AV 12

5 2 0
                                    

Vrai POV



Maaga akong nagising para Sana mag luto pero may kumakatok sa pinto kaya binuksan ko ito. Bumungad sa akin Ang masayang Mukha ni Ariel habang may maletang dalan.


"Good morning hon" bati niya sa akin at hinalikan ako.


"Aalis ka? Saan ka pupunta?" Tanong ko Dito.


"Hindi ako aalis, mga gamit ko to, lilipat na ako sa Bahay mo" sagot nito kaya natigilan ako.


"Ano? Ang kapal naman talaga ng mukha mo no" angil ko Dito. Ngumuso naman Siya.

Ayan na naman Ang nguso niya. Mukha talagang isda


"Sige na kasi hon, gusto ko Dito na ako umuuwi ehhh, nandito Ang mag-ina ko" Sabi niya, inirapan ko naman Siya at Hindi na nagsalita.


Malawak naman siyang napangiti dahil alam niyang payag na ako. Inismiran ko nalang Siya at pinabayaang iakyat niya Ang mga gamit niya sa loob ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina para makapagluto na dahil alam ko maya-maya ay gising na si Raina.


At tama nga ako dahil pumasok sa kusina Ang dalawa nong malapit na akong matapos.


"Papa bat tagal niyo po kagabi?" Nakangusong Saad ng anak ko. "Antay po Kita, Ang tagal."



Jusko, at nahawa napo Ang anak namin. Nakikinguso narin.



"Sorry baby ahh, marami kasing nahuling fish si papa kagabi" paghingi nito ng paumanhin sa anak namin at tsaka ito hinalikan sa noo.


"Kakain na, maghugas kana Ron baby" Sabi ko habang inaayos Ang mga Plato at kubyertos.


"Opo mama"


"Yes hon"



Sabay na sagot ng dalawa. "Papa bat ka po sagot? Ako baby ni mama" sita niya sa ama.


Ngumuso naman si Ariel. "Baby rin ako ni mama eh"



"Di kana po baby, laki laki mo na eh" Sabi ni Raina kaya napatawa ako at pinanood silang sabay mag hugas ng kamay.



Pagkatapos naming kumain ay sabay kaming nag lakad papunta sa Bahay ni nay Mary para ibilin Ang anak namin dahil papasok na ako sa trabaho.


"Magandang Umaga nay" Saad ko dito at nakangiti.


"Nanay! Tingnan niyo po, gwapo po ng papa ko diba" pagyayabang naman ni Raina sa tatay niya. Gulat namang napatingin sa akin si nanay kaya nakangiti akong tumango.


Lumingon naman Siya sa tabi ko. "Aba Ang gwapo nga ng tatay mo Rai-rai. Kaya pala ganyan ka kaganda" komento nito at nanggigil na pinisil Ang pisngi ni Raina na tumawa lang.


Napasimangot naman ako. So pangit ako ganon?



Napatawa naman Ang katabi ko sa komento ni nanay kaya nihampas ko Siya. "Mauna napo kami nay, pakialagaan nalang po ng anak namin" Sabi nito at nag paalam na.


"Ako ng bahala sa cute na batang ito hijo. Kung gusto mo dagdagan nito pa, ako Ang bahalang mag alaga" magiliw na Saad nito kaya napangiwi ako.


Magiliw naman na sumagot si Ariel kaya kinurot ko ito." Sabi niyo po Yan nay ahhh, hayaan niyo po sisimulan napo namin–ahhhh!" Sagot nito pero napaungol ng kurutin ko ito.


Pagkatapos naming magpaalam ay dumiretso na ako sa pinagtatrabahoan ko at Siya naman ay papalaot ng maaga dahil nga sa sinabi ni Raina. Kaya ito Umaga palang papalaot na Siya para makauwi Siya mamayang Gabi.

A: SAN MARINO Where stories live. Discover now