AV 4

5 2 0
                                    

Vrai POV

Sumabay sa akin sa paglalakad si Ariel at nagsalita. "Ako na, mukhang nabibigatan kana" Saad nito sa akin na Hindi ko naman tinanggihan dahil Ang bigat niya na talaga.

Hindi gaya nong sanggol pa Siya na kahit magdamag Kong karga ay ayos lang. Talagang Malaki na Ang anak ko, hindi ko na matagalan Ang pagkarga sa kanya.

Kihuha ko nalang sa kanya Ang supot na dala niya para Hindi siya mahirapan sa pagkarga niya sa bata at tamihik lang kaming naglalakad patungo sa Bahay namin.

Nang makarating kami sa Bahay ay pinapasok ko Siya at ginayak patungo sa kwarto namin para maihiga niya na sa kama Ang anak ko. Kinumutan mk Muna ito at hinalikan sa noo bago ko niyaya si Ariel sa sala.

"Salamat pala sa pagtulong mo pati narin sa isda" pagbabasak ko ng katahimikan.


Tumango naman Siya at bahagyang ngumiti sa akin. Napatalon naman Ang puso ko kaya bago pa ako mamula ng tuluyan ay nag lakad na ako papunta sa kusina.

Bat parang somobra naman yata Ang gwapo ng little mermaid nayon kapag nakangiti?

"D-Dito ka nalang mag hapunan" Saad ko rito at napapikit ng bahagya pa akong pumiyok.

"Sige" Saad nito at naupo na. Nilagay ko muna Ang isda sa ref namin at kumuha na ng mga pinggan para makapagsimula na kaming kumain.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng mag tanong siya kaya natigilan ako." Kapatid mo?"

Nagdadalawang-isip man ay napabuntong-hiningan nalang ako at sinabi ko nalang ang totoo. Wala namang Punto kung magsisinungali pa ako sa kanya, ayoko ng dagdagan Ang mga kasalanan ko.

"A-Anak ko" mahinang sagot ko pero alam ko namang narinig niya ako.

Nakita ko siyang natigilan at naibaba Ang kanyang kutsara at gulat na nakatitig sa akin. Namayani Ang katahimikan sa aming dalawa, ilang sandali pa ay nagpasya siyang basagin iyon.

"A-Anak?" Ulit nito kaya tumango ato at napayuko nalang.

"S-S" bahagya pa siyang napaubo na tila may bumara sa lalamunan niya bago nag patuloy. "S-Sinong a-ama niya?" Tanong nito kaya napakuyom Ang mga kamay ko.

Mukhang nahalata naman niya ito kaya nagsalita ulit Siya. "Kung hindi ka komportable ay okay lang. W-Wag mo nalang akong sagutin" Saad nito.

Napatingin naman ako sa kanya at nagsalita. "Mamaya ko na ikwekwento, magpatuloy nalang Muna Tayo sa pagkain. Baka kasi mawalan ka ng gana" sagot ko at maliit na ngumiti.

Tumango naman Siya kaya tahimik lang kaming nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos ay nagpresenta siyang Siya na Ang mag huhugas ng mga pinggan kaya bahagya pa kaming nagtalo.

Syempre, nakakahiya kung Ang bisita ko pa Ang maghuhugas ng mga pinagkainan namin. May hiya pa naman ako.

Kalaunan ay kaming dalawa nalang ang naghugas ng mga pinggan dahil ni-isa sa amin ay ayaw magpatalo. 

Nangmatapos kami ay siniguro ko munang natakpan ko Ng maayos Ang pagkain, para sa anak Kong nakatulog ng walang kain. Baka kasi maghanap mamaya.

Sabay naman kaming naglakad papunta sa sala at naupo. Pinakiramdaman ko naman Ang kapaligiran na tanging hampas lang ng alon Ang maririnig.

A: SAN MARINO Where stories live. Discover now