Chapter Thirty

16.5K 304 7
                                    

(Para kay @arraacedo9 ^^)

--

-Krisandra-

Palakad na ako pabalik ng nurse station ng bigla kong makita si Smirky. Natuwa ako ng malaman kong mag ta-trabaho na ito sa G.A hospital, ang nag iisang hospital dito... Dati naman meron pang ibang hospital sa Real State pero mula ng itayo ang hospital na ito ay biglang nagsipag saraan ang mga ito.

"Hoy Smirky, ang lalim naman ng iniisip mo!" tawag ko dito. Agad naman itong napalingon sa akin. Napakunot noo ako ng makita kong nakasimangot ito.

"Tapos bakit nakasimangot ka?" natatawang tanong ko. Para na kasing pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha nito.

"Ang sarap kasing sapatusin ng amo natin eh" nanggigigil na sabi nito.

"Sino? Si Grin Andrano?" tanong ko

"Sino pa ba?" nakasimangot na sagot niya. Natawa na lang ako sa naging reaksyon niya.

"Akala ko ba ikaw ang mam bwi-bwiset sa kanya? Eh bat parang ikaw pa ata tong na bwiset niya?" naka ngising tanong ko dito. Alam ko naman na hindi masyadong magkasundo si Smirky at si Doc Grin.

"Ano ba kasing ginawa?" tanong ko ng hindi ito sumagot.

"Gusto akong maging private nurse ni Mrs. Ignacio" napataas ako ng kilay. Oo nga pala, na confine dito si tita Carmela. Nagulat na lang ako ng malaman ko mula kay Smirky na ang unang pasyente nito ay si tita Carmela.

"Ignacio's mom?" tumango tango ito na parang wala lang ito sa sarili.

"Oh anong problema doon?"

"I would love to be Mrs. Ignacio private nurse..." tumigil ito sa pagsalita

"I can hear a but"

"But, Grin wouldn't allow me"

"Wow! Bakit naman daw?"

"Sabi kasi niya 'Because you are just going to work for me not on that Ignacio' " pang gagaya nito sa sinabi siguro ni Grin. She looked so confused kaya natawa na lang ako.

"Woah I smell something fishy in here" natatawang sabi ko.

"Yun ba ang prinoproblema mo?" nakangising tanong ko dito. TUmango tango ito.

"I've been thinking about that the whole time already. Trinanslate ko na sa tagalog peor di ko pa din ma gets kung bakit ayaw niya akong maging private nurse ni Mrs. Ignacio" naiirita nitong sabi.

"Ako gets ko!" nakakalokong wika ko. Tsk hindi ko alam na may pagka mananhid din pala tong si Smirky.

"Gets mo?" takang tanong nito. Parang hindi ito makapaniwala na alam ko ang ibig ipahiwatig ni Grin dito.

"Yup! Gets ko kung bakit ayaw kang payagan ni boss Grin na maging private nurse ni Mrs. Ignacio" ningisihan ko ito.

"Ano?"

"Simple lang naman" humahagikgik na sabi ko.

"Ayaw ka niyang mapalapit kay Trailor Ignacio" mukha ata itong nawindang sa sinabi ko. Mas lalong kumunot ang noo nito, ibig sabihin ay hindi pa din nito gets.

"Ano? Di ko pa din gets" napailing iling na lang ako habang humahagikgik. Nakakatawa kasi eh. Parang ang laki laki ng problema nito na hindi maintindihan.

"Eto ah... DIba gwapo si Ignacio? Macho hunk-hot mala Adonis ang kagwapuhan-"

"Well thanks for the compliment Krisan" natigilan ako sa pagsasalita at nanlaki ang mga mata ko. Ramdam ko ang paninigas ng buong katawan ko.

For the second timeWhere stories live. Discover now