CHAPTER 17

381K 9.8K 821
                                    

FRITS'S P.O.V.

Hindi ko alam kung bakit dinala ako ng mga paa ko sa bahay nila Ally. Inihinto ko ang kotse ko isang bahay bago makarating sa Mansyon ng mga Ramirez, pababa na sana ako ng may dumaan na kotse sa harap ko at nakita ko do'n na sakay si Ally, kung kaya't hindi na lang ako bumaba ng kotse.

"Oh, nandito na tayo sa bahay niyo Ally." sabi ng lalaking si Zyrus.

Bumaba ng kotse si Ally. "Salamat sa paghatid, buti na lang malakas ka kay Mommy, kung hindi sigurado nagbuga na naman sa'kin iyon ng apoy kapag ganitong oras ako umuwi ng bahay."

"Kapag kasama mo ang poging si Zyrus, hindi ka mapapagalitan ng Mommy mo."

"Ang hangin Grabe! ang Yabang. Walang pagbabago. Aish!"

"Ha-ha-ha! I'm just telling the truth."

"Okay! Okay! Sige na, pogi ka na. Papasok na ako sa loob."

"Saglit lang, Ally!" Lumapit si Zyrus kay Ally.

Huminto naman si Ally, at tinaasan niya ng kilay si Zyrus. " Bakit?"

Kinuha ni Zyrus ang panyo niya sa loob ng bulsa niya at pinunas sa mukha ni Ally. "May tae ka sa mukha."

"Ha? Ano, pakiulit nga?"

"Sabi ko may TAE ka sa mukha
Ayan pinunasan ko na. Ang BAHO nga eh, Kadiri!" Sagot ni Zyrus

"Yuck! Paano ako nagkaroon niyan." Nagmadali siyang binuksan ang bag niya upang kunin ang alcohol at salamin, pinunasan niya ang mukha niya.

"Wala na ba Zyrus?" Nahihiyang tanong ni Ally.

"Oo, wala na. Hindi pala iyon tae Maliit na dahon lang na dumikit." Simpleng sagot ni Zyrus.

"Ano? Dahon lang! Bwiset ka! talaga panot ka!" Pinaghahampas niya si Zyrus.

"Ha-ha-ha! Ally tama na!"

"Bwiset ka! Bwiset ka!" Gigil niyang sabi kay Zyrus.

Tumakbo si Zyrus sa loob ng Mansyon nila Ally, " bumalik ka ditong panot ka!" Sigaw ni Ally kay Zyrus.

"Ha-ha-ha! Bye, una na ako. Susumbong kita kay Tita Luisa."

Rinig na rinig ko ang mga pinag-uusapan nila. Para kasi sila lang ang tao sa paligid kung mag-usap akala mo taga bundok ang lalakas ng boses. Psh! Gigil na gigil ako habang pinagmamasdan ko ang dalawa. Kanina ko pa gustong lumabas ng kotse para magpakita sa kanila. Pinipigilan ko lang ang sarili ko. dahil naisip ko kung ano naman ang idadahilan ko. Napansin kong nakasuot pa rin ng uniform si Ally, ibig sabihin simula kanina pa sila magkasama.

"Tss! Malandi ka Allyson! Nakalimutan mo na agad na may boyfriend ka!" Bulong ko.

Mas lalo akong nakaramdam ng galit nang makita kong pumasok ang lalaki sa loob ng bahay nila Ally. Kung pwede nga lang sundan sa loob sila. Grr!

Hindi ko na hinintay na lumabas ang lalaking si Zyrus. Dahil pinaharurut ko na ng kotse ko patungo sa Bar na pag-aari nila Drek Andrew.

Agad kong nakita ang mga kaibigan ko sa loob ng Bar.

"Oh, saan ka galing Frits?" Tanong ni Drek.

Agad akong umupo at kumuha ng Alak. "Wala ako sa mood. Dont talk to me."

"Fine!"sagot ni Drek.

Hinayaan ako ng mga kaibigan kong mag-inom sa isang tabi. Hindi ako nakikisali sa mga pinag-uusapan nila.

"Hi, Frits!" Bati sa'kin ng babae. Nakatayo siya sa harap ko pero hindi ko siya pinansin.

"Gusto mo ba ng makakausap?" tanong muli niya sa'kin.

