Chapter Sixteen

18.4K 336 4
                                    

—-

-Trailor-

"Hoy Ignacio! Bumangon ka na gan at tanghali na!" naitakip ko ang isa kong unan sa mukha ko ng biglang lumiwanag sa kwarto ko.

"Uggh g*go ka Tyrone isara mo yang kurtina ko!" reklamo ko.

"Na uh! Kailangan mo ng bumangon dahil tanghali na! aba hoy baka nakakalimutan mong may nag hihintay sayo na kompanya mo?" pangungulit nito.

"Naka leave ako ngayon! Isa pa ako ang boss. Ngayon pwede mo na bang isara ang kurtina ko?! Nasisilaw ako!" reklamo ko ulit.

"Hindi pwede. Pinapapasok ka ni tita sa opisina mo. Sabi niya kung pababayaan mo lang naman daw ang kompanya mo dito bumalik ka na lang daw sa America at ang kompanya ng papa mo ang asikasuhin mo" agad akong napabangon dahil sa sinabi ni Tyrone.

"What?!"

"Ang sabi ko pababalikin ka daw ni tita sa America once na hindi ka papasok ngayon sa opisina mo" napapikit ako ng mariin at nahilot ko ang sintido ko.

"Sh.t sinabi niya iyon?" hindi makapaniwala na tanong ko.

"Ah huh. Kaya bumangon ka na gan." Hinila nito ang kumot ko at wala na akong nagawa kundi ang bumangon.

"Hah takot ka naman palang bumalik sa America eh bakit ta-tamad tamad ka?" pang aasar nito sa akin.

"Shut up McHerold" yamot na sabi ko dito bago ako pumasok sa cr. Nilagyan ko ng tooth paste ang tooth brush ko at nag mumog tsaka ako nag simulang mag sipilyo.

"Asus ang sabihin mo takot kang iwan na naman si Krisandra dito" natigilan ako sa pag sipilyo. Tinignan ko ito ng masama mula sa salamin.

"Wala ka pa rin bang balak siyang puntahan?" tanong ulit nito. Tinapos ko na ang pasisipilyo ko.

"Of course meron pa. Para saan pa ang pananatili ko dito kung iiwasan ko siya?" tanong ko habang hinuhubad ko na ang suot kong boxer at pumasok sa shower.

Hindi ako nahihiyang mag hubad sa harap ng kumag na ito dahil ganun din naman ito sa akin.

"Eh kung ganun kailan mo siya balak puntahan? Baka mahuli ka na niyan at sila na ng Ruiz na iyon" hindi ako nakasagot sa sinabi nito. Sh.t paano kung sinagot na ni Krisan si Stephan habang wala ako?

"Ano natigilan ka Ignacio?" pang aasar sa akin ni Tyrone.

"Bakit kasi iniiwasan mo siya nitong mga nakaraang araw?"

"Tinamaan ako sa sinabi ni Stephan eh. totoo naman kasi yung sinabi niya. Gusto ko lang lumayo muna saglit kay Krisan dahil nahihiya naman din ako kahit papaano"

"Tsk unreasonable ka Trail. sa ginawa mo hinayaan mo lang si Stephan na masolo si Krisan. Kuu kung ako sayo bago ako pumasok sa opisina ko pupuntahan ko na siya, pero i-ready mo na yang sarili mo dahil baka pag dating mo doon... huli ka na dahil sila na"

-Krisandra-

Back to normal na kami ni Stephan. Back to normal ibig sabihin magkaibigan na lang ulit kami. Hindi na ito nanliligaw sa akin. Mabuti naman kung ganun dahil hindi ko talaga ma imagine na ligawan ako ng bestfriend ko.

"Wala pa rin ba?" nagulat ako ng may biglang mag salita sa likuran ko. Pag lingon ko ay nakita ko si Stephan.

"Ano yung wala pa rin?" kunot noong tanong ko. Umirap lang naman ito sa akin.

"Si Ignacio. Di pa rin ba nag paparamdam sayo?" tanong nito. agad naman akong umiling. Mag i-isang linggo na kasi nong huli pa itong magpakita at iyon ay nong nasa unit ko kaming tatlo.

For the second timeWhere stories live. Discover now