Chapter 38 (Hunter's)

62.8K 2.5K 2K
                                    

Dream





Hindi kaagad naka-imik ang mga magulang ko dahil sa aking sinabi.

May gustong sabihin si Daddy pero walang kahit anong salita ang gustong lumabas sa bibig niya.

Tumuro siya sa kung saan.

"Sinasabi mo bang...apo din namin si Hartemis?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

Marahan akong tumango. "Anak ko si Hartemis. Anak naming ni Ahtisia," pagkumpirma ko.

Muling napasinghap si Mommy. Napatakip siya sa kanyang bibig dahil sa ginawa kong kumpirmasyon.

"Paanong nangyari? Bakit hindi mo sinabi sa amin?" tanong ni Daddy.

Marahas akong napahilamos sa aking mukha. Hindi ko alam kung kaya kong magpaliwanag ngayon, masyado pa akong naguguluhan. I can't even think straight.

"It's a long story. I-I need to go...I need to talk to Ahtisia," paalam ko sa kanila.

"Hundson!" madiing tawag ni Daddy sa akin. Hindi na siya nag-abala pang pigilan ako.

Ramdam ko ang galit, pagkabigla, at disappointment sa klase ng pagtawag niya sa akin.

I understand. Disappointed din naman ako sa sarili ko.

Mabilis ang ginawa kong pagkilos. Nagbihis kaagad ako at naghanda para puntahan si Ahtisia. Hindi ko din alam kung anong sasabihin ko, hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin...bahala na. I need to see them now.

Nasa may sala na sina Mommy at Daddy. Walang imik si Mommy pero ramdam kong may gumugulo sa kanya. Seryosong nag-uusap sina Daddy at Kuya Hobbes.

Nawala ang tingin ko sa kanila nang makita ko ang pagpasok ni Alihilani mula sa labas. Masama na kaagad ang tingin niya sa akin.

"Umuwi na si Hartemis?" tanong ko.

Hindi ko alam, ni ang banggitin ang pangalan ng anak ko ay parang nag-aalalangan ako. Hiyang hiya ako, hiyang hiya ako sa kanya. Pakiramdam ko ay hindi ako deserving sa kanya, sa kanila ng kapatid niya...sa kanila ng Mommy niya.

"Bakit mo tinatanong? Hindi mo naman kaano-ano ang batang 'yon," galit na sabi ni Alihilani sa akin.

Hindi ako nakasagot, tinanggap ko ang matalim niyang tingin sa akin hanggang sa lapitan na siya ni Kuya Hobbes para pakalmahin.

"Shh...Baka ma-stress kayo ni Baby," malambing na paalala ni Kuya sa asawa.

Mas lalo akong kinain ng guilt. Nasaan ako ng mga panahong nasa ganitong kalagayan si Ahtisia? Nasa America, nagtatago, natatakot...naduduwag at walang ginawa kundi ang kaawaan ang sarili.

I made a wrong decision. Alam ko sa sarili ko 'yon. Pero sino bang hindi nagkakamali? Sino bang tao ang nagdesisyon na lahat ng desisyon nila ay tama kaagad? Paano mo ba malalaman na tama ang desisyon mo?

I maybe the best in our class, I top the boards. Pero sa buhay, hindi lahat ng desisyon mong akala mo ay tama...tama. Nagdesisyon ako ng mga panahon na 'yon na puno ako ng takot, puno ng pride. Na baka kaya ko namang harapin ang lahat ng 'yon mag-isa.

"Look...I don't know what to say. Hindi ko din ipagtatanggol ang sarili ko. Hindi ako magpapaliwanag. Kahit anong rason ko..." pag-uumpisa ko.

Hindi ako makapagsalita ng maayos, parang kung may anong bumara sa lalamunan ko.

"Kahit anong rason pa ang meron ako...mali ako. Walang kahit anong bagay ang makakapagbago na mali ako. Iniwan ko si Ahtisia ng mga panahong kailangan niya ako...iniwan at itinanggi o ang mga anak ko...kasi duwag ako."

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon