Chapter Thirty One

16K 316 10
                                    

(Para kay @chimei12 thanks for the vote)

—-

-Krisandra-

Madali lang naman yung naging trabaho ko sa pagiging private nurse ni tita Carmela. Papaliguan, papakainin, papainumin ng gamot, I che-check ang vital signs nito at ang blood pressure. Nalaman ko nan a stroke pala ito nong nasa America sila, ng mamatay ang papa ni Trail kaya ito nakulong sa wheelchair.

Normal lang din ang pakikitungo sa akin ni Trail... minsan nga at nang aasar pa ito. Hindi ko alam kung okay na kami. Ang hirap din kasing ispilingin ang ugali ni Trail. Paiba iba ng mood. Minsan masungit ito sa akin. Misan naman mabait. Minsan hindi namamansin at minsan ang kulit kulit.

Katatapos ko lang painumin ng gamot si tita Carmela. Ng makatulog ang ginang ay iniwan ko ito saglit sa kwarto nito.

"Kamusta si mama?"

"Ay kalabaw!" napatalon ako sa gulat ng may biglang mag salita sa likuran ko. Pag lingon ko ay nakita ko ang tumatawang si Trail. Pinaningkitan ko ito ng mga mata ko.

Naku naku naku.... Kung hindi ko lang ito boss ngayon malamang nabatukan ko na ito sa sobrang inis ko.

"Magugulatin ka pala Krisandra" natatawang sabi nito. Inirapan ko na lang ito bago ko ito nilagpasan.

"Woah... wait a minute. I'm still talking to you" pigil nito sa akin.

"Sir, may trabaho pa po ako" seryosong sabi ko dito.

"Well tulog naman na siguro si mama. Let's talk for a while" napatitig ako dito. Nag cross arm ako at tsaka ko ito tinitigan ng diretso sa mga mata nito.

"Ano namang pag uusapan natin?" tanong ko

"About us?" natigilan ako. Napangisi ito sa naging reaksyon ko.

"Oh bakit natigilan ka? And you looked tensed" humakbang ito palapit sa akin. Naamoy kong amoy alak ito. Ngayon ko lang napansin na mamula mula ang mukha nito at pupungay pungay din ang mga mata nito.

"Why? Ayaw mo bang pag usapan natin ang nangyari non?" tumawa ito ng nakakaloko bago ito tumalikod sa akin.

"You know what... ang dami kong gustong itanong sayo. " humarap ulit ito sa akin. Kita ko ang galit sa mukha nito.

"Pero hindi ko alam kung sasagutin mo ba ako. Gusto kong itanong... why did you turned me down? Why did you say no kung sinabi ko sayong kaya ko namang ayusin yung problema. Wala naman talaga kasing problema eh. I can call the engagement off... but you... sinabi mong ituloy ko. Anong nangyari Krisandra? Pinaasa mo lang ba ako na meron pa tayong pag asa?! Or you want to get even with me because I hurt you before?" mahabang litanya nito.

"When I saw you back there in the coffee shop... I'm hoping. I'm hoping that you have already changed your mind. That you're going to run after me and then you'll say yes. Pero hindi nangyari eh. You just left the coffee shop without even talking to me" pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko. Hanggat kaya ko, pinanatili kong walang ka emo-emosyon ang mukha ko.

"I tried my best to get you back. Para makabawi sa ginawa kong pang iiwan sayo. Alam ko naman na nasaktan kita noon pero sana inisip mo naman nasaktan din ako sa pag iwan ko sayo noon. Akala ko nga okay na tayo non eh. Then pinasabog ni tita Rhea ang bomba. All of the sudden lahat ng pinaghirapan ko makuha ka lang ulit ay nawala. I bed at you that night. I ask you to marry me but you turned me down. Why?"  hindi ko ito sinagot. Nagulat na lang ako ng bigla itong tumawa... tumawa na puno ng sarkasmo.

"Oo nga pala... kasi hindi mo na ako mahal"

Mali ka Trail... maling mali ka

"Trail tama na... lasing ka lang" pigil ko dito. Hindi ko na kasi kayang marinig pa na sinisisi ako nito eh. Hindi ko na kayang marinig ang galit nito sa akin. Dahil aminado naman ako. Na t*nga ako.

For the second timeWhere stories live. Discover now