dugong nagkalat.


Nakita ko naman Ang mga pulis na hinuhuli Ang ibang mga kasabwat ni Irwin na Hindi nila napatay.


Pinalibot ko Ang paningin ko para hanapin si Ariel ngunit hindi ko ito makita. Nilapitan ko Ang mga kaibigan namin at kunumusta bago ako nag tanong kung Nakita ba nila si Ariel.



Sinabi nilang pumasok ito kaya patakbo akong pumasok sa loob kahit marami silang pumipigil sa akin. Pagkapasok ko sa isang Bahay ay agad akong tumakbo habang hinahanap si Ariel.


Nang makarating ako sa pinakadulong bahagi sa ikalawang palapag ng bahay ay agad ko itong binuksan. Doon tumambad sa akin si Ariel na nakatutok Ang baril Kay Irwin at si Irwin naman na nakatutok Ang baril sa ulo ng anak ko. Napalingon naman silang lahat sa akin at Kitang-kita ko Ang malademonyong ngisi sa mga labi ni Irwin habang puno naman ng pag-aalala na nakatingin sa akin si Ariel.




Napalunod naman ako sa nakita at sunod-sunod na nagsibagsakan Ang luha ko.



N-No, please wag Ang anak ko.




"Ohhh nandito na pala Ang magaling mong Ina" Sabi nito at hinigpitan Ang hawak sa anak ko kaya napaigik ito sa sakit. Aambang lalapitan ko Sana Siya ng mas idiniin niya Ang baril sa ulo ng anak ko kaya napahinto ako.


"Mama, ayaw ko po" Sabi ni Raina habang umiiyak. Para namang pinilipit ng gusto Ang puso ko sa sakit.



"Uwi na Tayo nak ha" pagpapakalma ko sa kanya.



"Uwi na po ako, bad po siya mama" sumbong nito kaya sinampal si Irwin.



"Tumahimik ka!" Galit na sigaw nito.





"You bastard! Don't hurt my daughter!" Galit na sigaw ni Ariel pero Hindi niya magawang lapitan si Raina sa takot na baka paputukin ni Irwin Ang baril sa ulo ng anak namin.


Ngumisi naman si Irwin. "Anak mo? HAHAHAHAHAHAHA. Ang kapal naman ng mukha mo para angkinin Ang anak KO" tumatawang Saad nito.




"Mas nagpakaama pa si Ariel kesa sayong hayop ka! Bitawan mo Ang anak ko!" Galit na sigaw ko sa kanya.

A: SAN MARINO Where stories live. Discover now