"Ang ibig kong sabihin, gaya ng sinabi ko ay papagalitan ako ni daddy kapag nalaman niyang umalis ka o pinaalis kita sa bahay kaya doon kana tumira." Paliwanag ko.

"Sigurado ka?"

"Oo pero sa isang kondisyon. Walang ibang makakaalam na magkasama tayo sa iisang bahay."

"Oo nga pala! Nawala sa isip ko. Siguradong papipyestahan na naman tayo sa campus kapag nalaman nila." Sabi ni Kendric.

"Kaya dapat ilihim natin ito. Hindi natin pwedeng sabihin kahit kanino. Kahit sa mga close friends natin."

"Deal!"

Natahimik kami pareho. Para kasing wala na kaming pwede pang pag-usapan. Nagkunwari akong may tinitingnan sa cellphone kahit wala naman. Si Kendric naman ay inililibot ang paningin sa loob ng café. Maya-maya ay dumating na ang order naming pagkain at nagsimula na kaming kumain.

"Curious lang talaga ako. Bakit Carl ang tawag ko saiyo?" Tanong ni Kendric sa akin.

"Natanong mo na sa akin kanina yan."

"Pero hindi mo naman sinagot."

"Sinagot ko."

"Hindi. Sabi mo, isipin ko kung bakit Carl ang tawag ko saiyo."

"Kaya nga. Iyon ang sagot ko. Ikaw ang maghanap ng sagot sa tanong mo." Sabi ko.

"Bakit pa kasi gusto mo pa akong mag-isip? Pwede mo naman sabihin na sa akin."

"Bakit kasi hindi mo maalala?" Tanong ko.

"Mga bata pa kasi tayo ng time na iyon kaya nakalimutan ko na."

"Bakit ako naaalala ko eh isang taon lang naman ang tanda ko saiyo."

"Edi ikaw na." Sabi ni Kendric habang kumakain.

"Ano lang ba ang naaalala mo noong mga bata pa tayo?"

"Wala masyado. Naaalala ko lang na nangunguha tayo ng bunga ng santol dati. Maliban doon, malabo na ang lahat."

"So, yun lang pala naaalala mo." Sabi ko. Mukhang hindi niya naaalala na nahulog siya sa puno ng santol at nasugatan naman ako.

"Oo."

Pagkatapos naming kumain ay tinawag ko na ang waiter para sa bill.

"Ako na ang magbabayad ng lahat." Presenta ni Kendric.

"Okay. Hindi ako tatanggi." Sabi ko sabay tayo.

"Saan ka pupunta?"

"Mauna na ako sa sasakyan. Sumunod ka nalang pagkatapos mong bayaran ang bill."

Nauna na nga ako sa sasakyan at hindi nagtagal ay sumunod nadin si Kendric. Pagkatapos sa café ay bumalik na kami sa condo.

"Ang ganda naman nitong place mo." Ang sabi ni Kendric ng makapasok kami sa unit ko.

"Doon ang kwarto mo." Sabi ko sabay turo sa isang kwarto.

"Salamat."

"Iyan naman ang sa akin." Sunod ko na sabi habang tinuturo ang katabing kwarto.

"Magkatabi ang mga kwarto natin?" Tanong ni Kendric.

"Oo pero paalala lang. May katabi akong pamalo habang natutulog kaya huwag mo akong gagapangin."

"Ikaw gagapangin ko? You wish!"

"Oo nga pala, may mga dagdag pa akong mga kondisyon bukod doon sa sinabi ko kaninang dapat walang ibang makaalam na dito ka nakatira."

"Ano?" Tanong ni Kendric.

"Since dalawa na tayo ditong nakatira, magsasalitan tayo sa paglilinis ng mga common areas. Maliit lang naman ito kaya madali lang linisin. Sa mga kwarto naman, kanya-kanya tayo ng linis. Linisin mo ang kwarto mo at lilinisin ko din ang sa akin. Ayaw ko kasing may ibang nakakapasok sa room ko."

"May tinatago kaba sa room mo kaya ayaw mong may makapasok?" Nakangiting tanong ni Kendric.

"Oo marami kaya kapag may nawala, ikaw ang paghihinlaan ko." Sarcastic kong sagot.

"Gaya ng ano? May mga x-rated magazines ka siguro ano?"

Napatingin ako sa kanya na parang nandidiri sabay sabi ng "Sa dinami-raming pwedeng maisip, iyon talaga? X-rated na magazines? Wala akong ganun!"

"Sus! Kunwari kapa."

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Anyway, nasanay akong mag-isa lang dito kaya ayaw ko ng maingay at magulo. So please lang. Behave. Bibigyan din kita ng sarili mong susi para kung sakaling maisipan mong gumimik at umuwi ng madaling-araw ay hindi mo na kailangan pang gisingin ako para pagbuksan ka. Ayaw ko kasing nadidisturb sa pagtulog."

"Okay."

"May mga gamit ako sa kusina na pwede mo ding gamitin. Kung gusto mong kumain, magluto ka. Kanya-kanya tayo. Bumuli ka ng sarili mong supplies at bibili din ako ng sarili ko."

"Pati tubig na pang-inom?"

"Pwede namang share na tayo sa tubig pang-inom. Nagpapadeliver lang naman ako kapag naubusan. Sabihan nalang ang guard sa baba tapos siya na ang tatawag sa refilling station."

"Paano pala iyong mga bill? Kuryente, tubig. Magbabayad paba ako ng rent?"

"Sa bahay, hindi mo na kailangang magbayad ng renta. Kay daddy naman ang unit na ito at siya naman ang nagpatira saiyo. Sa tubig at kuryente, si daddy din naman ang nagbibigay pambayad para doon kaya huwag nadin siguro."

"Sigurado ka?" Tanong ni Kendric.

"Bakit gusto mong ikaw magbayad?"

"Magbibigay nalang ako ng share para hindi nakakahiya."

"Ikaw ang bahala."

"May iba kapa bang kondisyon?"

Wala na akong maisip kaya sinabi ko ang "Sa ngayon iyon lang muna. Ikaw ba may gusto kang kondisyon?"

"Wala pa akong maisip. Sabihan nalang kita."

"Okay. Ayusin mo na ang mga gamit mo."

Iniwan ko si Kendric at pumasok na ako sa aking kwarto. Sana maging ayos lang ang lahat. Sana hindi mas maging komplikado ang sitwasyon ngayong magkasama na kaming dalawa sa iisang bahay.

A THIN LINE BETWEEN LOVE AND HATEWhere stories live. Discover now