Tinapunan ko siya ng masamang tingin bago ko muling tinuon ng pansin ko sa bote ng Alak na hawak ko. Lumapit ang babae sa'kin. Kung tutuusin. Maganda ito at maputi. Iyon nga lang halatang malandi.

Ilang segundo pa ang lumipas. lumapit sa'min ang mga kasama nito. "Guys! Pwede bang dito na lang kami sa table niyo? Ako nga pala si Sabrina."sabi ng babae.

"Ah... Sorry guys! Hindi pwede eh, madami pa namang bakanteng table diyan!" Sagot ni Drek.

"Pero gusto namin dito sa inyo maki-join. Di ba? guys!" Tanong pa niya sa mga kasama niya.

"I'm sorry guys! Pero hindi kasi pwede!" Sagot uli Drek.

"Hey! Di ba? ikaw si Frits Santiago? Ang boyfriend ni Allyson Ramirez? Right!" Sabad ng lalaking kasama ng babae.

Nilingon ko sandali ang lalaking kasama ng babaing si Sabrina. Pagkuway muli kong tinuon ang pansin ko sa ini-inom ko. Ayokong makipag-usap sa kahit kanino ang gusto ko lang magpakalasing ngayong gabi.

"I heard, si Allyson Ramirez daw girlfriend ng lahat. Totoo ba iyon?" nakangising sabi ng lalaki.

"Ahh... Guys! sige na, umalis na kayo." Pagtataboy ni Drek.

Nararamdaman niya kasi na magkakaroon ng hulo sa pagitan ng mga lalaking kasama ni Sabrina at sa'kin.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo?" Mariing sabi ko.

"Allyson Ramirez is a flirt and whore girl."

Mas lalong uminit ang ulo ko sa narinig kong pambabastos niya kay Ally. Tumayo ako at dinampot ko ang bote ng Alak sa harapan ko. At gigil kong hinampas sa lalaking ng insulto kay Ally.

"Aaayyyy!" Sigaw ng mga kasama nitong babae.

Tumulong ang dalawang kasama nito, para pagtulungan ako, pero hindi naman nila nagawang bugbugin ako dahil tumulong din sila Troy sa'kin, hanggang sa nagkagulo na sa loob ng Bar, nasira ang ibang mga gamit sa bar, at bago pa dumating ang mga A-awat sa'min basag na ang mga mukha ng tatlong lalaki.

"Fuck! Look what you've done Frits Santiago." Sigaw ng babae habang sinisikap na itayo ang kasama niyang lalake.

"Tsk! It's not my problem!" Dinukot ko ang pitaka ko sa loob ng bulsa ng pantalon ko at kumuha ng lilibuhing pera, hinagis ko sa mga lalaking nakahandusay. "Yan! Pampagamot niyo! Iparetoke niyo rin ang mukha nyo! Ayoko ng makita ang pagmumukha niyo kahit kailan. At ikaw babae ka! Hindi ako napatol sa mukhang unggoy! Kaya wag kang magpapakita sa'kin kahit na kailan." sabay alis ko.

"Hey! dude, how about the damages of the bar?" Tanong ni Drek.

"Charge to me!" Sabi ko.

"Okay, dating gawi." sagot ni Drek.

Alam kong nakatanaw sa'kin ang mga kaibigan ko. Habang papalabas ako ng Bar. Wala ako sa Mood ngayon dahil sa nangyari kanina. Hindi ko alam kung bakit gano'n na lang ang galit ko kay Ally at sa lalaking si Zyrus.

"See.. Sabi ko sa inyo mga Brad eh, inlove si Frits kay Allyson." ani luke.

"Hmm... mukhang tama ka diyan."sagot ni Patrick.

"Malalaman natin 'yan sa mga susunod na araw, sa ngayon tulungan niyo akong maglinis nito. "Ani Drek.

"Psh! Kunwari pa ang mga unggoy pinaparinig din naman sa'kin. Ang lakas-lakas ng boses."bulong ko.

Muli akong sumakay sa kotse ko at muli akong nagtungo sa bahay nila Ally. Ngunit sarado na sila at mga tulog na ang mga tao do'n. Gusto ko sanang kausapin si Ally ngayon. kaya lang tulog na pala siya. Kaya naman umuwi na lang ako sa bahay namin.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Where stories live. Discover now