Hala, sige. Suyuan malala.

Bumaling ng tingin si Miss Costales sa kaibigan, "Is Fabrizia not here yet?"

"Aba malay ko! Hindi ko hawak katawan non!" Medyo may pagkainis na sabi ni Miss Gomez dito na nagpanganga sa isa pang CPA.

"Nagtatanong lang ako? Why the fuck are you mad?" Gulat na sambit ni Miss Costales. Inirapan lang ito ni Miss Gomez that let out an unbelievable scoffed on professor's mouth.

"Unbelievable— ang lala ng anger issues ng mga tao ngayon—"

"Ano?" Si Felicity na masama pa rin ang timpla ng mukha habang nakatingin ng masama sa guro.

"Wala po." Parang tuta na sambit nito at nanahimik na. Saglit pa nito kinurot ang kaibigan and that's when they started to bicker like a child pero tahimik lang.

Maya maya lang din ay nagdatingan na ang mga saglit lang namin inantay. Kaniya kaniya silang dala dala ng bag habang gina-guide kami ni Miss Gomez papunta daw doon sa rest house ni Miss Ferrucci.

Ine-expect ko lang ay 'yung normal na rest house lang sa Batangas but no. Mas malaki pa ata 'to sa bahay nila Felicity na napuntahan ko at mas masyadong sosyal. Mukhang may caretaker ang bahay nito dahil makikita na sobrang linis at napakaganda ng mga halaman na nakalagay dito sa paligid ng rest house.

Sa huli ay binigay na rin ni Miss Gomez ang susi kada room. Eventually, magka-room kami ni Sidra dahil sinabi din nito sa akin kanina na ni-request niya iyon sa professor, na pinahintulutan agad nito.

Pagkapasok nito sa room ay agad itong ngumiti ng pagod sa akin bago ako dinamba ng yakap, na nagpahiga sa amin sa kama with her on top of me.

"Gosh, Sidra," I grunted dahil sa bigat nito but eventually hug her. God, I miss her so much.

Natawa ito sa aking pagdurusa dahil sa bigat niya bago ako pugpugin ng halik sa mukha. Natatawa na iniiwas ko naman ang mukha ko dito pero hindi ko magawa dahil nga nakadagan ito sa akin.

I just giggled nonstop hanggang sa siya na lang din ang napagod.

Nilagay nito ang mukha sa aking leeg hanggang sa maramdaman ko ang mabigat na paghinga nito. Nagtataka kong tinangka na itaas ang mukha niya bago mapagtanto na natutulog na siya.

"Sidra?" Niyugyog ko ang balikat nito, "Baby, let's eat first." Bulong ko kaya mabilis pa ito sa alas kwatrong bumangon at nakangiti akong hinila para makatayo.

"Okay!" Masigla na sigaw nito kaya nakangiti pero nagtataka na tiningnan ko ito. What made her so happy?

Inilapit nito ang mukha sa aking tenga to whisper something, "What are we going to eat?" Her voice is kinda low, which made me slightly blush because of it.

"'Di ko alam. Kaya nga tayo bababa," irap ko kahit na namumula na ang aking mukha dahil sa binibigay nitong tingin sa akin.

She smirked seeing my current state kaya sinamaan ko ito ng tingin bago suntukin ang dibdib niya that made her slightly winced. Na-guilty naman ako sa aking ginawa pero naman kasi e! Kasalanan niya rin 'yan, bahala siya diyan.

Pagkalabas ko ng kwarto ay naramdaman ko ang paglagay nito ng braso sa aking balikat bago muling ilapit ang bibig sa aking tenga.

"I prefer to eat something else, though."

Dahil sa sinabi nito ay nasiko ko na ito sa tiyan kaya natatawa na hinawakan nito ang parte kung saan ko siya siniko. Naiinis na ako ha!

Namumula ang mukha na hinarap ko ito. She was just looking at me in amusement habang magkakrus ang mga braso. Para bang isa akong comedy show dahil sa binibigay na tingin nito. She was laughing at me.

Wild Heart (Eastwood University Series #2) ✔️Where stories live. Discover now