Another night came. Kung wala ang anak ko ngayon, baka tulala na naman ako at malayo ang iniisip. Sa loob ng tatlong lingo't mahigit, mas napalapit ako sa anak ko. Nagawa ko ang mga bagay na gusto kong magawa sa kaniya bilang isang ina. Makasama siya sa pagtulog. Mapaliguan. Mabihisan. Makakwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay.

After he confronted me whether I'm going to stay with him, he became cold. But after a day, sumungaw ang mukha niya sa pintuan at nanghingi ng pasensya sa pagiging hindi maunawain. My son... he's so pure. That even I'm the one who have a lot to prove to him, he is still lowering his pride for me. Mas napagtatanto kong hindi ako dapat maging makasarili at hilingin na sa akin na lang siya. Tarian deserve a family and I know, Troi could give it to him.

My son became my daily dose of sanity and I never forget to thank Lord that he made my son like this. Someone who will understand me no matter what I did.

"Mommy, how about this? Do you like this color?" he asked while doing a DIY bracelet for the both of us.

It's one in the afternoon and he's energetic. I smiled and nodded at him.

"Of course, anak. The green color is relaxing and a refreshment. You can do that color for me."

Mabilis niyang kinalat ang maliliit na piraso ng panggawa ng porselas. May gumulong doon na isa kaya tumayo ako para kuhanin iyon. Nakakalakad naman na ako pero umiika-ika pa rin nang kaunti. That's an improvement, tho. Dr. Esguerra came here to pay me a visit. Sinabihan ako nito na mabilis na naghilom ang sugat dahil hindi ito napupuwersa at ilang araw pa ay tuluyan na akong makakalakad nang maayos.

Wala akong alam na nagpatawag pa si Troi ng personal at special meeting with me. So far, ang sabi sa akin ni Angie, ang kasambahay na palagi akong tinutulungan, si Dr. Esguerra pa lamang daw ang pangalawang nakatutuntong sa bahay na 'to bukod sa akin. And Dr. Esguerra is also a relative of Troi's mother.

Wala namang kaso sa akin iyon at hindi naman ako nakakaramdam ng kung ano sa kanilang dalawa. Like what I said, Troi and I is just civil towards each other. Tinutulungan niya ako marahil ay dahil paraan niya na rin ito para makabawi sa mga nagawa niya. As a person who already forgave him, I am accepting his help. We're just here as a friend. I can't offer anything.

"Mommy, done!"

Iyon ang nakakuha ng atensyon ko mula sa pagliliwaliw sa mga isipin. Nakangiti kong binalingan si Tarian bago dumapo ang tingin ko sa kaniyang hawak. He took my wrist and he put the bracelet on it. Saktong-sakto agad iyon sa akin.

My skin looks good with the color.

"Wow! It looks amazing..." I mumbled. I left a peck of kiss on his forehead. Tinanggap niya iyon habang humahagikgik.

"Thank you, baby," I sincerely muttered.

Troi isn't here. May meeting sila with the board members kaya kampante ako na hindi kami mahuhuli. Up until now, Troi doesn't know that Tarian and I were closed. Tarian haven't inform him too about the truth that he can speak.

Minsan ay nakaka-guilty na rin. Sa tingin ko kasi, ang maipaalam sa kaniya na tanggap ko at mahal ko ang anak namin ay ang siyang tanging paraan ko para maibalik ang kabutihan niya. However, my brilliant mind cannot also take it if ever he conclude that I only like and love Tarian because he showed me generosity.

Sa dami ng iniisip ko, hindi na rin yata nagpa-function nang ayos ang utak ko. Miski ako ay hindi na rin maunawaan ang sarili. I'm thankful that Tarian is here. Mas matagal ang bonding namin ngayon kumpara sa mga nakakaraang lingo. Palagi kasi noong umuuwi nang maaga si Troi to check on me. Ngayon ay diretso nitong sinabi na gagabihin siya ng uwi.

Del Rico Triplets #2: Retracing The StepsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin