AV 16

5 2 0
                                    

Vrai POV



Matapos Ang pangyayaring yun ay naging abala kaming dalawa ni Ariel at pinaghandaan Ang maaaring Gawin sa amin ni Irwin. Pinaimbistigahan rin namin Siya kung bakit niya ako nilapitan ulit.



At nalaman naming nabaog pala ito at kailangan niya ng tagapagmana para mapasa sa kanya Ang kayamanan ng pamilya niya. Kaya pinahanap niya ako dahil ako lang Ang tanging babaeng nabuntis niya. At balak niyang kunin sa akin Ang anak ko para makuha Ang Pera ng pamilya niya.


Ng malamang ko yun ay labis lang akong nagpuyos sa Galit. Ang kapal ng mukha niya, pagkatapos ng lahat ay kukunin niya sa akin Ang anak ko ng ganon-ganon lang para sa sarili niyang interest!



Pagkatapos naming malamang Ang mga impormasyon tungkol sa kanya ay nag Plano kaming dalawa ni Ariel sa maaaring ibato sa amin ni Irwin.


Labis Ang pasasalamat ko at nandito sa tabi ko si Ariel at hindi ako pinabayaan sa labang ito.


Lumipas Ang tatlong buwan ngunit walang paramdam sa amin si Irwin na labis naming kinaalerto dahil maari itong nagpaplano ganya ng ginawa namin. Mas pinataasan pa namin ang pakikiramdam sa paligid namin.


Hindi narin Muna ako pumasok dahil ayokong iwan Ang anak ko.


Pero iba ngayong Araw na ito. Dahil nagyaya ng bonding Ang mga kaibigan namin. Hindi rin naman kami pwedeng tumanggi dahil matagal-tagal narin Ang huling bisita namin sa kanila.



Wala naman sigurong masamang mangyayari diba?



Ibinilin ulit namin si Raina Kay nay Mary at nagpaalam na bibisita lang sa kaibigan namin.


Pagkarating namin Doon ay naging tumpulan kami ng tukso. Nalaman kasi nilang nanliligaw sa akin si Ariel dati at sa Bahay na ito tumira Mula noon.



"Kumusta naman Ang buhay mag asawa brader Ariel?" Tanong ni Noah Kay Ariel at inakbayan ito.


"Masaya naman" sagot naman ni Ariel.

Loko to ah! Hindi pa naman kami kasal



Napasipol naman Ang iba kaya nag iwas ako ng tingin sa kanila dahil namumula ako sa hiya.



Nagkwekwentuhan kami ng biglang may tumawag sa akin.



Binundol naman ng Kaba Ang dibdib kk ng makitang si nanay Mary Ang tumatawag. Hindi naman kasi ugali ni nanay Ang tumawag Pag walang emergency kaya dali-dali ko itong sinagot. "Hello nay?"



"Rai hija? Pasensya na" paunang Sabi nito habang umiiyak kaya tuluyan na akong nalamon ng pag-aalala.


"Ano hong nangyari nay?" Nababahalang tanong ko na ikanalingon nilang lahat sa akin.

Mabilis namang tumayo si Ariel at lumapit sa akin para mag abang ng sasabihin ko.



"Hija si R-Raina kinuha ng mga lalaki, hindi ko sila mamukhaan d-dahil may t-takip Ang mga m-mukha nila. Hindi rin ako makapanlaban hija dahil may mga b-baril silang h-hawak" Saad sa akin ni nanay Mary na tuluyang nakapagpahina sa akin.


"S-Sige ho nay pa-papunta napo kami" Saad ko at pinatay Ang tawag. Nagsiunahan naman sa pagtulo Ang mga luha ko.


"Hon, what happened" nag-aalalang tanong ni Ariel. Halata rin sa mga Kasama namin na nag-aabang sila sa sasabihin ko.


"H-Hon, yung A-Anak na-natin. K-Kinuha ng mga hindi kilalang la-lalaki" sagot ko habang umiiyak. Walang tigil Ang pagtulo ng luha kk habang Siya naman at natigilan bago lumamig Ang expresyon ng mukha niya at kinuha Ang cellphone niya at may tinawagan.

"A-Anak?" Gulat na tanong ni Dakota kaya napalingon kami sa kanila. Hindi sila makapaniwalang nakatingin sa amin.


"May anak na kayo?" Tanong ni Noah.



Dahan-dahan namang akong tumango at lumuhod. "I'm sorry" usal ko nalang sa kanila na halata paring gulat sa nalaman.


"Sa susunod ko nalang ipapaliwanag. Babawi ako promise, ka-kailangan ko lang talaga umalis na. Nakidnap kasi Ang anak ko" paghihingi ko ulit sa kanila ng pasensya at tsaka sumama na Kay Ariel.  Agad naman silang sumunod at nag balak sa sumama sa amin.


Hinayaan ko nalang sila kaya sumakay na kami sa van na nakaparada sa labas ng Bahay.

A: SAN MARINO Where stories live. Discover now