Chapter Thirty Seven

19.1K 316 7
                                    

—-

-Krisandra-

"I am truly sorry for what my son did to you Krisandra" puno ng sinseridad ang mga mata ni tita Carmela habang humihingi ito ng patawad sa akin para sa ginawa ni Trail. Ningitian ko lang ng tipid si tita Carmela.

"Okay lang po tita, alam ko pong lasing lang si Trail ng mga panahon na iyon" sinabi ko na lang para hindi na mag damdam si tita Carmela kay Trail. Hindi ko gugustuhin kung magalit si tita Carmela kay Trail. Galit na nga si Felix sa kuya nito, wag na sana si tita Carmela. Ang dating kasi nun ay ng dahil sa akin nagagalit na ang pamilya ni Trail sa kanya.

Ayaw kong kamuhian ako ni Trail dahil sinira ko ang pagsasama nilang tatlo.

"Naiintindihan ko kung bakit gusto mo ng bumitaw sa pagiging private nurse ko. Pero sana, mapatawad mo ang anak ko sa ginawa niya sayo"

"I already did Tita. Mahal na mahal ko po si Trail, at hindi ko magawang magalit sa kanya ng matagal. But I think, sosolohin ko na lang po tong nararamdaman ko para sa kanya. Kinamumuhian na ako ngayon ni Trail. " napangiti ako ng mapait ng maalala ko ang mga huli nitong sinabi sa akin.

"Well makinig kang mabuti Krisandra Alejandro... hindi na kita mahal kaya hindi na ako babalik sayo! Wag mo na akong pag selosin pa dahil hindi iyon epektibo! I am regretting that I loved you before and I will never ever love you again! Remember that!"

 

Napapikit ako para mapigilan ko ang mga namumuong luha sa mga mata ko. Nag mulat ako at ningitian ko si tita Carmela.

"Mauna na po ako tita. Hindi natin alam kung kailan darating si Trail, baka maabutan niya po ako dito" pag pa paalam ko dito at tsaka tumayo.

"Naiintindihan ko hija... mag iingat ka" humalik lang ako sa pisngi nito at tsaka umalis na doon.

"My brother is lucky to have you" napatingin ako kay Felix. Kita ko ang pag igting ng panga nito sa gigil.

"You already forgave him kahit ganun kalaki ang atraso niya sayo! Damn" actually nag tatampo sa akin si Felix. Paano ko daw napatawad ng ganun kadali ang kuya nito? he almost rape me. Hindi ako nag alangan na ibigay dito ang sagot.

Dahil mahal ko siya.

Hindi mo naman magagawang kamuhian ang taong mahal mo eh. Mahahanap at mahahanap mo din ang kapatawaran sa puso mo. Too bad dahil masyadong makapangyarihan ang pagmamahal ko kay Trail kaya mabilis ko siyang mapatawad.

"Oh crap... I'm sorry pero pwedeng hintayin mo ako? Naiwan ko yung susi ng kotse ko sa loob"

"Ah okay lang... mag ta-taxi na lang ako hindi mo naman ako kailangan ihatid... akala ko sa gate mo lang ako ihahatid"

"Of course not! Nandito na lang din ako might as well ihatid kita sa condo mo. So hintayin mo lang ako gan tatakbuhin ko lang yung susi" bago pa ako makasagot ay kumaripas na ito ng takbo papasok ulit ng bahay. Napailing na lang ako.

Matiyaga na hinintay ko si Felix sa labas... nag mu-muni muni lang ako doon ng may biglang humintong isang itim na sasakyan sa harapan ko. Pamilyar ang sasakyan na iyon at bumilis ang tibok ng puso ko...

Trail...

Narinig kong bumukas yung pinto at bumaba doon si Trail. parang wala itong tulog dahil sobrang haggard ng hitsura nito. Papatubo na din ang mga balbas nito. nakaawang ang mga labi ko habang nakatitig dito. parang ngayon lang kami nag kita at nag mistula kaming mga estranghero habang nakatitig sa isat isa...

"Krisandra..." tama ba ako ng pagkakadinig o mali? Parang paiyak nitong sinambit ang pangalan ko. Humakbang ito palapit sa akin. parang tuod na nakatayo lang ako doon at hindi makagalaw... inilang hakbang nito ang pagitan namin at nagulat na lang ako ng bigla ako nitong yakapin...

For the second timeWhere stories live. Discover now