Chapter Eight

22.7K 411 12
                                    

(Hello kay @missunique haha di ko alam ang trip mo ngayon teh pero salamat sa pagbasa ^^)

--

-Krisandra-

Lumipas ang ilang linggo... unti unti na akong nag mo-move on... nakakalimutan ko na ang tungkol kay papa... si mama naman ay alam kong pilit nitong pinapasaya ang sarili pag kaharap ko ito.

Si Trail ang naging sandalan ko. Ito ang nag pasaya sa akin, nag patawa at nag pangiti. Na alala ko yung sinabi ko ditong twenty four hours... hindi naman nito binabanggit ang bagay na iyon kaya natutuwa akong malaman na nakikiramdam din ito kahit papaano.

Pero sa ipinakita sa akin ni Trail... deserve niya ng malaman ang sagot ko.

August 21, ang araw kung saan ko ito sinagot ng tuluyan. Mukha pa itong tanga na nag sisigaw sa tuwa... pinabayaan ko na lang ito dahil ako din naman masaya. Mas lalong uminit ang pangalan ko sa school lalo na nong in-announce ni Trail na kami na.

Kasa-kasama ko pa din si Stephan pero pag nangan na si Trail ay agad ko na itong pinupuntahan dahil tingin pa lang nito ay nakakamatay na...

Possessive ito at seloso... pero wala akong reklamo... natutuwa pa nga ako kung parang bata itong umasta minsan dahil nag seselos pa din ito kay Stephan at sa lahat ng lalaking makakasalamuha ko... maging ang mga kaibigan nito ay pinag seselosan nito.

Dumating ang bakasyon namin... balak kong sa bahay lang ako pero nagulat ako ng bigla itong sumulpot isang araw sa bahay namin...

Kagigising ko pa lang nun at nakapan tulog pa ako... ni hindi ko na nagawang mag suklay ng buhok. Nasa sala ako at nanunuod ng anime sa isang channel. Tuwang tuwan na ako sa pinapanuod ko ng may kumatok sa pinto namin... hindi ko ito pinansin nung una dahil tinatamad akong tumayo para buksan yung pinto...

Pero makulit ang kung sino mang pontio pilato na kumakatok sa pinto namin... napipilitan akong tumayo para buksan yung pinto at nanlaki ang mga mata ko ng makitang si Trailor iyon.

"Good morning misis ko!" nakangiting bati nito sa akin at walang ano anong lumapit sa akin at hinalikan ako ng mabilis sa labi ko.

"A-anong ginagawa mo dito?" pinanlakihan ko ito ng mga mata. Nag kibit balikat lang ito at walang ano anong pumasok na sa loob ng bahay

"Si mama, babe?" tanong nito. pumamewang ako

"Kung maka mama ka gan ah! Mama mo huh?" tanong ko. Ngumisi lang ito sa akin

"Hindi...pero mama siya ng asawa ko... mama na ang tawag ko sa kanya dahil doon din naman ang punta. Tsaka alam na ni mama Cassandra na mama ang tawag ko sa kanya at ikakasal na tayo pagka graduate natin" napanganga ako sa sinabi nito.Loko tong lalaking ito! Ang lakas ng loob niyang...arrgh!

Pag sasabihan ko pa sana ito ng lumabas si mama mula sa kusina.

"Oh Trail hijo andito ka pala" gulat na sabi ni mama.. tumayo naman si Trail at bumeso sa mama ko. Napataas yung isang kilay ko. Close sila? Tsk kahit kailang feeling close tong Ignacio na ito eh.

"Hello mama... nandito po ako para humingi ng permisyo kung pwede kong itanan si Krisandra" nanlaki yung mga mata ko sa sinabi nito... tumawa lang naman si mama

"Hijo kung itatanan mo ang anak ko bakit ka nag papa alam sa akin? diba dapat hindi ko alam?" natatawang sabi ni mama.

"Joke lang po mama... ipapa alam ko lang po sana siya kung pwedeng sumama siya sa akin"

"BAkit san ba kayo pupunta?" naaliw na tanong ni mama.

"Kahit san po... lilibutin po namin ang buong Pilipinas... kung okay lang po sa inyo na ako ang kasama niya sa buong bakasyon namin" buong bakasyon?! Eh halos two months yun!

For the second timeWhere stories live. Discover now