Chapter Twenty Nine

Start from the beginning
                                    

Damn it. Ano pa bang kailangan nito?! okay naman na si Smirky eh! Bukod sa injury niya sa paa ay okay na ito. Nabayaran ko na din ang hospital bills nito kaya wala ng problema!

Gusto kong makalayo dito sa lalong madaling panahon. My nightmare is already hunting me.

—-

"Kuya natatakot ako" tinignan ko si Stacey na subo subo pa nito ang isang daliri. Mukha nga itong takot na takot kaya ginulo ko na lang yung buhok nito.

"Don't be. Andito naman si kuya diba? If you are with kuya... there's nothing to get scared about" nakangiti kong sabi sa nakakabata kong kapatid.

"Tsaka mamasyal lang naman tayo eh! Ayaw mo ba iyon?" nag lungkot lungkutan kong tanong dito.

"Siyempre gusto ko kuya!" napangiti ako

"So sasama ka na ba kay kuya?"

"Yes kuya!" sa wakas ngumiti na din ito at mukhang nawala na ang takot sa mga mata nito.

"So, tara?" inilahad ko ang kamay ko sa kanya at agad naman nito iyong tinanggap. Binuhat ko ito at isinakay ko ito sa motorsiklo. Regalo ito sa akin ni mama when I turned eighteen. Gusto ko itong subukan kasama ni Stacey... Stacey is my younger sister and she is only six years old. Sabi nila ang laki daw ng age gap naming magkapatid.  That is because she is adopted. Inampon namin siya ni mama... May sinusuportahan kasing orphanage si mama at doon ko nakilala si Stacey. Nakagaanan ko ng loob kaya sinabi ko kay mama na gusto ko itong ampunin.

"Kuya ang bilis! Slow down please!" natawa na lang ako... ang cute niya kasi eh. Halatang takot na takot. Binagalan ko na lang ang pagpapatakbo ko para hindi na siya matakot.

"Okay na princess?" tanong ko dito

"Okay na okay k—" parehong nanlaki yung mga mata namin ni Stacey ng may makita kaming paparating na ten wheeler truck. Mukhang wala sa ayos ang pagpapatakbo ng driver dahil pagewang gewang ang takbo ng truck... umiwas ako at sa kagustuhan kong umiwas ay napunta kami sa kabilang lane ng kalsada at hindi ko papansin ang paparating na sasakyan.

"Kuya!"

"Stacey!"

Tumilapon ang motorsiklo ko... nagkahiwalay kami ni Stacey. Ramdam ko ang lakas ng impact ng pagbagsak ko sa sahig... pero ininda ko iyon... Nilabanan ko ang antok na tumatama sa akin.Kailangan kong tiisin ang sakit na nararamdaman ko ngayon... hinanap ko si Stacey

"Stacey! Stacey!" paulit ulit na tawag ko sa pangalan nito. Hindi ako makakita ng maayos. Blurred ang paningin ko at paika ika pa ako dahil sa tingin ko napalilayan ang paa ko.

"Stacey... oh my god" napaiyak ako ng makita ko ang kapatid ko na nakahandusay sa gilid ng kalsada. May dugo ang ulo nito. May malaking bato na naroroon at sa tingin ko ay tumama ang ulo nito doon.

"Stacey... hold on. Itatakbo ka ni kuya sa hospital" humahagulgol na sabi ko.

"Help me brother. Help me."

"Hang on Stacy! Ililigtas ka ni kuya!" binuhat ko ang kapatid ko kahit masakit ang katawan ko. Wala akong paki alam... kailangan kong maidala sa hospital si Stacey.

Sh.t tinakbuhan pa kami nong nakabunggo sa amin! Wala siyang awa! Wala siyang konsensya!

May humintong ten wheeler truck sa tapat namin. Ito ang dahilan kung bakit kami naaksidenteng magkapatid.

"Sumakay na kayo hijo" alok nong driver. Sinamaan ko ito ng tingin pero wala akong choice ng mga panahon na iyon.

Nanginginig ang buong katawan ko habang hawak hawak ko ang katawan ni Stacey. Sa muling pagkakataon... nag dasal ako. Matagal na akong hindi nagdadasal. I don't know kung kailan ako tumigil... pero ngayon... I need him to save my sister.

For the second timeWhere stories live. Discover now