Chapter Thirty Five

18.3K 337 28
                                    

W.A.R.N.I.N.G

—-

-Trailor-

"Oh kuya! Anong ginagawa mo dito?" nakangising tanong sa akin ni Felix. Hindi ko ito sinagot. I just glared at him.

"Woah woah! Don't give me that kind of look kuya!" natatawang sabi nito. Naikuyom ko yung mga kamay ko. Damn you Felix! Damn you!

Sinabi sa akin ni Jonas na naka alis na daw sila sa Restaurant at dumiretso dito sa __ park kaya dito ako nag punta. At ang ganda lang naman ng view na nakita ko pagdating ko. Si Felix nakayakap lang naman kay Krisandra habang nag ba bike sila! I looked like an idiot here, standing here and watching them. Hindi ko nga alam kung ilang oras na ang nasayang ko kakapanuod sa kanila.

"Lapitan mo na kasi" pang aasar sa akin ni Jonas. Nasa tabi ko lang ito at tulad ko ay pinapanuod din ang 'lampungan' ng kapatid ko at ni Krisandra.

"Shut up Jonas" naiiritang sabi ko dito. Bwiset na bwiset na ako sa nakikita ko at wag na siyang magkamaling dagdagan ang inis na nararamdaman ko ngayon.

Narinig ko itong tumawa pero pinabayaan ko na lang. Hindi ko inalis ang tingin ko kila Krisandra at Felix.

"Alam mo, mas sweet silang tignan sa personal kesa sa picture na pinadala ko sayo kanina" pang aasar ulit ni Jonas.

"Alam mo yun. Yung pilitang subuan effect. Yung punas sa gilid ng labi effect. Yung tawanan effect. Yung ngitian effect at yung titigan effect" nakakalokong sabi nito na nagpasabog sa akin. That's it!

"Damn you Jonas! Are you gay?! How can you say those things?!" bulyaw ko dito

"Of course not! Tsk nag sasabi lang ako ng totoo ang init na ng ulo mo. Tsaka yun naman talaga yung mga ginawa nila kanina sa restaurant." Depensa nito.  pinabayaan ko na lang ito at tinuloy ko ang 'pagmamanman' ko sa kapatid ko at kay Krisandra.

Ng makita ko kung gaano kasaya si Krisandra na kasama si Felix ay sumabog na talga ako. How can Felix do that? Wala naman siyang ginagawa na nakakatawa para tumawa ng ganun si Krisandra. She seems so happy at hindi iyon peke.

Damn it! Ako lang ang pwedeng magpasaya kay Krisandra! And Felix is doing that duty for me! I cannot allow this to go furthermore!

And then I decided to approach them....

 

"Ano ba kasing ginagawa ng isang CEO dito sa park?" pinaningkitan ko ng mga mata ko si Felix.

"I will ask that same question. Anong ginagawa ng CEo na katulad mo dito?" tanong ko kay Felix. Ngumiti lang naman ng nakakaloko si Felix. Naikuyom ko ang mga kamay ko ng akbayan nito si Krisandra.

"Well nakikipag date lang naman ako sa 'future girlfriend ko' " mas nadagdagan ang inis na nararamdaman ko sa sinasabi nito. Bawat segundo na lumilipas na naakabay ang kapatid ko kay Krisandra ay nagpapakulo ng dugo ko. Gusto kong hablutin ang kamay ni Krisandra palayo kay Felix.

Pero pag ginawa ko iyon ay baka iba pa ang isipin ng mga ito. At bakit mo naman kasi gagawin iyon Trail?!

"Nasagot ko na yung tanong mo kuya Trail. Eh ikaw anong ginagawa mo dito? Don't tell me na sinusundan mo kami ni Krisandra?"

What is it to you bastard?!

Pero hindi ko iyong pwedeng aminin. mAg isip ka ng irarason mo Trail! Isip!

"Wala... I decided to go out for a walk. Masama ba iyon?" that is the lamest excuse I've ever made in my life!

"Nakaka stress sa office kaya lumabas muna ako. Hindi naman masama iyon diba?" Great Trail. Just great!

For the second timeOnde histórias criam vida. Descubra agora