Chapter 4

2K 113 15
                                    

NANG MATAPOS niya ang pagiging student teacher intern, she already heard some news about the handsome teacher. And it turns out na dalawa pala ang inspirasyon ng mga high school students nila sa school.

"And they're both… tsismoso." Khaila sighed.

But the other one is gorgeous, and she's ready to make an exemption. Khaila mentally rolled her eyes with that thought.

She met a lot of people. Work with different male models. Huba't baro pa ang mga ito and she found them… normal. Kahit na naglalakihan na ang mga katawan ng mga ito sa pag-gym.

Hindi niya makuha na magustuhan ang mga ito. They've been trying to pursue her but her walls were too high for them climb. Idagdag pa na may dadaanan munang tinik ang mga ito. At hindi biro ang mga tinik na 'yon.

They were all willing to kill someone who attempted to climb her walls.

"Napagod ka ba?" malambing na tanong sa kanya ng Tita Krizzia niya nang makita siya nito.

"Hindi naman po," sagot niya.

She has her own table now, sa high school faculty. Hawak pa rin naman niya ang mga chikiting sa elementary, pero kagaya ng plano nila, unti-unti na nilang sinasanay ang mga ito na wala siya.

And it seems like, wala naman problema sa mga teacher na kasama niya sa elementary.

Napatanag din ang isip niya dahil wala na siyang narinig mula sa mga kasama niya. Dahil kilala siya ng mga teachers sa secondary. She may be using her mother's surname back when she's still single, but they still knew that she's a Miller too.

Napatingin siya sa pintuan nang lumikha 'yon ng tunog. Nag-iwas din siya agad ng tingin nang makita ang dalawang lalaki na pumasok. The other one was making her heart race and the other one, well, his face was pissing her off.

Atticus' face was new to her eyes. His skin was fair, his eyes looked sharp as if he's glaring. Atticus is tall and has a tough, lean and not so muscular body type. May muscle pero hindi ganoong halata. Makapal ang mga kilay nito at matangos ang ilong. Pretty common, but still new to her eyes.

His presence was measuring her confidence. But she wasn't affected. Even just a bit.

Khaila built herself ever since she was a kid. Hindi 'yon basta-basta lang matitibag.

"Good afternoon…"

Tumayo agad siya nang pumasok ang kapatid niya. She's wearing a black shirt, jeans and a cap. Halata na nagtatago na naman ito.

Nagmano ang kapatid niya sa mga teacher na nasa loob ng faculty, maliban sa dalawang lalaki. Sumulyap siya sa lalaking guro na nagsabi na kagwapuhan lang ang ambag nito. He was staring at her sister too much. He probably seen her latest photo.

Pagkatapos nitong magmano, agad itong pumunta sa kanya at mahigpit siyang niyakap.

"I'm here to pick you up!"

Inayos niya ang suot na kupya nito. "Are you hiding again?"

"Uy, hindi ah! Don't worry, wala nang susunod na paparazzi sa akin." Tumaas baba ang mga kilay nito. Tally tugged her chin up and playfully said, "Baka kapag nakita ka, bumaba ulit ang ratings ko."

"Shhh!" Khaila shushed her.

"I'm just telling the truth, Ate." She sounded so bitter, but she was smiling brightly at her.

"Ano ang gusto mo? Wala pa akong sahod pero may pera naman ako."

Tally winked at her and immediately picked her bag up. Hindi man lang nila nagawang magpaalam dahil sa pagmamadali ng kapatid niya.

Irresistible PulchritudeWhere stories live. Discover now