AV 7

5 2 0
                                    

Vrai POV

Pareho kaming nakaupo ni Ariel sa kama at nakatingin lang Kay Raina.


"She's very beautiful" komento niya at bahagyang hinawakan Ang pisngi ng anak ko.


"Thanks" ngiting-ngiti Kong sagot dahil maganda naman talaga Ang anak ko kahit pangit Ang ama. Syempre sa akin nag mana Ang anak Kong maganda.


"Just like her mother" Saad nito at kinindatan pa talaga ako kaya nag I was ako ng tingin dahil nandoon na naman Ang parang paro-paro sa tiyan ko.



Magtigil kang malanding babae ka.


"Tsk" usal ko nalang, narinig ko naman Ang pagtawa nito kaya kinurot ko ito. "Umuwi ka na nga! Ano pa ba Ang ginagawa mo sa Bahay namin!" Kunwaring naiinis na usal ko.



Napanguso naman ito pero walang magawa ng itulak ko Siya palabas ng Bahay. "Babush!" Ani ko Dito at akmang isasara Ang pintuan ng magsalita Siya.


"Asan Ang goodnight at kiss ko?" Tanong niya at ngumuso.

Sinamaan ko naman Siya ng tingin. "Walang goodnight at kiss. Che!" Sabi ko Ang sinarado Ang pinto.


"Goodnight!" Sigaw ko.



"Goodnight hon, mwuah" rinig Kong Sabi nito.


Napailing nalang ako Ang ngingiti-ngiti habang papunta sa kwarto ko at natulog narin.





Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa katok sa labas ng pintuan ng Bahay namin. Kunot noo naman akong naglakad pababa at binuksan Ang pinto.


Napasimangot ako ng makitang si little mermaid ito na Ang laki ng ngiti kung makatingin sa akin. "Good morning hon!" Bati niya sa akin.


"Anong ginagawa mo rito?" Sabi ko at tinaasan niya ng kilay.


"Grabe ka naman hon, Hindi mo lang ba talaga ako papasukin? At tsaka asan na good morning ko?" Sabi nito at pumasok nalang bigla sa Bahay ko.



Ay wow, kagaling naman pala ng lalaking to.




"Bat Kaba kasi nandito? Alis!" Pagtataboy ko sa kanya pero Hindi ito nag patinag at talagang naglakad sa papasok sa kusina ko at naghalungkat.


Kunot noo ko naman siyang tinitigan. "Anong ginagawa mo?"


"Obvious ba? Malamang magluluto" sarkastikong Saad nito. Akmang babatuhin ko to ng may magsalita sa likod ko.


"Mama?" Saad nito kaya napalingon ako sa anak ko. "Good morning baby" Sabi ko at hinalikan siya.


"Good morning rin po mama ko" sagot nito at nagpakarga sa akin. Kinandong ko naman to kaming dalawa ay nakarahap sa lalaking nagluluto sa kusina.


Para kasi itong isda, Ang haba ng nguso habang nakaharap sa among dalawa. Ang sama rin nitong makatingin sa akin.


Anong kasalanan ko sa lalaking ito?



"What?" Tanong ko rin. Inirapan niya naman ako at nag patuloy sa pagluluto.



"Mama, sino po Siya?" Tanong nito at titig na titig Kay Ariel.


"Ahh, baby Siya si–" sagot ko pero pinutol ito ng kumag at Siya Ang sumagot.



"Papa, ako Ang papa mo baby Raina" malambing na sagot nito.


Nagliwanag naman Ang Mukha ng anak ko. "Talaga po, papa ko Po Ikaw?"



"Oo naman, tignan mo pareho Tayo ng mata" sagot naman ni Ariel. Kaya napatingin ako sa anak ko pabalik Kay little mermaid.



Pabalik-balik lang Ang tingin ko sa kanila.




Hala oo nga. Hayop! Panong nangyari yun?



Bukod sa mata nito ay namana na ni Raina Ang lahat sa akin. The hell?

A: SAN MARINO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon