AV 14

4 2 0
                                    

Vrai POV


Sabado ngayon kaya napagpasyahan naming tatlo Ang gumala na naman sa parke para magpahangin. Masaya kaming naglaro ng habulan at nag pagulong-gulong sa damuhan.

Kung ano-ano rin Ang mga binibili naming pagkain na matitipuhan namin. Hapon na ineenjoy lang namin ang paglubog ng araw habang nasa likod ko si Ariel at nakayakap Siya sa akin at si Raina naman na nasa kandungan ko.

"I love you" bulong ni Ariel.



"I love you too" sagot ko naman.


"I love you too mama ko, papa ko" Sabi naman ni Raina kaya napatawa kami.



Pagkatapos naming pinanood Ang Pag lubog ng Araw ay napagpasyahan naming kumain nalang sa labas dahil tinatamad Akong mag luto. Bumyahe pa kami Pag mag hanap ng karenderya o kaya naman Ang resto para makakain na.


Ng nakahanap na kami nag karenderya ay naupo na kami para makapag-order at kumain. Masayang kaming kumakain ng may biglang tumawag sa akin kaya napahinto ako.



Nanigas Ako sa kinauupuan ko ng mabosesan ko Ang nagsalita sa likod ko. Ramdam ko rin Ang panlalamig ng kamay ko ng dahan-dahan akong lumingon.


Para akong tatakasan ng hininga ng makita ko Ang lalaking lumaspastangan sa akin na masayang nakangiti sa akin. Naikuyom ko nalang ang kamao ko at kalmadong nag salita.



"Bakit?" Malamig na Sabi ko.



"Ikaw nga Yan Vrai! Walang kupas, Ang Ganda mo parin. Kumusta kana?" Masayang bati niya sa akin.





"Bakit ka nandito?" Tanong ko at binalewala Ang tanong niya.


"Ito naman parang walang pinagsamahan. Nagtatanong kung kumusta kana" Sabi niya at hinawakan ako sa balikat.


Nanindig naman Ang nga balahido ko dahil sa paghimas niya sa braso ko.


"Pre bitaw" singit ni Ariel na malamig Ang boses at masamang masama Ang expresyon dahil sa nakikita niya.



"Wag kang makialam Dito pre nag uusap kami" Sabi naman ni Irwin habang may ngiti.


"Panong hindi ako mangingialam eh binabastos mo yung girlfriend ko" Galit sa Saad nito.


"Hindi ko Siya binabastos pre, mashado ma naman" nakangiti paring Sabi ni Irwin at tatapikin Sana niya si Ariel ng tinabig niya ito.


"Don't touch me and get your filthy hands away from my girlfriend!" Nagpipigil na Sabi ni Ariel.


"Okay fine mashado ka namang high blood pre. Chill ka rin Pag mag time" natatawang Sabi nito at itinaas pa ang dalawang kamay.

Hindi ba marunong makiramdam Ang hayop nato? Halatang ayaw namin na nandito Siya.



"Mama" natatakot na Saad ni Raina na nasad tabi ko. Bahagya rin siyang nakatago sa kilid ko.


Napalingon naman si Irwin sa gilid ko at biglang mas lumawak pa ang ngiti niya. "May anak ka pala Vrai, hi, baby girl Anong pangalan mo?" Tanong niya kaya mas along sumiksik sa akin si Raina. kaya sinubukan ko rin siyang itago sa totoong tatay niya.


"Baby girl lika" malambing na Sabi nito na nagpagalit sa akin ng husto. Alam Kong peke Ang mga iyon dahil minsan narin akong nauto ng malambing niyang boses.


Napa-iyak naman si Raina dahil sa takot kaya tumayo Siya at tumakbo papunta Kay Ariel. "Papa" umiiyak na Sabi nito kaya niyakap ito ni Ariel at kinandong habang pinapatahan.



"Mag-usap Tayo vrai" seryosong utos ni Irwin sa akin. Nagdadalawang-isip naman akong napatingin Kay Ariel, halata sa mga mata nito Ang pagtututol. Kahit ako man ay ayaw Kong makipag-usap sa kanya.


"Vrai!" Sigaw nito kaya napaigtad ako at sumunod sa kanya

A: SAN MARINO Where stories live. Discover now