AV 2

10 2 0
                                    

Vrai POV

Habang naglalakad pauwi ay nadaan ko Ang magkakaibigang banal na dumadaong na. Tapos na yata sila sa pangingisda sa Araw na iyon.

Naisipan ko namang bumili ng isda dahil ubos na Ang isda sa Bahay namin. Para narin namang ay matulungan ko kahit papaano Ang magkakaibigang banal sa unang Araw nila sa pangingisda. At isa pa, mura kung sa mismong mangingisda mo binilhin Ang mga isda, tsaka presko pa ang mga ito.

Naglakad ako papalapit sa kanila habang karga Ang anak Kong nakatulog na ata sa aking mga bisig. Kasabay ko sa paglalakad Ang mga asawa ng mga mangingisda na papalapit sa kanilang mga asawa dala Ang mga kanya-kanya nilang timba.

Pagkalapit ko sa kanila ay agad-agad namang nag unahan Ang mga babae sa pagkuha ng isda kaya bahagya akong napaatras. Matutumba na sana ako kung Hindi lang ako nasalo ng isang lalaki. Napalingon ako sa kanya at nagulat ng makitang si Ariel pala ito.

Si little mermaid!

"S-Salamat" mahinang Saad ko at tsaka lumapit sa isang mangingisda.

"Tay, magkano po Ang isda niyo?" Napalingon naman ito sa akin.

"Nako hija pasensya kana Ang huli kasi namin ngayong Araw ay para lang sa mga asawa namin, medyo natagalan kasi kaming pumalaot kaya konti lang Ang huli namin" palinawag nito.

Napatango naman ako. "Ahh ganon po ba, salamat po"

"Bibili ka pala hija, kala ko kasi ay inaantay mo Ang iyong asawa para sa huli nito" dagdag na Saad nito.

Nanlaki naman Ang mga mata ko. "Po? Hindi po, wala pa po akong asawa" nahihiyang Saad ko.

"Ganon ba? Kala ko ay isa Ang asawa mo sa mga gwapong binata na sumabay sa amin ngayon" nakangiti nitong Turan.

"Nako po, mali po kayo. Wala akong asawa sa isa sa kanila. Mga kaibigan ko po sila" nahihiya at mabilis na tangi ko.

"Kala ko pa naman ay asawa mo yung lalaking may pulang buhok. Bagay Kayo hija" tukso nito sa akin na napagpainit ng pisngi ko.

"Ikaw talaga Rupert! Wag mo na tuksuhin Ang bata! Kita mo nang namumula na sa kilig oh" singit ng ginang na tingin ko ay asawa ng tinawag nitong Rupert. Sabay naman silang napatawa kaya napayuko nalang ako.

Bumaling naman si mang Rupert sa mga banal at nag salita. "Kanino niyo ilaalay Ang mga isdang dala niyo?" Tanong nito sa kanila.

Naguguluhan namang napatingin Ang mga ito Kay mang Rupert. "Iaalay? Bakit po?" Tanong ni Luke.

"Hindi niyo ba alam? Ang mga isdang nahuhuli ng mga mangingisda ay dapat iaalay sa kanila mga partner. At yung sobra naman ay yun yung ititinda sa palengke" paliwanag nito sa magkakaibigan.

"Ganon pala yun. Damn! Kanino ko ibibigay to." Saad ni Noah.

"I'm giving this to my wife" Saad ni Barnabas at nauna ng maglakad papauwi sa kanila. Naiwan naman Ang magkakaibigan na nakasimangot.

"EDI SANAOL MAY ASAWA HA! SANAOL NALANG BARNABAS!" Sigaw nilang apat. Pero nakatanggap lang sila ng middle finger galing Kay Barnabas kaya napatawa nalang kaming lahat dito.

Nagsimula nalang akong mag lakad pauwi dahil hindi naman pala ibebenta Ang mga isda ng may pumigil sa akin kaya lumingon ako Dito at Nakita Kong si Ariel ito. Naguguluhan ko naman siyang tinignan.

A: SAN MARINO Where stories live. Discover now