Hindi nako nag salita ay umiyak na nalang sa dibdib nya, Hinahampas kopa ang balikat nya pero Pinapatahan nya lang ako. Nag sasalita sya na sobrang nag papagaan sa katawan ko. Isama mopa ang hangin na humahawi samin.

Nang tumahan na ako ay kumalas na sya sa pag kakayakap, Mabilis na pinunasan nya ang luha ko bago ako inalalayang makatayo sa pag kakaupo sa lupa. "Let's go zen, Mainit" sabi nya bago hawakan ang kamay ko paalis sa pwesto namin.

Napayuko nalang ako habang nag lalakad kami. Nang tingnan ko ang pinag alisan namin ni Clark nang sapatos ay wala na yung kanya. Siguro ay wala na sya, iniwan na nya talaga ako sa kay Nicholas.

Nang makarating kami sa parking lot ay pinasakay nya ako sa back seat. Nang tingnan ko sya sa labas ay may kausap sya kaya hindi kona yun pinansin at kinuha lang ang cellphone ko sa bulsa. Nakita ko tuloy ang chat sakin nang mga loko.

SECTION A (GROUP CHAT!)

Milan: Zen, Where na you? Nag aalala ang iyong gwapong kapatid!.

Nine: zen ok kalang?Nasaan ka?Nasa national bookstore kami!! Baka nandito ka eh!.

Nine: ayieee zen, bumili ako libro!! Dali na! Wag na ikaw sad!!

Tristan: Uy hinabol ako nang aso nyo zen!, hindi ata ako welcome!.

Benick: Papulis kaya natin? Sabihin natin na rape si zen!..

Nicko: Gago! Baka mapatay kapa ni Nicholas at kole!..

Blaze: What if Kumain nako dito?What if lang naman..

Terry: What if ratratin kita nang asido!! Gago nasan ka! Mag hanap ka!!.

Benten: Ako sayo ikaw ay akin! Ganda nyo sa paningin!.

Kole: Umuwi na kayo, Zen is resting.

Napangiti naman ako sa mga chat nila, kahit talaga nga basagulero ang mga to! Nag aalala pa din sakin. Na guilty tuloy ako dahil iniwan ko sila doon, Kaya mag chat agad ako sa kanila.

Reyna: Ok ako, wag kayo mag alala.

Reyna; Kita kita nalang tayo
bukas!,babawi ako:).


Nang makapag chat ako ay pinatay ko na din ang cellphone ko dahil pumasok na si Nicholas sa kotse. Tumingin ako sa labas at nakita kong mainit na nga pala, Mag hahapon na din naman kasi kaya sa iba na ang direksyon nang araw.

"Kumain kana?,anong kinain mo? Tanghali na diba?" Sunod sunod na tanong sakin ni Nicholas kaya napatingin ako sa kanya.


Ay. Oo nga pala.


"H-hindi pako nakain" Sagot ko agad bago yumuko, Talaga ba? Kaya pala kanina pako Nakakaramdam nang kulo sa tyan! Gutom lang pala! Akala ko May sakit na ako sa atay.

"Tsk" iyan lang ang narinig ko sa kanya bago sya mag paandar nang kotse.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya nang sa ibang direksyon kami dumaan. Ala una na nang hapon at alam kong magagala na ang mga loko ngayon.

Hindi din ako pwedeng umuwi, Baka Sabihin ni kuya nag cutting ako, o kaya nakipag away!, nako si batman na bahala sakin kapag ganun!.


"At my house, eat there first" walang alinlangang sabi nya sakin.
"Bawal umangal, Whether you like it or not, zen" aangal pa sana ako nang unahan nya pa ako. Ngumuso nalang ako at tumingin sa labas. Sakto, gutom nako. Huhu.

Nang makarating kami sa bahay nya ay hindi nako nasanay, Mapapanganga nalang talaga ako sa sobrang laki nang bahay nila. Pang modern style mga beh!. Lalo nang pumasok kami sa loob para mag park, dati sampung kotse lang nakikita ko!, Ngayon, Can't count!.

"Grabe, Seryoso? Sainyo lahat nang to?" Hindi ko makapaniwalang tanong. "lintik, Hindi ko mabilang!"
Mamahalin!! Pwede ko na syang ipatawag na sugar daddy na lutang.

"Huh?" Napatingin agad sya sakin. "It's all mine, I gave the others away because I don't use them, They don't fit because there's no more space, Binigay ko yung iba sa section A" pag kukwento nya sakin.


Seryoso?. Halos mamahalin lahat nang to!.

"Anong pinaka murang kotseng binili nyo?,Halos lahat nang to sikat na sikat sa ibang bansa ah!" Sabi kopa sa kanya. Hindi pa din makapaniwalang tao ako ngayon!. May kotse ako, pero hindi naman ganto ka ganda!.

Nang hindi sumagot si nicholas ay napatingin ako sa kanya. Napangiwi ako nang makitang nag iisip pa sya.
"Mmm, let's see--" sabi pa nya bago tumingin sakin. "Half million? I guess" hindi pa sya sure. " Ah, yeah, Half million is the cheapest, My mom brought me that one"

Half?

Half million!. Susko ginoo!. Pwede ko nang pang donate nang pagkain sa mga bata yun ah!..

"Why?You want me to give you one?Pumili kana, Zen" medyo proud pa ang boses nya kaya tumaas ang kilay ko..

Akala mo ha. "Che, Wag mo akong kinakausap, Galit pa ako sayo" mataray kong sabi bago sya pinandilatan nang mata. Bakit ko nga ba kinakausap to?. Matapos mo akong awayin!. Fuck you men!.

"What?Why?I already said sorry to you" tanong nya agad sakin. Pinag krus ko ang kamay ko.lakas nang tama mo! Porket gwapo ka, okay na ang salitang sorry?. Ulol ka!.

Mas maganda pa ngang kausap si kole!.

"Che, Galit ako, Kaya mag luto kana, Nagugutom nako!" Utos ko agad sa kanya. "Ayaw mo akong magalit diba?Go!Gora, mag luto kana!" Dagdag kopa na akala mo ako mag ari nang mansion nila!. Hahah.

"Inuutusan mo ba ako?" Maangas na tanong nya at pinag krus din ang braso nya. 

Ba't ang lalaking to. "Bakit?may angal ka?, Kung ayaw mo Pupunta nalang ako kina kole, Doon ako kakain--"

"Im just joking" putol nya agad. Mahina pang tumawa ang Aliparot bago ginulo ang buhok ko. "Anything, as long as you want it zen" natutuwa ng sabi nya sakin. Napangiwi tuloy ako.

Che galit ako!.

*****

SUNSHINEWEB 3178:)

HI GUYS PLEASE DON'T FORGET TO VOTE COMMENT AND FOLLOW THANKS EVERYONE 😊

ENJOY:)!

Queen of Section A |✓ (Part two: The battle) Where stories live. Discover now