Chapter 43

57.5K 2.9K 1.2K
                                    

Saved




Nakaramdam ako ng pagka-ilang nang mapansin kong tumatagal na ang yakap ko sa hubad niyang katawan. Kanina lang ay pinupuri ko pa 'yon sa isip ko, hindi ko naman inakala at sinasadyang mahawakan 'yon.

"A-ayos na ako," mahinang sabi ko. Ako na din ang marahang tumulak sa kanya palayo sa akin.

Naramdaman ko ang gulat kay Hunter dahil sa ginawa ko. Para kasing feel na feel pa niya ang pagyayakapan namin.

"Magyakapan lang tayo hanggang sa kumalma ka," marahang sabi niya sa akin, tangka ulit siyang yayakap nang pinigilan ko na.

"A-ayos na nga," laban ko pero wala akong lakas ng loob na harapin siya.

Hindi na lang siya umimik, bahagya akong lumayo. Isang beses kong sinulyapan ang hubad niyang dibdib na namumula ngayon, bakas pa doon ang pagkakasandal ng noo ko kanina.

"Babalik na ako..." paalam ko sa kanya.

Tangkang lalagpasan ko siya para maka-alis na nang pigilan niya ako. Marahan niyang hinawakan ang braso ko para paharapin sa kanya.

"Tahan na."

Matapos niyang sabihin 'yon ay naramdaman ko ang hinlalaki niya sa pisngi ko, marahan niyang pinunasan ang luha dito.

"I love you, Ahtisia," sabi niya out of nowhere kaya naman parang nag-ugat ako sa kinatatayuan ko.

Para akong malulunod sa mga salita niya, ramdam ko ang sinseridad. Para bang ang pader na itinayo ko sa aking paligid ay nakakaramdam ng kung anong klaseng panghihina. Pagguho?

"It's always you, Ahtisia. Wala akong minahal na iba bukod sa 'yo. Bukod sa sobra kong mahal ang mga anak natin...kayo lang," paninigurado pa niya.

Namanhid ang ilang parte ng katawan ko, para bang tumayo ang mga balahibo dito. Hindi ko din alam kung para saan.

Ramdam ko ang titig niya sa akin, na para bang gusto niyang tingnan ko siya sa mga mata. Alam ko kasi kung paano mangusap ang mga mata ni Hunter. Para bang kahit hindi na sya magsalita, tingnan mo lang siya sa mga mata niya, alam mo kaagad kung anong nararamdaman niya. Alam mo kaagad kung nagsisinungaling siya o nagsasabi ng totoo.

Kaya naman noong mga panahong tinaboy niya ako, itinanggi niya ang mga baby ko...bakit hindi ako sumuko kaagad? Kasi nakita ko sa mga mata niya na hindi niya gustong gawin 'yon. Na kahit anong pilit niyang ipaniwala sa akin na 'yon ang gusto niya...iba ang sinasabi ng mga mata niya, iba ang ipinaparating no'n.

"Babalik na ako sa loob," ulit ko.

Marahan siyang tumango bilang pagsuko. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko palayo sa kanya nang si Mr. West Vergara na ang sumalubong sa amin.

"Nasaan na si Ericatrina?" tanong niya. Ramdam ko ang pag-aalala sa kanyang boses.

Ang pag-aalala at pagmamahal ng isang ama para sa kanyang anak.

"Umalis na po. Siguro po...dapat niyo siyang sundan," suwestyon ko.

Mas lalong lumambot ang tingin niya sa akin. Pero hindi ko nagawang pansinin 'yon, mas natuon kasi ang atensyon ko kay Hartemis na hawak niya. Pilit itinataas ang kamay para kuhanin ko siya.

Lumapit ako para kuhanin ang baby ko, yumakap siya kaagad ng mahigpit sa akin, para bang alam niyang kailangang kailangan ko 'yon ngayon.

"Kakausapin ko siyang mabuti, Wag kang mag-alala...magiging ayos lang ang lahat," paninigurado ni Sir West Vergara sa akin.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon