Chapter Twenty Seven

14K 270 11
                                    

--

-Krisandra-

Tuloy pa rin ang buhay kahit wala na si Trail. Wala na din akong narinig na balita tungkol sa kanya... ang huli ko pa ring dinig dito ay yung napanood ko sa tv ng canteen.

"Hoy nag mumukmok ka na naman gan" nakasimangot na nilingon ko si Stephan. Nandito na naman ang lalaking ito para mang asar. Kaya hindi ko makalimutan si Trail eh... mantakin ba namang sa tuwing magkasama kami eh minu-minuto niyang binabanggit ang pangalan nito.

"Iniisip mo na naman si Tra-" bago pa nito mabanggit ang pangalan ni Trail ay tinakpan ko na ang bibig nito.

"Mag mumura ka na naman Stephan" seryosong saad ko dito na may kasama pang nakakamatay na tingin. Pero sa halip na masindak ito ay ngumisi lang. Tinabig nito ang kamay ko na nakatakip sa bibig nito.

"Ikaw naman Krisan... ang ganda ganda ng pangalan nong tao... tapos para sayo isa lang iyon na bad word? Hahah..." pinaningkitan ko ito ng mga mata

"Anong maganda don? Ang baho kaya tsk..." tinawanan lang ako nito.

"Sus para sayo kasi pangalan yan ng 'ex' mo... ang bitter mo teh!" pang aasar pa nito sa akin sa tono ng pabakla... hindi ko na lang ito pinansin dahil baka hindi ako makapag timpi at mapatulan ko na ito.

Minabuti ko na lang ang tumayo at iwanan ko ito.

"Hoy san ka pupunta?" takang tanong nito.

"Magpapalista" tipid na sagot ko dito. Hindi na ito nag tanong dahil alam naman na nito ang gagawin ko. Tinungo ko ang registration area kung saan mo ililista ang pangalan mo para maisama ka sa mga makikipag karera sa gabing iyon.

Madaming pakulo ang Forbidden Road ngayon at madami ding nag bago. Ang mga nasa Royalty Rank ay pwede ng makipag karera kahit kailan nila gusto... noon kasi nire-reserve nila ang karera ng mga nasa rank na iyon para sa mga main event. May draw lots din... ilalagay doon ang pangalan ng mga makikipag karera at random ang pag pili ng mga magkakalaban. Ang versus kung saan hahamunin mo mismo ang gusto mong makalaban at depende iyon kung papayag ang hinamon.

Habang nililista ko ang pangalan ko ay may nahagip ang mga mata ko. Natigilan ako sa pag susulat at nabitawan ko pa ang hawak kong ballpen. Ramdam ko ang paninigas ng buong katawan ko.

Am I seeing a ghost?

Nakatulala lang ako dito habang walang ka emo-emosyon ang mukha nito na papalapit sa kinaroroonan ko. Akala ko nga ako ang sadya nito pero mukhang magpapalista din ito.

"Miss are you okay?" untag sa akin nong babae na siyang naka assign sa registration area. Hindi ko ito pinansin. Nakatingin lang ako sa lalaki na abala sa pagsusulat sa isang papel. Natapos na itong mag sulat at binigay ang piraso ng papel sa babae.

Ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko ng tumingin ito sa akin. Nakita ko ang pag angat ng isang sulok ng labi nito.

"Hello Krisan..." ramdam na ramdam ko ang napakalamig na boses nito na nag patayo ng mga balahibo ko sa buong katawan ko.

"long time no see" nakangising pagbati nito sa akin.

Trail...

Parang wala ako sa sarili na bumalik sa pwesto namin ni Stephan. Agad itong napuna ni Stephan at agad akong inusisa.

"Hey Krisan... are you alright? You look so pale" nag aalala na tanong nito sa akin. Umiling iling ako.

"What's wrong?" kunot noong tanong nito sa akin. Napalunok ako ng laway ko.

"I saw him.. I saw him Stephan" parang nababaliw na sabi ko dito. Tumingin ako sa kanya. Alam kong nagmumukha akong matatakutin ngayon pero nakakita lang naman ako ng multo.

For the second timeWhere stories live. Discover now