Chapter 19 - Drunk

Start from the beginning
                                    

"Hmm. She's weird. Nagulat din ako when she told me na ako na ang bago mong mentor. Though, gusto ko talaga." sambit niya at saka ako kinindatan.

Miss Lavinia's intelligent too. Magaling din siya magturo at hindi gaanong strikto. Hindi din ako nahihiyang magtanong sa kanya sa ibang bagay na hindi ko masyadong maintindihan.

"Sumabay ka na sakin. Ihahatid na kita sa inyo." aya niya.

"Naku, hindi na po Miss. May dadaanan pa po kasi ako sa bookstore. At saka, out of the way po yung inyo sa kung saan ako tumutuloy. Nakakahiya po kung babalik pa kayo." sagot ko.

"It's fine, ano ka ba. Pero kung may iba kang lakad, mauuna na ako sa'yo." she said at saka nag beso sa akin. "Take care, dear."

Lumabas na siya ng pinto at ako naman ay nagligpit na sa lamesa. Sa office niya kami nagrereview pero madalas kapag nauuna siyang umuuwi ay ako na ang kusang nagsasara ng pinto. May passcode din ito kaya walang ibang makakapasok.

Ipinapatong ko sa shelf and tatlong librong gamit namin nang may marinig akong pumasok. When I turned back, nakita ko si Miss Vergara na may hawak na mga papel.

Kinakabahan ako sa presensiya na kaya nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko. Dapat ay tatlo lang ang ipapatong ko pero naisali ko ang lima pang sunod na libro dahil hindi ako mapakali.

"Where's Lavinia?" tanong niya kaya bumaling ako sa kanya.

"Po?"

"Where is Lavinia?" tanong niyang muli.

"K-kaka-alis lang po few minutes before you arrived." sagot ko sa kanya.

"Hmm. She left you here alone?" tanong niya nang nakataas ang kilay.

"Inalok niya po ako na sumabay na pauwi pero...may bibilhin pa po ako after ko magligpit." sagot ko at bahagyang napahinto dahil sa paglapit niya.

"Sige. Give this to her tomorrow." sambit niya at iniabot and papel na hawak niya sa akin.

"Sige po, Miss."

Kinuha ko 'yon at ipinatong sa desk ni Miss Lavinia. Akala ko ay aalis na siya pero nanatili lang siyang nakatitig sa akin.

"Kumusta ang review niyo?" tanong niya at saka umupo sa couch na malapit.

"Ayos naman po." sagot ko.

"Aren't you happy? You like her, 'di ba?" she said with a mocking tone.

Hindi ako sumagot at yumuko nalang. Baka kung ano na naman ang isipin niya sa akin. For sure she'll come up with another assumption na nakikipagharutan ako kay Miss Lavinia kagaya ng inisip niya sa amin ni Devin.

"Come on, tell me. I know you're happy to finally get rid of me." sambit niyang muli.

I don't know what to feel with what she said. Get rid of her? As if I had a choice. Pinagdesisyonan niya ang lahat. She's the one who got rid of me.
Gusto ko na siyang umalis pero parang wala siyang balak pa.

"Are you just gonna stand there?  Defend yourself. I wanna hear you lie again."

Her words broke me. Puro nalang pag-aakusa ang alam niyang sabihin sa akin.

Chasing StarsWhere stories live. Discover now