Chapter Nine

22.2K 411 15
                                    

(@xperia_monster ^^ salamat sa pag vote)

-

-Krisandra-

"Good morning Carla!" magiliw na bati ko sa co-nurse ko na si Carla. Tipid lang naman na ngumiti sa akin si Carla tsaka tumango. Nalagpasan ko na ito sa paglalakad

"Good morning Krisan! Good mood ka ata?" tumigil ako sa paglalakad at tinaasan ng kilay si Stephan na nakatayo sa isang tabi at may hawak na kape.

"Paki alam mo Ruiz?" mataray na sabi ko dito. Tumawa lang naman ito.

"May paki ako kasi kaibigan kita. So bakit ka good mood?" pangungulit nito. Ngumiti ako dito ng pagkatamis tamis.

"Race of the Royalty mamaya. May papakainin na naman ako ng alikabok mwahaha" masayang sabi ko at binuntutan ko pa iyon ng mala demonyong halakhak. Umiling iling naman ito pagkarinig nong sinabi ko.

"Hay Krisan... Registered nurse ka naman na ah bakit kailangan mo pang makipag karera? Kailan mo titigilan ang paghahabol mo kay kamatayan ha?" nag aalala na tanong nito. Ningitian ko lang si Stephan...

"Naks!" dumikit ako dito at siniko siko ko ang tagiliran nito.

"Concerned na naman sa akin ang besftfriend ko!" pang aasar ko dito. Umirap lang naman sa akin ito.

"I just want to remind you Krisan. Aba the last time na nakipag karera ka eh ako ang gumamot sa mga injury mo baka nakakalimutan mo! kung di lang sa galing ko bilang doctor ay baka wala ka ng paa o binti ngayon" sumbat nito sa akin. napangiwi ako ng maalala ko yung huling laban ko. Hindi ko alam kung anong nagyari at sumemplang ang motorsiklo ko noon dahilan para ma injury ang kanang binti ko. At si Stephan ang gumamot sa akin nun. Ganun pa man na ipanalo ko pa din ang karera.

"Wag kang mag alala. Magaling na ang injury ko sa paa tsaka mag iingat na ako promise! " tinaas ko pa yung kamay ko pero umirap lang ito.

"Tsk mag pa-promise ka na nga lang mali pa yang kamay mo" binaba nito ang kamay ko na nakataas at tinaas ang kanang kamay ko.

"Ayan... pag ikaw nabaliaan ng buto mamaya lagot ka sa akin" pag babanta nito pero ningitian ko na lang ito.

Kahit kailan... hanggang ngayon concerned pa rin sa akin ang lalaking ito.

-


"Woah totoo ba tong nakikita ko or guni guni ko lang?"

"Teka may multo ata?"

"Oh anong ginagawa niyan dito?"

Tinawanan ko lang yung mga pinag sasabi ng mga kaibigan ko at tsaka isa isang binigyan ng batok sa ulo. Ang o-oa kasi ng reaksyon nila...

"Mga sira! Oa ah?"

"Waaah ikaw nga Krisan! You're back!" sabay sabay na sabi ng mga ito at tsaka ako dinamba ng yakap. Hinayaan ko na lang dahil na miss ko din ang mga ito.

"Grabe ilang buwan ka ba nawala ha?" tanong ni Joy.

"Mga two months? Di ko alam nakalimutan ko yung bilang"

"Two months? Grabe na miss mo siguro ang pakikipag karera no?" masayang tanong ni Sasha.

"Oo naman... dapat nga matagal na akong bumalik kundi lang napaka strikto ng doctor ko" sabi ko sabay baling ng tingin kay Stephan na papalapit na sa amin ngayon. Racer din tong si Stephan pero kung makapam bawal sa akin ng pakikipag karera wagas eh racer din siya. Ako pa nga ang nag introduce sa kanya ng Drag Racing eh.

"Ohhh" tumango tango sila Joy, Sasha at Jessie at pagkatapos ay nag ngisian.

"Kaya pala" nakataas ang kilay na sabi ni Sasha

For the second timeWhere stories live. Discover now