Chapter 19

36.1K 1.4K 1.4K
                                    

Talk





Matapos ang madiing halik na ibinigay niya sa akin ay kaagad niyabg pinagdikit ang aming mga noo. Kapwa naming habol ang aming mga hininga, maging sa hawak niya sa braso ko ay ramdam na ramdam ko siya.

"Hunter..." tawag ko sa kanya. Patuloy pa din ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata.

Nakita ko kung paano umigting ang kanyang panga dahil sa patuloy kong pag-iyak, itinaas niya ang kanyang kamay para marahang punasan ang aking basang pisngi.

"Tahan na..." ramdam ko man ang awtoridad sa kanyang boses ay nandoon pa din ang nagtatagong lambing.

Marahan akong tumango at sinunod siya. Hinawakan niya ako sa kamay ko bago muling hinila papunta sa kanyang sasakyan.

Habang papalapit kami doon ay hindi natanggal ang tingin ko sa magkahawak naming mga kamay. I miss this, I miss being with him...I miss him.

Muling bumalik sa akin ang mga alala namin ng makalapit na kami sa kanyang Rover. Pinagbuksan niya ako ng pintuan, ramdam ko ang suporta niya sa bewang ko habang papasok ako doon.

Nang masigurado niyang ayos na ako ay isinara na niya ang pintuan at umikot na para pumunta sa may driver seat. Nakita ko ang paglingon ni Hunter sa akin pagkapasok niya, sandaling nagtagal ang tingin niya sa nakakabakit ko ng seatbelt bago tumaas ang kilay niya.

"Uhm...medyo nasanay na ako na ikabit kaagad ang seatbelt pagpasok sa sasakyan," kwento ko sa kanya. Simula ng mag-drive ako ng sarili kong sasakyan ay 'yon ang una kong natutunan.

Tipid siyang tumango bago niya pinaandar ang sasakyan. Isang beses ko pang nilingon ang mini cooper ko. Napanguso ako dahil kailangan ko siyang iwanan ngayon.

"Hindi mawawala ang sasakyan mo diyan," suway niya sa akin.

May kung ano sa boses niya na para bang gusto niya akong asarin.

"Para ko na 'yong baby," kwento ko sa kanya.

He cleared his throat bago siya tumikhim kaya naman umayos na ako ng upo.

"I-ikaw? Ganoon ka din sa sasakyan mo?" tanong ko sa kanya.

Kahit ano na ata ay pwedeng na naming pag-usapan. Basta gusto ko lang siyang maka-usap. Gusto ko lang na mag-usap kami.

Diretso ang tingin niya sa kalsada.

"Not really," tipid na sagot niya sa akin kaya naman tumango na lang ako.

Medyo sentimental kasi ako sa mga gamit ko. Hindi Madali para sa akin ang magtapon ng mga gamit kahit pa luma na sila at kadalasan ay hindi ko na nagagamit.

Buong akala ko ay maghahari na ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, parang tumalon ang puso ko sa saya ng siya na mismo ang magtanong sa akin.

"Kailan ka pa natutong mag-drive?"

Umayos talaga ako ng upo, kulang na lang ay humarap na ako sa kanya para lang ma-ibigay ang buong atensyon ko.

"First couple of months pagdating naming sa US," sagot ko.

Hindi ko ma-iwasang punahin si Hunter. Mula sa kung paano niya hawakan ang manibela, umakyat ang tingin ko mula sa kanyang kamay papunta sa braso, pansin ko na may lalo 'yong nadepina, bagay na bagay sa kanya ang suot na puting tshirt na humubog sa ganda ng kanyang braso.

"Mas lalong...mas lalong gumanda ang katawan mo. Nagma-martial arts ka pa din every weekends?" tanong ko sa kanya. Ramdam ko ang kaba sa boses ko, nahiya pa akong magtanong sa kanya.

Isang beses siyang sumulyap sa akin, bumaba ang tingin ko sa kung paano niya pina-ikot ang manibela dahil sa pagliko naming. Sa paraan nang paghawak niya ay para bang sanay na sanay siya.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon