"Hindi ko kayo iiwan. Lalo na ang mag-iina ko. Si Ahtisia at Hartemis. Nangako ako kay Hermes na hindi ko na papabayaan ang Mommy at kapatid niya," sabi ko kay Mommy.

Ilanga raw din akong nanatili sa hospital dahil na din sa kagustuhan ng parents ko at ni Kenzo to run a different kind of test.

Kaya naman pagkalabas at imbes na sa bahay ang diretso ay kina Ahtisia at Hartemis kaagad ang punta ko.

"Pasabay na din po ng mga gamit ko. Alam naman na po ni Mommy na hindi ako didiretso sa bahay," paki-suyo ko sa pinadalang driver para kuhanin ang mga gamit ko sa hospital.

"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ko.

Iyak kaagad ni Hartemis ang bumungad sa akin pagkarating ko doon. Kaagad kong binitawan ang dala kong mga paper bag na may lamang pasalubong para sa kanilang dalawa, susubok sana akong pumasok sa loob pero pinigilan niya ako.

"Wag kang papasok. Diyan ka lang."

Nasaktan ako, pero hindi ako umimik. Alam ko kasi mas sobra pa doon ang ibinigay kong sakit kay Ahtisia at sa mga anak namin. I deserve this. Kasalanan ko naman kung bakit ganito siya sa akin.

May lagnat ang anak namin, base na din sa pag-uusap nila ni Kuya Wil.

"May lagnat? Ako na ang bibili."

Kaagad akong umalis para pumunta sa pinakalamapit na pharmacy.

"Gamot sa lagnat para sa baby..." sabi ko.

"Yung pinakamalaki po? O yung maliit lang?"

"Yung pinakamalaki..."

"Anong flavor po?" tanong ulit niya sa akin.

Hindi ko na halos ma-proseso 'yon sa utak ko. Anong flavor kaya ang magugustuhan ng anak namin?

"Lahat ng flavor bigyan mo ako," sabi ko sa kanya. Nakita ko din ang gulat sa mukha niya.

Kung ano-ano na ang itinuro ko. Natataranta na ako, wala akong gustong mangyari kundi ang makabalik kina Ahtisia.

Sa dami ng dala ko, ilan lang ang kinuha ni Kuya Wil na pwede daw kay Hartemis. Hindi ko na lang pinansin, masyado na akong nataranta.

Iyak pa din ng iyak si Hartemis. Nanatili lang akong nakatayo sa may labas ng pintuan habang pinapanuod sila ni Ahtisia.

"L-let me try. Let me hold her..." sabi ko dito.

Baka pwede kong subukan na patahanin siya. Baka sakaling mapatahan ko siya.

Kagaya ng inaasahan ko ay hindi pabor doon si Ahtisia. Na-iintindihan ko naman, may point naman kasi siya. Sa aming dalawa ay siya ang lubos na nakakakilala sa mga anak namin.

"Hindi din naman sasama si Hartemis sa kanya kasi hindi naman siya kilala."

Muli, nasaktan nanaman ako sa mga salitang sinabi niya. Pero na-iintindihan ko, nagkamali ako sa mga desisyon ko noon, at ito ang kabayaran ngayon. Kasalanan ko kung bakit malayo ang loob ni Ahtisia sa akin, kung bakit galit siya sa akin. Kasalanan ko din kung bakit hindi ako kilala ni Hartemis.

"Susubukan ko lang naman...baka tumahan. Baka tumahan pag hindi niya kilala ang bubuhat sa kanya," marahang sabi ko.

Knowing how good Ahtisia's heart is, hinayaan niya akong hawakan ang anak namin. Nakaramdam ako ng saya at fulfilment ng kumalma si Hartemis habang hawak ko, nagawa ko pa ngang patulugin siya.

Nanatili akong walang suot na pang-itaas na damit habang karga ang anak namin.

"Pagod siya kaka-iyak, kaya nakatulog siya," sabi ni Ahtisia sa akin.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon